Game 34

3007 Words

Sumunod lamang ako sa kanila kahit wala na naman talaga akong plano na magtagal. Alam kong ilang oras simula ngayon ay aalis at aalis na rin ako. Ayaw kong sumama sa ganitong klaseng grupo, alam ko talaga na may ginagawa silang hindi maayos kapag nakatalikod ako o nagpapahinga. Wala pa rin akong tiwala sa mga katulad nila. Wala pa rin akong tiwala na maging isa sa kanila.  Huminga ako ng malalim habang tinitignan silang masayang nag-uusap. Kung titignan ay parang sobrang laki ng kanilang tiwala sa isa't-isa.  Totoo ba talaga itong kanilang pinapakita o hindi? Nais ko sana itong malaman pero mukhang magiging malabo iyon. Alam kong magiging malapit sila sa akin sa oras na magtagal pa ako sa grupong ito. Nanatili lamang akong tahimik sa kanilang likuran habang nakikinig sa kanilang pinag-u

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD