Lumipas ang ilang sandali ay may nakita akong isang video na parang kakaiba. Hindi ko alam kung bakit pero parang may nararamdaman akong mali sa video na ito. Nagdadalawang isip pa nga ako na pindutin ang play button ngunit kailangan ko tatagan ang loob ko. Paano ko malalaman ang katotohanan kung magpapadaig lamang ako, hindi ba? Kailangan ko ang totoo, kailangan ko ang impormasyon na makakatulong sa akin na mabuhay ng matiwasay. Kailangan ko malaman kung ano ang dahilan kung bakit naging ganito na ang mundo. Kung bakit bigla na lamang nagbago ang lahat at kung ano ba talaga ang simula ng lahat.
Huminga ako ng malalim atsaka inayos ang suot-suot kong headset tsaka pinakinggan ang video. Ang laman lamang ng video ay hinahalintulad kung ano ang mundo namin noon sa mundo namin ngayon. Labis ang aking gulat nang may makitang isang clip na kung saan ay pinapatay na ng ibang tao ang kasama nila para lamang makuha ang pera. Hindi na yata ito makatarungan.
"Hah! Ikaw? Sa tingin mo ang isang katulad mo na mahirap ay bibigyan ng pin ng hari? Ipakita mo sa akin at titignan ko kung totoo ba iyan o peke!" Sigaw ng Duke, ibibigay ko na sana ito ng bigla na lang may pumasok na maraming kawal. Ang pinaka-pamilyar na kawal.
"Ano ang nangyayari?" Sigaw ng Duke.
"Hindi na kailangan pa ipakita ni Kori ang pin na ibinigay ng aking ama, Duke. Hindi ko aakalain na pagdududahan mo ang aming simbolo."
Sabay-sabay kaming na palingon sa taong kakapasok lamang at nakita ang Prinsesa na nakatayo roon habang seryosong nakatingin sa Duke na ngayon ay namumutla na sa takot.
"Mahal na Prinsesa,"tawag nang lahat at sabay-sabay na yumuko. Yumuko rin ako sa harap nito at napa-ngiti. Ngayon ay hindi ko na kailangan pa na kausapin ang taong ito, bahala na ang prinsesa sa kaniya.
"Nais kong maka-usap ka, Duke." Sabi ng Prinsesa.
"Masusunod po, maghahanda lang po muna ako sa aming munting pamamahay,"saad nito at galit na umalis sa guild. Napa-ngiti naman ako at nakahinga ng maluwag.
"At ikaw Kori,"saad ng prinsesa. "Hindi ko aasahan na dito ka pala pupunta!"
Nagulat naman ako ng hilahin ako nito patayo at yinakap. "Namiss kita!" Sigaw nito. Natawa naman ako sa kinikilos niya at napa-iling na lang.
"Namiss din kita, Flora,"sabi ko, "Ano pala ang ginagawa mo rito?"
"Inutusan ako ng Ama na kausapin ang Duke patungkol sa pinadala nitong panukala. Hindi sumasang-ayon si Ama sa buwis na gusto nitong kunin sa mga tao kung kaya ay nais namin na tanggalin ito sa pwesto. Hindi ko naman inaasahan na makikita kita rito!" Paliwanag nito.
"Umupo na muna tayo,"aya ko sa kaniya. Sumunod naman ang prinsesa at sinenyasan ko rin ang mga kasama ko na umupo na. Nagda-dalawang isip ang mga ito noong una ngunit kalaunan ay umupo na rin ito sa harap ko.
"Kumusta ang iyong paglalakbay?" Tanong nito.
"Ganoon pa rin naman, iyong taong humahabol sa akin ay sinundan pa rin ako. Muntikan pa nga ako nito mahabol kung hindi dahil sa mga taong 'to,"sabi ko at tinuro ang mga kasama ko. Sabay-sabay naman ilang yumuko habang si Treyni naman ay namumula.
"Magandang Hapon, Mahal na Prinsesa,"bati ng mga ito.
"Magandang Hapon din sa inyo. Salamat sa pagsagip kay Kori,"sabi ni Flora at ngumiti sa kanila, "Nawa ay tanggapin niyo ang munting gantimpala na ibibigay ko sa inyo."
"Flora!" Tawag ko rito. Ngunit hindi man lang ako pinansin ng babae at sinenyasan lamang ang kaniyang kawal na ibigay ang limang lalagyan ng pera sa kanila.
