Chapter 41

3059 Words
Pagkatapos ay tumayo na ako at kumuha ng walis para magsimulang magligpit. Abala lamang ako sa paglilinis ng bahay nang hindi ko mapansin na hapon na pala. Naramdaman ko na rin ang kaunting gutom sa aking tiyan kaya naisipan ko na magbihis at sa labas na lang kumain. Nais ko rin magpahangin dahil napakarami ko pang dapat gawin. Pinindot ko ang isang icon sa isang tabi na kung saan naroroon ang iba ko pang mga misyon na dapat ko ng matapos. Halos ilang milyon din ang halaga nito at ngayon ko lang sisimulan. Sinarado ko na ang misyon sa aking harapan at pumasok na sa banyo. Naligo na ako agad at nag-ayos, pagkatapos ay lumabas na ako ng bahay at naghanap sa kung saan ako pwedeng kumain. Malapit ng gumabi kung kaya ay hindi na masiyadong mainit dito sa labas. Marami na ring tao ang lumalabas at tila ba ay may planong magsaya. "Iyon 'yong batang tinutukoy ko,"tugon ko rito, "Siya 'yong batang nakita kong nagnakaw ng gamot sa isang tindahan upang dalhin sa kaniyang ina. Sila rin ang pamilya na nagbigay ng ideya sa akin na gawin ang bagay na iyon bukas." "Ganoon ba?" "Oo,"tugon ko rito. "Kaya pala gustong-gusto ka ng hari at ng mga prinsesa. Hindi lang iyon, ginawaran ka pa ng kapangyarihan na mas lamang sa kahit anong posisyon sa palasyo,"ani ni Draco habang naka-sunod lamang sa amin. Napakaraming tao ngayon sa bayan at ilan sa mga ito ay ang mga batang nagtatakbuhan o kumakain sa isang tabi. Napakasaya ng bayan ngayon ah? "Ano ang ibig mong sabihin, Draco?" Tanong ko rito habang nakangiti pa rin na nakatingin sa mga bata.  "Nakita siguro ng hari at nang mga prinsesa ang kabutihan mo. Sana nga lang ay dumami pa ang katulad mo, Kori,"ani ni Draco, "Ano pa ang hinihintay mo Nola?" Nola? Ano naman ang kinalaman ni Nola dito? "Manahimik ka nga,"tugon ni Nola, bahagya naman akong napatingin dito at hindi mapigilan na hindi humanga sa suot-suot nito ngayon. Sobrang pormal nito at wala itong suot-suot na takip sa kaniyang mukha. Tae bakit ba ang gwapo ng lalaking ito?  "Kori, baka matunaw na si Nola sa mga titig mo. Hinay-hinay lang, ha?" "Pinagsasabi mo riyan,"sabi ko at umiwas nang tingin. Hindi ko na pansin na masiyado na pala akong nakatitig kay Nola, akala ko naman ay sandali lang 'yon. Umiwas na lang ako nang tingin at tinignan ang mga tao sa paligid. Nagkakasayahan ang mga ito at halatang-halata sa mga mukha nila na wala itong mga problema. Kahit ngayong gabi lang ito mangyayari ay hindi naman siguro masama na humalubilo rin ako sa kanila, hindi ba? Nagpatuloy lamang kami sa paglalakad hanggang sa makarating na kami sa pinaka-gitna ng bayan na kung saan gaganapin ang pagdiriwang. Hindi ko mapigilan ang hindi mamangha sa kagandahan ng mga palamuti at nang mga pagkain na nasa mga lamesa. Napaka-sarap din tignan ng mga taong sumasayaw sa gitna.  Inilibot ko naman ang aking paningin hanggang sa makita ko ang hari na naka-upo sa isang malaking lamesa at kausap nito ang bagong Duke.  "Lalapit pa ba tayo?" Tanong ni Treyni habang hawak-hawak nito ang tela ng kaniyang mahabang damit. "Oo,"tugon ko, "Panigurado ay kanina pa tayo hinahanap ng hari. Hindi nga lang tayo nito makita dahil ngayon lang tayo dumating." "Sino ba ang may kasalanan?" Tanong ni Lauriel at ngumiti sa akin, "Hindi mo naman kailangan magpaganda upang mapansin." Kunot noo naman akong napatingin sa kaniya at hindi makapaniwala sa aking narinig. Ano na naman ba ang iniisip nito? Kanino naman ako magpapaganda? Ito lang naman ang sinuot ko dahil akala ko ay pormal ang gaganapin na pagdiriwang. Kung ano-ano na naman yata ang pumapasok sa