“Magandang gabi sa inyo, heto po ang menu,”saad ng lalaki sabay ngiti sa akin, “Tawagin niyo lang po ako kapag handa na kayo.”
Tumango lamang ako at tinignan ang kanilang menu. Napakarami nilang putahe at hindi ko alam kung ano ang ibang naririto. Habang pumipili ako ay hindi ko mapigilan ang mapalingon nang biglang may pumasok na isang grupo ng mga kabataan.
Sobrang ingay nila na tila ba ay parang sila ang may-ari ng lugar. Hindi man lang nila na isip ang kung ano ang iisipin ng iba rito.
“Hindi ko alam but I earned 2 million just for today,”saad ng babae, “I can go shopping with this, how about we go together sa mall later?”
Ito ang isa sa mga hindi ko gusto sa mga babae sa oras na nagkakaroon sila ng pera. Tila ba nakakalimutan na nila ang halaga nito at mas nakatuon lamang sila sa paggastos. Ito rin ang dahilan kung bakit gusto ko na lang bumalik sa dati.
"Manahimik ka diyan,"ani nito at tinakpan na naman niya ang kaniyang mukha. Napatingin naman ako sa kaniya at nagtataka itong tinignan. Wala naman kami sa misyon kung kaya ay bakit niya tatakpan ang mukha niya?
Napatingin din naman si Nola sa akin pabalik at sa tingin ko ay naiintindihan naman niya ang gusto kong ipahiwatig. Agad niyang tinanggal ulit ang naka-takip sa kaniyang mukha at ibinalik ito sa kaniyang bulsa.
Napalingon naman ako kay Treyni na ngayon ay sinusundot na ang aking beywang. "Bakit?" Tanong ko rito.
"Aba, isang tingin mo lang sumusunod na agad,"ani ni Treyni.
"Hindi ko alam,"tugon ko, "Baka naiintindihan niya na pagdiriwang ito kung kaya ay nararapat lamang na maging pormal."
"Iba ka talaga!" Sigaw ni Lauriel.
"Mas iba kayo!" Saad ko at masama silang tinignan.
Alam ko naman na gusto lamang nila akong protektahan pero bakit naman kailangan pa na may magbantay sa akin?
"Bakit?" Nagtatakang tanong ni Draco.
"At bakit niyo naman naisipan na bantayan ako?" Tanong ko rito, "Nandito na naman tayo sa bayan, hindi niyo naman obligasyon na bantayan ako dahil lamang sa nanganganib ang buhay ko. Oo, nagpapa-salamat ako dahil nag-aalala kayo sa akin, ngunit, alam ko rin sa sarili ko na pagod na pagod kayo at may pamilya rin kayong dapat aasikasuhin."
Gulat na napatingin naman silang lahat sa akin at sabay-sabay na sinamaan nang tingin si Nola. Bigla na lang itong nawala at narinig na lang namin ang pag-atras ng upuan niya na nagpapahiwatig na umalis ito. Umalis ba talaga ang taong 'yon?
Nagulat naman ako nang bigla na lang may humawak sa kamay ko, nandito pa pala siya. Sinadya lang talaga nitong umatras upang sabihin na umalis na siya.
"Aba sinabi sa iyo 'yan ni Nola?" Gulat na tanong ni Sam. Tumango lamang ako sa kaniya bilang tugon.
"Pasensiya ka na, Kori,"ani ni Lauriel, "Nais lang naman namin na hindi ka mag-alala habang nandito ka sa bayan namin. Ilang beses mo na kaming sinagip kung kaya ay kahit ito man lang ay makatulong kami sa iyo."
Seryoso lamang silang nakatingin sa akin na parang sinasabi bang sang-ayon silang lahat sa sinabi ni Lauriel. Alam ko naman 'yon, pero nag-aalala lang din ako na baka wala na silang oras sa pamilya nila dahil palagi na lang silang nag-babantay sa akin.
"Ngunit paano naman ang mga pamilya niyo? Minsan na nga lang kayo umuuwi tapos kailangan niyo pa akong bantayan dito."