"Isa si Kori sa mga taong nasa ilalim ng proteksyon ng Floridel, ngunit hindi lamang iyon. Isa siya sa mga tinataguriang espesyal na tao para sa amin, kung kaya ay sobrang saya ko ng malaman ko ang pagtulong na inyong ginawa. Nawa ay tanggapin niyo ang munting gantimpala."
"Salamat, Mahal na Prinsesa!" Bati nilang lahat. Tumango lamang ang prinsesa atsaka humarap sa akin.
"Namiss talaga kita, Kori, ngunit gustohin ko man manatili rito nang matagal ay may kailangan pa akong tapusin na utos. Ayon kay ama ay dapat kong matapos ang kahibangan ng Duke na iyon, kung hindi ay baka mas lalong maghirap ang mga tao dito na ayaw na ayaw na mangyari ni Ama,"saad nito. "Aalis na ako. Masaya ako na nakita kita muli."
Yinakap muna namin ang isa't-isa bago ko ito hinatid sa labas. Bumalik na ako sa loob at ngiting tinignan ang mga ito.
"Kumusta Treyni?" Tanong ko.
"Ano ba!" Sigaw nito habang tinatakpan pa ang kaniyang mukha. Na tawa naman ako atsaka inaya na sila na umalis. Tumango lamang silang lahat at nagsimula na kaming maglakad. Pinag-uusapan pa rin ng mga ito ang tungkol sa nangyari kanina.
"Hindi pa rin ako makapaniwala. Totoo pala talaga na may koneksyon ka sa hari, nahihiya na tuloy akong patirahin ka sa aking munting tahanan,"ani ni Treyni.
"Ano ka ba, isa lamang akong simpleng tao. Huwag ka nga, hali ka na at dumeritso sa bahay nila Draco ng sa gayon ay magamot na natin ang kanilang anak, at may oras pa silang makasama ito habang wala pa ang inyong susunod na misyon." Aya ko rito, tumango lamang si Treyni at sumabay na kami sa dalawa.
Nagpaalam at nagpasalamat naman sina Nola at Sam sa amin bago ito umalis na papunta sa kani-kanilang pamilya. Habang kami naman ni Treyni ay naka-sunod lamang kay Draco at Lauriel papunta sa kanilang bahay. Napakaraming paninda dito sa bayan ngunit walang masiyadong bumibili. Paano ba naman kasi ay ang tataas na ng presyo dahil sa ginawa ng Duke na iyon.
Siguro naman ay babalik na sa dati ang presyo ng mga bilihin bukas.
Lumipas ang ilang minutong paglalakad ay nakarating na rin kami sa isang bahay na may dalawang palapag.
"Naka-uwi na kami!" Sigaw nang dalawa.
Bigla naman kaming nakarinig ng ilang kalabog mula sa itaas hanggang sa may nagmamadaling bumaba na batang babae sa hagdan. Napaka-ganda nito at naka-suot lamang siya ng mataas na damit at naka-tali ang kaniyang pulang buhok.
"Ito si Freya,"pagpapakilala ni Lauriel, "Nagmana ito sa kaniyang ama na may kapangyarihan ng apoy. Ito rin ang aming bunso."
"Ilang anak ba ang mayro'n kayo?" Tanong ko rito.
"Dalawa, iyong isa ay nakahiga lamang sa kaniyang kama." Saad nito.
"Tara na at puntahan na natin,"aya ko. Tumango lamang ang mga ito at naglakad na papunta sa hagdan.
Medyo may kalakihan din itong bahay nila Lauriel. Sakto lamang ang sala, atsaka kusina. Sa ikalawang palapag naman ay may tatlong kwarto at sakto rin naman ang laki. Mas malaki nga lang naman ang kwarto nila Lauriel.
Siguro ay nandoon sa pinaka-dulong bahagi ang kwarto ng kanilang panganay. Ang tanong ko rito ay sino ang nag-aalaga sa kanilang mga anak noong nasa labas sila nang bayan at tinatapos ang misyon.
"Wala ngayon ang lolo ng dalawa, sa mga oras na ito ay nandoon ito sa sakahan. Hindi naman lumalabas itong si Freya at responsable rin naman itong bata." Paliwanag ni Lauriel.
"Nandito na tayo,"saad ni Draco at binuksan ang isang pinto. Bumungad naman sa amin ang isang batang lalaki na may kahabaan ang buhok. Nakahiga lamang ito sa kama at natutulog, putlang-putla ang mukha nito.
Nang makapasok ako sa kwarto nito ay ramdam na ramdam ko ang malakas na enerhiya mula sa kaniya. Hindi lamang kasi isang enerhiya ang pinagmulan nito, kung hindi ay dalawa.