isipan nang babaeng ito. Hindi ko na lang siya pinansin atsaka nagsimula nang maglakad patungo sa kung nasaan ang hari. Naka-ilang iwas pa kami sa mga taong sumasayaw bago nakarating sa harap nito at sabay-sabay na yumuko upang bumati. "Magandang Gabi, Mahal na Hari,"bati namin sa kaniya. "Magandang Gabi sa inyo,"tugon nang hari, agad naman kaming umayos ng tayo at ngumiti ako sa kaniya. Tinignan ko naman ang Duke na ngayon ay nagtataka sa akin habang ini-inom nito ang kaniyang alak. Hindi pa yata ako nito nakikilala. "Pasensiya na po kayo at natagalan po kami, Mahal na Hari,"saad ko at ngumiti rito. "Huwag niyo nang isipin iyon,"tugon naman nito, "Kumain na kayo at magsaya, para sa inyo itong pagdiriwang natin ngayong gabi kaya nararapat lamang na tamasin niyo ang sarap ng tagumpay, ngunit bago iyon ay may ipa-pakilala muna ako sa inyong tao." Tumayo lamang ang hari at ganoon na rin ang Duke, "Ito ang bagong Duke ng bayan na ito, si Duke Frasco. Isa ito sa mga pinagkakatiwalaan kong tao sa aming palasyo."  Yumuko naman kaming lahat rito atsaka ito binati, "Magandang gabi Duke Frasco." "Naku, Naku,"ani nang Duke, "Hindi na kailangan ng mga bayani ang yumuko pa sa akin. Salamat sa pagsagip sa ating munting bayan." "Walang anuman po iyon,"ani ni Lauriel, "Ginawa lang po namin ang aming responsibilidad bilang mamamayan ng bayan na ito." Tumawa naman ang hari at Duke atsaka itinaas ang kanilang mga baso. "Ngayon ay pormal na sisimulan na natin ang pagdiriwang." Ani nito, bigla naman hinampas ng isang lalaki ang kampana na naging dahilan ng pagtigil ng mga tao sa kanilang kasiyahan. Humarap ang mga ito sa amin at sabay-sabay na yumuko. "Magandang Gabi sa inyong lahat,"ani nang hari, "Ngayon ay pinagdiriwang natin ang matagumpay na pagpaslang ng mga magigiting nating mga bayani sa malaking dragon na iyon sa lumang kastilyo. Alam ng lahat kung gaano ka makapangyarihan ang dragon na iyon at napaka-hirap talunin, ngunit, na tapos lamang ng mga manlalakbay na ito ang kanilang misyon ng isang gabi." Naghiyawan naman ang mga tao sa paligid at kitang-kita ang saya sa mga mukha nito. Hindi ko alam ngunit ramdam na ramdam ko rin ang saya sa kalooban ko, siguro ay dahil ito sa naka-tulong na naman ako sa mga tao. Hindi lamang sa limang tao o isang daan, ngunit sa buong bayan. Nagkatinginan naman kaming magkaka-kasama at napa-ngiti sa isa't-isa.  Nagulat naman ako nang bahagyang ngumiti si Nola sa akin at agad din umiwas ng tingin. Totoo ba 'yon o sadyang namamalikmata lang talaga ako? Napaka-guwapo pala ng lalaking iyon kapag ngumiti. Ay, ano ba 'yan! Agad ko na lang ibinaling ang atensyon ko sa iba at nakita ang dalawang babae sa tabi ko na mapang-asar na nakatingin sa akin. "Ano?" Tanong ko rito. "Wala,"tugon nila at tumingin na sa harapan. "Ngayong gabi ay magsasaya tayong lahat! Simulan na ang sayawan!" Sigaw nang hari at nagsimula na muling tumugtog ang mga instrumento. "Mahal na hari,"tawag ko rito. "Bakit, Kori?" Tanong nito sa akin. "Aalis na po kami at sumali sa kasiyahan,"paalam ko rito, tumango naman ang mahal na hari atsaka sinenyasan na kaming umalis. Walang pagda-dalawang isip ay agad kaming naglakad patungo sa mahabang lamesa na kung nasaan naroroon ang mga pagkain. Kukuha na sana kami nang bigla kaming pigilan ng ilang katulong at tinuro ang isang bakanteng lamesa na may anim na upuan. Mayroon nang ilang masasarap na mga pagkain dito at nakatayong kandila sa gitna.  "Espesyal ba tayo at may pa ganiyan pa talaga?" Tanong ni Treyni at tumawa. "Ngayon lang ito nangyari sa buong buhay ko,"ani ni Draco, "Kung kaya ay susulitin ko na." Nagmamadali naman na lumapit ang mga ito doon sa lamesa at na iwan na lang ako ritong nakatayo, hindi lang pala ako, pati rin pala si Nola sa akin tabi. Kitang-kita ko pa sa pwesto ko ang ngitian nang dalawang babae sa isa't-isa. Kung hindi ko lang sila nakasama nang matagal ay masasabi kong normal lamang iyon, ngunit, base sa ngitian nila ay alam kong may binabalak ang mga ito, at hindi nga ako nagka-mali. Tanging dalawang bakanteng upuan na lamang ang natira at magkatabi pa ito. Sabi ko na nga ba at may binabalak sila eh, huminga na lang muna ako nang malalim atsaka ako nagsimulang maglakad patungo sa lamesa. Ngunit, sa hindi inaasahang pagkakataon ay na-apakan ko ang tela ng aking damit na naging dahilan ng muntikan ko nang pagkatumba, kung hindi lang ako naka-kapit agad sa taong nasa tabi ko. "Mag-ingat ka,"ani nito. Napalingon naman ako sa kaniya at nakita itong nag-aalalang naka-hawak sa kamay ko. "Pasensiya ka na,"saad ko at umayos ng tayo. "Bakit ba kasi kailangan 'yan pa ang suotin mo? Hindi ka ba nahihirapan?" Tanong ni Nola at nanatili pa ring naka-hawak sa aking kamay. Umiwas naman ako ng tingin at tumango. "Medyo pero ito lang ang magandang damit na mayro'n ako,"saad ko rito.  "Kung gayon ay hayaan mo na lang akong alalayan ka habang nandito pa tayo sa pagdiriwang,"bulong nito at nagsimula nang maglakad. Sumunod naman ako sa kaniya habang hawak-hawak pa rin nito ang kamay ko. Akala ko ba ay aalalayan niya ako? Bakit naman niya ako hinihila nang ganito?  Pagkarating namin sa lamesa ay agad nitong hinila ang aking upuan at pinaupo ako. Ngiting tinignan naman ako nang dalawa at ganoon din ang dalawang lalaki. Umupo na rin si Nola sa tabi ko at nagsimulang kumuha ng pagkain. "Ahem,"pekeng ubo ni Draco habang pinipilit na huwag ngumiti, "Kumain na nga tayo." "Oo nga,"sang-ayon naman ng kaniyang asawa at tumawa. Nagsimula nang kumuha ng pagkain ang mga kasama ko at sumunod na rin ako. Hindi ko alam pero ang tahimik yata nang grupo namin ngayon? Alam kong ginagawa na naman nilang isyu itong pagtulong ni Nola sa akin. Bahala na nga sila, alam naman nila na magkaibigan lang talaga kami at sobrang lamig nitong taong 'to, pwera na lang kanina. Kumuha na ako nang pagkain at nagsimula na rin kumain. Nanatili lamang tahimik ang aming mesa nang halos limang minuto bago nagsimulang magdaldal si Lauriel. Nagkwe-kwentuhan pa rin kami kung paano nila na talo ang dragon at kung saan sila nagkulang.  "Mukhang kailangan na natin bumalik sa pag-eensayo,"ani ni Draco at bumuntong hininga, "Sa tingin ko ay hindi na sapat ang ating antas at stage ngayon upang kumalaban ng mga halimaw sa gubat." "Ano na lang ba ang gagawin natin?" Tanong ni  Treyni. "Naalala niyo ba kung ano ang ginagawa natin upang tumaas ang ating antas?" Tanong ni Draco, kunot-noo naman na napatingin sa kaniya sina Treyni at Sam. "Huwag mong sasabihin ay nais mong maglakbay tayong lahat ngunit hindi magkakasama?" Tanong ni Sam, "Possible nga na tumaas ang antas natin ngunit, paano naman ang ating mga misyon sa Guild?" Bumuntong hininga naman si Draco atsaka niya inilapag ang kaniyang kutsara at tinidor. "Makinig kayong mabuti,"ani nito, "Alam niyo naman siguro na kapag magkasama tayong nakikipaglaban ay hindi madali tumaas ang ating mga antas, ngunit sa tuwing magkahiwalay tayo ay mas lumakas pa tayo sa huli nating pagkikita. Tungkol naman sa ating misyon ay pwede naman nating sabihin sa guild ang ating rason at maiintindihan naman nila ito." Natahimik naman ang lahat sa sinabi ni Draco, sa tingin ko ay hindi talaga sila sang-ayon sa desisyon na maghi-hiwalay silang lahat. Nasanay na rin sila na magkasama kung lumaban, kahit ako ay mahihirapan din akong magpaalam sa mga ito dahil napakarami na rin naming nalampasan na magkasama. Lumipas na lang ang ilang sandali ngunit nanatili pa rin silang tahimik lahat. "Huwag muna natin isipin ang tungkol sa bagay na iyan,"ani ni Nola at tumayo, "Sa ngayon ay magsaya na muna tayo, dahil minsan lang itong nangyayari." Nagulat naman ako nang bigla na lang akong hawakan ni Nola sa kamay at hinila. Napatingin pa nga ako sa mga kasama ko ngunit gulat lamang silang nakatingin sa amin. "Nola?" Tawag ko sa kaniya, "Saan tayo papunta?" Sabi niya ay magsaya na raw muna kami, ngunit papalayo naman kami sa gitna nang bayan. Hindi pa rin tumu-tugon si Nola sa akin at patuloy pa rin siya sa paglalakad, lumampas na kami sa pasukan nang bayan at nanatili pa rin itong tahimik. Pinilit kong kumalas sa pagkakahawak nito ngunit napaka-higpit nang kaniyang kamay. Sumuko na lamang ako at hinayaan siyang dalhin ako sa kung saan man niya gusto. Ilang sandali pa ay umakyat kami sa burol atsaka ito tumigil sa ilalim ng isang malaking puno. Bigla na lang niyang binitawan ang kamay ko at umupo roon. Nanatili lang akong nakatitig sa kaniya habang himas-himas ang kamay na hinawakan niya kanina. "Hindi ka ba uupo?" Tanong ni Nola. "Bakit mo 'ko dinala rito?" Tanong ko pabalik at naglakad na papunta sa kaniyang tabi. Naramdaman ko naman ang malamig na simoy ng hangin mula sa paligid, doon ko lang na pansin ang napaka-gandang tanawin sa harap namin. Napaka-ganda ng mga ilaw mula sa bayan, ang ganda rin ng mga bituin at buwan sa langit. Hindi ko naman alam na mayroon pa lang lugar na ganito, bakit ngayon ko lang ito nalaman? "Gusto ko lang lumayo sa mga tao,"saad nito, "Hindi ako komportable sa kanila." "Pero bakit mo pa ako dinala?" "Dahil komportable ako sa iyo,"tugon ni Nola sabay tingin sa mga mata ko. Bigla na namang tumibok nang kay bilis ang puso ko at ramdam na ramdam ko ang init sa aking mukha. Kung hindi lang sana madilim itong lugar na ito ay maaring kitang-kita na ni Nola ang pulang-pula na mukha ko. "Ayaw mo talaga sa mga tao?" Tanong ko rito, at umiwas nang tingin, "Napapansin ko kasi na hindi ka masiyadong nagsa-salita at parati ka lang tahimik sa isang tabi." "Hindi naman sa ayaw,"saad niya, "Minsan kasi hindi ko lang talaga alam kung sino ang pagkakatiwalaan ko sa mga ito. Kung kaya ay lumalayo ako sa kanila." Napatingin naman ako sa kaniya at nakita lamang itong nakatingin sa langit. Kitang-kita ko ang lungkot mula sa kaniyang mga mata at sinabayan pa ito nang lamig ng hangin. Hindi ko alam kung bakit ngunit bigla ko na lang inilapit ang sarili ko sa kaniya atsaka siya niyakap. "Hindi ko man alam kung ano ang pinagdaraanan mo ngunit, pinapangako ko ay mapagkakatiwalaan mo 'ko,"sabi ko at hinaplos ang kaniyang likod. Ramdam ko sa aking balikat ang bahagyang paggulat nito ngunit kalaunan ay yinakap din ako nito pabalik. Ibinaon ni Nola ang kaniyang mukha sa leeg ko at nanatili lamang sa ganoong posisyon ng ilang minuto. Hindi naman nagtagal ay kumalas na rin kami sa yakap at nanatili lamang tahimik habang nakatingin sa langit. "Sa katunayan niyan ay hindi lang naman talaga sila ang unang grupo na nasalihan ko,"ani ni Nola. "Hindi rin ako ganito noon." Umayos naman ako nang upo at humarap sa kaniya, "Ngunit, ano ang nangyari?" Kitang-kita ko ang pait na pagngiti nito at pagpunas niya nang kaniyang mga mata. "Pinagtaksilan ako nang mga kasama ko,"saad nito, "Mayroon akong isang grupong sinalihan noon. Limang tao lang din kami