"Hindi mo naman kailangan mag-alala sa mga pamilya namin, Kori,"ani ni Sam at humarap sa akin, "Sa tuwing hindi pa namin oras na magbantay sa iyo ay lagi naman namin silang kasama. Naiintindihan naman ng asawa ko ang sitwasyon mo."
Alam nang asawa ni Sam ang plano nila ngunit naiintindihan lamang ito ang sitwasyon ko? Hindi ba sumasagi sa isip no'n ang selos dahil imbes na sa kanilang dalawa nang kaniyang anak mapupunta ang atensiyon ng kaniyang asawa ay nahahati pa ito sa akin.
"Tungkol naman sa anak ko ay walang problema iyon,"ani ni Draco at uminom ng tubig, "Nandiyan naman si Lauriel upang bantayan sila. Sa tuwing nagpapalit na rin kami nang pwesto ay may oras naman ako sa kanila."
"Pero hindi ba kayo nag-aalala na baka kung ano ang mangyari sa inyo?" Tanong ko sa mga ito.
"Mas mag-aalala kami kung may mangyayari sa iyo,"ani ni Nola sa aking tabi, "Obligasyon namin ang bantayan ka habang nananatili ka rito."
"Pero,"hinid ko na natuloy ang sasabihin ko nang bigla itinaas ni Lauriel ang kaniyang kamay. Sabay-sabay naman kaming lumingon sa kaniya at nagtataka itong tinignan. Tumikhim naman ito atsaka ibinaba ang kaniyang dalawang kamay bago ito nagsalita.
"Ayaw mo ba na bantayan ka namin, Kori?" Tanong ni Lauriel.
"Hindi naman sa ayaw ko,"ani ko at bumuntong hininga. Napatingin naman ang lahat sa akin at nag-aabang sa kung ano ang susunod na sasabihin ko, "Ngunit, may mga pamilya kayo at kung iisipin minsan lang kayo magka-kasama."
"Iyan lang ba ang problema mo?" Tanong ni Lauriel. Tumango naman ako sa kaniya bilang tugon.
"Hindi kasi ako komportable na isipin na sinasayang niyo ang mga oras niyo sa pamilya niya para sa taong katulad ko, oo, naiintindihan ko naman na isa ko sa mga taong iniingatan ng hari ngunit hindi rin naman iyon sapat na rason." Paliwanag ko sa kanila.
"Kung ayaw mong bantayan ka namin, ay maari ba kaming humingi nang pabor?" Tanong ni Draco, "Huwag mo itong mamasamain, hindi naman ito ganoon kalaki."
Nagtatakang napatingin naman kaming lahat sa kaniya. Mukhang walang alam ang mga kasama namin sa sasabihin nito ah, pero bakit kami ang ginamit niyang salita? Hindi ba dapat ay siya lang? Kasi siya lang naman ang naka-isip sa bagay na iyan.
"Huwag niyo kong patayin sa tingin,"ani ni Draco at itinaas pa ang kaniyang mga kamay, natawa pa nga ako nang ilang saglit dahil sa reaksiyon nito.
"Ano na naman iyang iniisip mo, Draco?" Tanong ni Sam sa kaniya.
"Naisip ko lang kasi ay wala naman pamilya si Nola, bakit hindi na lang siya ang hayaan nating magbantay kay Kori?" Tanong ni Draco at ngumisi nang sobrang lapad. Teka, hindi ito ang gusto kong mangyari, ang gusto ko lang naman na sabihin nila ay titigilan na nila ito dahil tama ang rason ko. Bakit bigla na lang bumalik sa aking ang ginawa kong desisyon?
Tinignan ko naman ang mga kasama ko at sabay-sabay na ngumiti sa isa't-isa. Hindi rin mapigilan nila Lauriel at Treyni ang magtaas baba nang kanilang mga kilay, habang si Sam naman ay tumatawag nakipag-apir kay Draco.
Mukhang planado yata 'to ni Draco ah? Kung alam ko lang sana na possible pala nilang maging desisyon ito ay sana hindi na lang ako nagsalita at nagreklamo. Napa-sandal na lang ako sa aking upuan dahil alam kong kahit anong gawin ko ay hindi na talaga ako makaka-takas sa kania.