Sa tingin ko ay hindi naman talaga sakit mayroon ang anak nila. Lumapit ako rito at hinawakan ang kaniyang pulso. Ipinikit ko ang aking mga mata at hinayaan ang sarili ko na dalhin ako sa loob ng taong ito. Ilang sandali pa ay nakita ko na rin sa wakas kung ano ang dahilan nang matinding sakit nito. Mayroon itong dalawang kapangyarihan sa kaniyang katawan. Apoy at Hangin, ngunit hindi ito nakakalabas dahil sabay-sabay siya nagkaroon nito. Kailangan lamang idirekta ang dalawang kapangyarihan niya sa tamang lugar, at pagkatapos ay gagaling na ito.
Hindi ko inaasahan na posible pala magkaroon ng dalawang kapangyarihan ang isang tao. Akala ko noon ay dapat isang kapangyarihan lamang ang mayro'n kami, ngunit, mukhang impossible nga kapag ang dalawang magulang niya ay iba-iba ang kanilang mga kapangyariha, ngunit, tanging ang panganay lang yata ang makakapag-mana, sapagkat ang anak nilang babae ay tanging apoy lamang ang mayroon ito.
"Okay lang ba ang anak ko? Magagaling pa ba siya?" Nag-aalalang tanong ni Lauriel. Bumalik na ako sa realidad at huminga nang malalim, unti-unti kong iminulat ang aking mga mata at nakita ang dalawa na naghihintay sa sagot ko habang hawak-hawak ang kamay ng isa't-isa.
"Huwag kayong mag-alala, wala namang sakit ang inyong anak,"sabi ko at ngumiti sa kanila. Nagtatakang napatingin naman ang dalawa sa akin habang ang kanilang anak naman ay masayang pumunta sa tabi ko, hinawakan nito ang kamay ng kaniyang Kuya at tinignan ito ng mabuti.
"Ang rason po ba kaya naging ganito si Kuya at dahil may kapangyarihan siya?" Tanong ng kanilang anak na babae.
Nagulat naman ako sa sinabi nito at tinignan ang dalawang mag-asawa, sabay-sabay naman silang huminga nang malalim at tumango.
"Walang kapangyarihan ang anak kong lalaki, kung kaya ay madali lang itong dapuan ng sakit." Paliwanag ni Lauriel.
"Kailan niyo pa na sabi na wala itong kapangyarihan?" Tanong ko.
"Lahat nang angkan naming dalawa ay malalaman na agad ang kapangyarihan sa araw na ipinanganak ito, ngunit itong anak namin na si Driel ay wala talaga. Kahit isang senyales ay wala talaga, habang itong anak ko naman na si Freya ay agad na umapoy ang buhok nito ngunit parang ito pa ang naging dahilan upang hindi ito umiyak." Paliwanag niya.
Hindi naman sa walang kapangyarihan si Driel, hindi nga lang alam ng katawan nito kung ano ang unang ilalabas nila. Ngumiti lang ako sa mga ito at umiling, "Diyan kayo nagkakamali. Ang rason kung bakit naging ganito ang sitwasyon ni Driel at kung bakit lagi itong nagkakasakit ay dahil hindi niyo ginawan ng paraan upang lumabas ang kaniyang mga kapangyarihan."
"Mga?" Gulat na tanong ng mag-asawa.
"Mga,"ulit ko, "Dahil nakuha lang naman ng inyong gwapong anak ang kapangyarihan niyong dalawa. Ang kapangyarihan ng hangin at apoy."
"Pero, bakit hindi man lang ito nagkaroon ng--,"hindi ko na ito hinayaan pang ituloy ang kaniyang sasabihin at sinenyasan na tumahimik.
"Ipapaliwanag ko sa inyo mamaya.
Ipinikit ko na ang aking mga mata at at hinanap ang meridian na kung saan naroroon natigil ang kaniyang mga kapangyariha.
"Rerecta,"
Unti-unti ko naman naramdaman ang pag-init ng dalawang daliri ko at ginamit ko ito upang hilahin ang isang kapangyarihan niya papunta sa ibang bahagi ng kaniyang meridian, ilang sandali pa ay dumaloy na ito ng parang normal na enerhiya sa kaniyang buong katawan. Inulit ko naman ito ng isa pang beses.
"Kamusta, Kori?" Tanong ni Lauriel habang nag-aalalang nakatingin sa kaniyang anak, unti-unti ko naman minulat ang aking mga mata at ngumiti sa kanila.