ngunit ang pinagkaiba ay puro kami lalaki. Masaya silang kasama, kapatid na nga ang turingan naming lahat pero iyon lang pala ang inaakala ko. Hindi ko inaasahan na pagtataksilan pala ako nang mga ito. Isang araw niyan ay nagkaroon kami ng isang misyon, ang misyon na iyon ay kunin ang bato na nagbibigay buhay sa isang bangkay ng dragon. Noong una ay maayos naman ang aming pakikipaglaban, ngunit bigla na lang nagkaroon ng problema at muntikan na kaming mapatay lahat." Hindi ko mapigilan ang hindi magulat sa kanilang naabutan. Iyong dragon nga na kinalaban namin ay nahirapan kami, paano pa kaya kung ganoon ang sitwasyon? Posibleng bumalik pa rin ito sa pagkabuhay kung hindi nila makukuha ang batong iyon. "Hindi ko alam ngunit, sa mga oras na iyon ay lagi ako ang punterya ng dragon. Hindi ko rin maipaliwanag kung bakit, o kung anong mayro'n sa akin at bakit lagi na lang ako ang pinatatamaan nito." Saad niya, nakita ko naman ang pagkuyom ng kaniyang mga kamao, ramdam na ramdam ko ang galit niya sa mga oras na ito kung kaya ay hinawakan ko ang kaniyang kamay bilang palatandaan na naririto lang ako sa tabi niya, hindi naman ako na bigo at kumalma naman si Nola. "Habang abala ako sa pakikipaglaban ay hindi ko na pansin na wala na pala ang mga ito sa loob ng kweba. Tanging ako na lang ang nanatili kasama ang dragon. Hindi ko na alam ang aking gagawin, pero wala akong magagawa ang tanging nasa isip ko lang ay talunin ang dragon at umalis na roon." Bigla naman akong napahawak sa aking bibig at hindi maka-paniwala sa aking narinig. Paano na gawa nang mga kasama niya ang bagay na ito? Kung iisipin ay hindi ko kaya kalabanin ang isang dragon na mag-isa lang, kailangan ko rin nang kasama. Ngayon alam ko na kung bakit panay ang layo niya sa mga tao sa paligid, ayaw lang niya magtiwala muli dahil maaring bumalik na naman ang napagdaanan niya. "Hindi ko alam ngunit na talo ko ang Dragon at naka-uwi ako nang ligtas sa bayan namin, pero, pagkatapos ng misyon na iyon ay hindi na ako nagpakita pa sa aking mga kasama at pumunta sa bayan na ito. Dito ko nakilala silang lahat." Nanatili lamang akong tahimik sa kaniyang tabi at seryosong nakikinig sa kaniya. Hindi ko mapigilan ang hindi maawa dahil sa sitwasyon na napagdaanan niya. Napaka-sama nang kaniyang mga kaibigan, hindi man lang nila naisip na tulungan si Nola at talagang ginawa pa talaga nilang pain ito upang makatakas lang sila.  "Pasensiya ka na,"ani ni Nola atsaka tumingin sa akin, "Matagal ko na talagang tinatago 'to." "Wala bang alam sila Lauriel tungkol sa bagay na ito?" Tanong ko rito at ngumiti sa kaniya. Alam ko sa sarili ko na kailangan lamang ni Nola ngayon ng makaka-usap, hindi rin naman ako masiyadong mahilig sa sayawan kaya dito na lang muna ako at makikinig sa kaniya. Umiling naman si Nola sa tanong ko atsaka siya bumuntong hininga, "Wala silang alam tungkol sa bagay na ito, tanging ikaw lang ang sinabihan ko." Nagulat naman ako sa sagot niya, bakit niya naman kinw-kwento sa akin ang tungkol sa bagay na iyan? Isa lamang akong estranghero na napadaan sa kanilang grupo at hindi pa nga ako nito ganoon kakilala? Akala ko ba ay ayaw pa nitong magtiwala sa mga taong nasa paligid niya? "Alam ko na nagtataka ka ngayon kung bakit ko kine-kwento sa iyo ang tungkol sa nangyari sa akin noon,"sabi ni Nola at nanatili lamang nakatingin sa Langit, "Hindi ko rin alam, Kori. Napaka-komportable ko sa iyo at alam ko sa sarili ko na mapagkakatiwalaan kita. Hindi ko rin alam kung bakit ngunit kumakalma ako sa tuwing nakikita kita."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD