Paano kaya kapag nalaman nila ang tungkol sa paparating na pangyayari? Handa na ba silang lahat na harapin ang dapat naming harapin o hindi pa? Hindi rin ako sigurado, pero dapat silang maghanda. Nagpatuloy na ako sa paglalakad hanggang sa makarating ako sa isang karenderya na hindi masiyadong maraming tao. Hindi ako sigurado kung karenderya ba ito o restaurant dahil sobrang simple lamang ng lugar ngunit ang mga nakaparadang sasakyan sa labas ay sobrang ganda. Hindi ko na lamang ito pinansin at pumasok na sa loob. Agad naman akong binati ng isang lalaking naka-uniporme ng restaurant na ito. Mukhang restaurant nga, ang mukha lamang ng kanilang design ang karenderya ang datingan. Dahil na rin siguro ay nais nilang maiparamdam sa kanilang mga kustomer na welcome ang lahat dito. Nagpatuloy