"Huwag na kayong mag-alala, ilang oras mula ngayon ay babalik na rin sa sigla ang kulay ng inyong anak,"sabi ko at tumayo na. Napangiti naman ang mga ito at halos maiyak-iyak din na tinignan ni Lauriel ang kaniyang asawa. Dali-daling lumapit silang dalawa sa bata at hinaplos ang mukha.
"Gumising ka na anak ko,"sabi ni Lauriel at hinalikan ang noo ng bata. Napa-ngiti naman ako kung paano umasta si Lauriel sa harap ng kaniyang anak. Kung gaano kalambing ito sa amin ay mas malambing naman ito sa kaniyang mga anak. Halatang-halata na sobrang mahal nito ang kaniyang anak.
Kung titignan si Lauriel ay napaka-angas ng pananamit nito, biglang isang kasamahan niya ay hindi ko maipagkakaila rin ang ganda ng hubog ng kaniyang katawan at ganda ng kaniyang mukha. Kung titignan ay parang isang dalaga pa rin ito at walang dalawang anak. Patuloy lamang sa paghaplos ang dalawa sa mukha ng kanilang anak habang kami naman ni Treyni ay nagkatinginan sa isa't-isa.
"Tara na,"sabi ko, "Doon na lang muna tayo maghintay sa dalawa sa kanilang sala."
Tumango naman si Treyni, dahil sa tingin ko ay naiintindihan naman nito ang gusto kong ipahiwatig. Nagpaalam lang kami sa dalawa bago kami lumabas na ng kwarto ng bata.
"Hindi ko inaasahan na magkakaroon pala ng kapangyarihan si Driel,"sabi ni Treyni.
"Nandoon lang naman talaga ang kapangyarihan ni Driel, iyon nga lang ay pahirapan sa paglabas nito sa kaniyang katawan,"sabi ko, "Nasa isang bahagi lamang ito sa kaniyang meridian, hindi ito dumadaloy sa kaniyang katawan kung kaya ay hindi ito nagkakaroon ng senyales na mayroon pala itong kapangyarihan."
"Kung gayon ay talagang wala lang pa lang sakit ang batang iyon,"saad nito. Tumango lamang ako sa kaniya at bumaba na. Nang makarating kami sa sala at agad kaming umupo sa malambot nilang sofa. Ipinikit ko agad ang aking mga mata upang magpahinga. Hindi ko naman inaasahan na kailangan pala ng maraming mana iyong pag direkta ng daloy ng kaniyang mga kapangyarihan sa katawan. Kung sabagay ay dalawa nga naman iyon at isa doon ay iyong pinaka-malakas talaga, ang apoy.
Nanatili lamang ako sa ganoong posisyo ng ilang oras hanggang sa marinig na lang namin ang pagsigaw ni Lauriel sa itaas.
"Siguro ay na gising na ang kanilang panganay na anak,"sabi ko at napangiti.
Unti-unti ko naman iminulat ang aking mga mata at tinignan si Treyni na nakatulog na rin sa isang sofa. Napangiti na lang ako dahil parehong-pareho lang kami na napagod sa aming paglalakbay. Umayos na lang ako ng pwesto upang matulog lang din saglit, siguro naman ay gigisingin ako nila Lauriel kapag bumaba na sila.
Dahan-dahan kong ipinikit ang aking mga mata at hinayaan ang sarili ko na lamunin ng kadiliman. Ramdam ko rin ang saya ng aking mga kalamnan dahil makakapag-pahinga na rin kami ng tama. Hindi naman nagtagal ay tuluyan na talaga akong nakatulog.
Ramdam na ramdam ko naman ang pagtusok ng isang munting daliri sa aking pisngi. Unti-unti kong iminulat ang aking mga mata at tinignan kung sino ito. Nang makita ko ang mapupulang buhok at napaka-ganda ng mukha ay agad akong ngumiti sa kaniya.
"Freya,"tawag ko rito.
"Magandang gabi po, Ate Kori,"bati ng bata at umalis na. Bumangon na ako sa pagkakahiga at tinignan ang paligid. Ngayon ko lang na pansin na nakahiga na pala ako at may kumot pa. Sino ba ang lumipat sa akin dito? At Magandang Gabi? Agad naman akong napatingin sa bintana at nakitang madilim na nga sa labas. Hindi ko inaasahan na ganoon na pala ako katagal na tulog, nasaan si Treyni?
Inilibot ko naman ang paningin ko at nakitang ako na lang mag-isa sa sala. Bumangon na ako sa sofa at hinanap ang tatlo, hindi naman nagtagal ay narinig ko rin ang tawanan nila Treyni at Lauriel. Mukhang nandoon ito sa Kusina nila Draco ah? Naglakad na ako papunta roon at nakita nga ang mga ito na abala sa paghahanda ng hapunan. Bakit hindi naman nila ako ginising noong nakababa na pala sila? Na pansin ko rin ang isang batang lalaki na naka-upo lamang sa isang lamesa, seryosong kumakain ito mga pagkain na inihanda nila Lauriel.
"Magandang Gabi,"bati ko sa mga ito. Natigil naman sila sa tawanan at sabay-sabay na lumingon sa gawi ko. Ngumiti naman si Treyni sa akin at kumaway, "Buti naman at na gising ka na,"saad ni Lauriel, napakamot naman ako sa ulo ko at yumuko.
"Pasensiya na kayo at naka-tulog ako ng matagal,"sabi ko, Nagulat naman ako nang bigla ko na lang naramdaman ang paghawak ng isang kamay sa balikat ko. Tumayo naman ako ng maayos at tinignan kung sino ito.
"Huwag mo nga gawin iyan, akala mo naman ay may mataas kaming antas dito sa bayan. Sa katunayan niyan ay dapat pa nga kami ang gumagawa ng bagay na iyan,"saad ni Lauriel at ngumiti sa akin, "Hali ka na at kumain. Bumili kami ng ilang karne at mga espesyal na pagkain sa bayan, isang munting pagdiriwang dahil bumalik na rin sa dati ang aking anak."
"Hindi lang iyon,"sabi ni Draco at ngumiti pa ng sobrang lapad, "Isa lang naman ang anak ko na biniyayaan ng dalawang kapangyarihan."
"Ngunit mas malakas naman ang kapangyarihan mo sa katawan ng anak mo, Draco,"sabi ko at umupo na rin. Tumabi naman sa akin si Treyni habang nasa dulo naman si Draco at kaharap ko si Lauriel.
"Ang dami niyo naman handa,"sabi ko at ngumiti sa kanila, "Bigla tuloy akong nakaramdam ng gutom."
"Ano pa ba ang hinihintay mo?" Tanong ni Lauriel, "Hali na at kumain."
May iba't-ibang putahi ang nasa mesa, may inihaw na baboy atsaka isda, ilang pie at prutas, mga iba't-ibang luto gamit ang baboy at manok atsaka kanin. Hindi ko alam kung ano ang pipiliin ko kung kaya ay tinikman ko lahat ng pagkain nila paisa-isa.
Masaya lamang kaming kumakain lahat, nagkwe-kwentuhan din kami tungkol sa mga nadaanan nila bilang isang mangangaso o bilang mga taong tumatanggap ng misyon.
"Noong una ay labis ang paghihirap namin,"sabi ni Lauriel, "Ngunit kalaunan ay na sanay na rin at tumaas na ang stage, kung kaya ay may mga misyon na napaka-dali na lang."
"Sa katunayan niyan ay hindi naman talaga kami magkasama nila Sam at Nola, ngunit dahil sa hindi inaasahang pagkakataon kailangan namin mag-sanib upang matalo ang isang napakalaking halimaw na nakita namin. Simula sa araw na iyon ay na buo na ang aming grupo,"kwento naman ni Draco.
"Kaya pala,"sabi ko.
Na-ikwento ko rin sa kanila kung ano ang pinagdaanan ko noong naglalakbay ako. Kung ano-ano ang mga nakita ko, kung sino ang mga nakilala ko sa Kaharian ng Floridel at kung anong klaseng tao ang hari at mga prinsesa. Seryoso lamang nakikinig si Treyni sa akin dahil alam kong gustong-gusto nito ang mahal na prinsesa.
Matapos naming kumain ay nanatili muna kami roon ng ilang oras. Pagkatapos ay nagpa-alam na kami sa kanila upang magtungo sa bahay nila Treyni. Hindi naman nagtagal ay nakarating na rin kami sa isang bunggalo na bahay. Sa pagpasok mo ay makikita mo agad ang sala nito at kusina, sa dulo naman ng kaniyang bahay ay mayroon itong dalawang kwarto na magkaharap.
"Diyan ka na lang mananatili sa kwarto ko, Kori, masiyadong maalikabok dito sa isa. Nakakahiya naman,"saad nito, ngunit umiling lamang ako sa kaniya at ngumiti.
"Dito na ako, madali lang naman linisin ang kwarto mo,"sabi ko.
"Sigurado ka ba?" Nag-aalalang tanong niya, tumango lamang ako sa kaniya at nanghingi na lang ng timba na may tubig atsaka basahan. Nang naibigay na niya ito sa akin ay agad akong nagsimulang maglinis.