"Okay na iyon,"sabi ko, "Bahala na kayo kung sino sa inyo ang magbabantay sa akin. Sabihan niyo lang ako nang sa gano'n ay hindi ako magulat kung bakit kayo naka-sunod sa akin o kung bakit nakikita ko na lang kayo bigla."
Tumawa naman nang malakas sina Sam at Draco habang silang Treyni naman ay sabay-sabay na umiling.
"Salamat sa pagiging maalalahanin, Kori,"ani ni Draco habang pinupunasan pa ang pekeng luha nito, "Ngayon ay mas mahaba na ang oras ng pagsasama namin nang mga anak ko. Hulog ka talaga ng langit."
Tinakpan pa nga nito ang kaniyang mukha gamit ang dalawang kamay nito habang sinusuportahan naman siya nang kaniyang asawa. Ano ba naman itong dalawang 'to, magka-sabwat. Hindi lang pala sila, pati na rin itong sina Treyni at Sam. Ang alam ko lang ay gusto lamang nilang magkasama lagi ni Nola kung kaya ay ganito na lang ang ginagawang drama nila sa harap namin. Hindi kamo bagay sa kanilang dalawa. Napa-irap na lang ako at padabog na kumain nang pagkain na kinain ko kanina bago naisipan na sumayaw ni Nola.
"Wala namang problema sa akin 'yan,"bulong ni Nola sa akin tabi. Nanatili pa rin itong hawak ang kamay ko at ayaw bitawan. Hindi ko alam kung bakit lang ito nakatago at ayaw magpakita sa mga kasama namin.
"Bakit mo kasi ginagamit 'yang kapangyarihan mo,"bulong ko pabalik at sinuguradong hindi nila nahahalata na may kausap ako sa isang tabi.
"Gusto ko lang marinig kung ano ang pinag-uusapan nila kapag wala ako,"tugon nito sa akin.
"Lagi mo ba itong ginagawa?" Tanong ko sa kaniya pabalik.
"Hindi naman, minsan lang." Ani niya.
"Wala ka bang balak bitawan ang kamay ko?" Tanong ko rito at kumuha na naman ng panibagong piraso nang pagkain.
"Hindi naman siguro halatang gutom na gutom ka, Kori, Ano?" Birong tanong ni Treyni sa akin. Tumango lamang ako sa kaniya at nagsimula na naman ulit kumain.
"Hindi kasi ako komportable kapag masiyadong maraming tao. Ayaw na ayaw ko talaga ang lugar na kung saan maraming tao ang naroroon." Paliwanag niya at hinigpitan pa lalo ang pagkahawak sa aking kamay.
Ganoon ba? May kakilala rin ako na kaparehong sitwasyon niya. Sa tuwing maraming maraming tao sa kaniyang paligid ay lagi na lang itong ina-atake takot at hindi maka-galaw, kung kaya ay lagi naming hawak ang kaniyang kamay sa tuwing pumupunta kami nang bayan. Ngayon ay wala na ito sa Sola, hindi ko alam kung nasaan na siya ngayon ngunit sigurado ako na maayos na siguro ang kalagayan niya. Hindi man madali ay panigurado nalampasan na nito ang ilang pagsubok na pagdadaanan niya.
"Kakausapin na lang namin si Nola, kapag bumalik na siya,"ani ni Draco. Bigla naman na may lumapit sa aming babaeng katulong na may dala-dalang lalagyan nang alak. Agad itong tinaggap ni Draco at nagsalin sa kaniyang baso, nilagyan din niya ang baso ng kaniyang asawa, ni Sam, Treyni atsaka akin. Napa-ngiwi pa nga ako dahil kailanman ay hindi pa ako nakaka-inom nang alak na iyan.
"Maari bang hindi ako uminom?" Tanong ko sa mga ito at umiling sa kanila.
"Teka,"ani ni Treyni, "Hindi ka ba umiinom sa inyo? Sa tingin ko naman ay sa tuwing nagkakaroon ng okasyon ay may alak ang isang pamamay, hindi ba?"
Paano naman magkakaroon ng alak ang simbahan? Ipinagbabawal nga ito nang mga Sisters dahil masama raw ito sa aming kalusugan. Lagi nitong pinapaalala sa akin na huwag iinom nang mga bagay na iyan dahil panigurado ay magkaka-sakit ako.
"Pinagbabawal sa akin nang mga sisters ko ang uminom nang alak,"saad ko rito, "Hindi ko alam kung bakit pero ang sabi nang mga ito ay makakasira raw ito sa aking kalusugan."
Nagtatakang na patingin naman ang lahat sa akin at parang nagtata sa sinabi ko, "Sisters?" Tanong ni Lauriel.
"Hindi ko ba na ipaliwanag sa inyo sa kung saan ako galing?" Tanong ko sa kanila.
Sa tingin ko naman ay napaliwanag ko na, ngunit nakalimutan ko nga lang sigurado. Hindi ko na lang ito pinansin atsaka umayos na nang tayo.
"Galing ako sa Bayan ng Sola, at lumaki ako sa Simbahan ng Sola kung kaya ay ganoon na lang ang pagbawal nila sa mga alak na iyan,"paliwanag ko atsaka ngumiti sa mga ito.
"Hindi na ako magtataka,"ani ni Treyni.
"Bakit?" Nagtatakang na tinignan ko naman ito.
"Tignan mo nga kung paano ka kumilos. Napaka-buti mo ring tao, kitang-kita kung paano ka nila pinalaki nang tama. Hindi na talaga ako magugulat kung sa simbahan ka pinalaki." Paliwanag ni Treyni.
"Kung sabagay ay may punto ka naman,"sang-ayon ni Lauriel. Natahimik naman kami nang ilang sandali, napagdesisyunan ko na lang na manood sa mga taong nagsasayawan sa gitna. Sobrang saya nang mga mukha nito na nakikipag-indakan sa ritmo nang musika. Lumalalim na rin ang kagabi at nagsisimula nang mas lumamig ang ihip nang hangin.
"Kori,"biglang tawag ni Draco sa akin. Naka-ngiting lumingon naman ako sa kaniya, "Bakit?" Tanong ko rito.
"Sana ay hindi ka masaktan sa ita-tanong ko,"ani nito.
"Ano ba iyon?" Nagtatakang tanong ko sa kaniya. Huminga naman muna ito nang malalim bago ito magsalita ulit.
"Gusto ko lang sana malaman kung nasaan na pala ang mga magulang mo?" Tanong nito.
Bigla naman akong natahimik at hindi maka-sagot sa tanong niya. Wala akong alam kung sino mang ang mga magulang ko. Hindi ko rin alam kung saang angkan ako galing at kung bakit ako na punta sa bayan nang Sola. Ilang beses ko na iyang tinanong kay Sister Kara ngunit kahit siya ay walang alam sa kung sino man ang mga ito. Ayon sa kanila ay ginawa na nila ang lahat upang mahanap ang aking mga magulang ngunit lagi lamang silang umuuwi nang bigo. Sa tuwing naalala ko ang sinabi ni Sister na sanggol pa lang ako noong iniwan nila ako ay hindi ko mapigilan ang hindi malungkot. Paano ba naman kasi ay inaakala ko talaga noon na kaya nila ako iniwan kasi ayaw nila sa akin. Ngunit ayon naman kay Sister ay huwag daw ako mag-isip ng masama tungkol sa mga magulang ko. Hindi ko naman daw alam kung ano ang rason ng mga ito, maaring nanganganib lang talaga ang buhay nila sa mga oras na iyon kung kaya ay wala silang mapagpipilian. Maari rin na sobrang naghihirap na ang pamilya namin kung kaya ay iniwan na lang nila ako.
Bigla naman akong napa-hawak sa aking kwintas na lagi kong suot simula pa noong bata ako. Kahit kailan ay hindi ko ito tinaggal sa aking katawan dahil maaring makilala ako nang mga magulang ko sa paglalakbay.
"Kori?"
Hindi ko na pansin na masiyado na palang malalim ang aking iniisip. Hindi ko rin na pansin ang pagbalik ni Nola sa kaniyang totoong katawan at pagbitaw nito sa aking kamay. Umiling naman ako sa kanila atsaka ngumiti, bigla naman nagbago ang mukha nang aking mga kasama at na palitan ito ng awa. Hindi na ako magugulat, ganiyan naman talaga lagi ang reaksiyon ng mga tao kapag nalaman nila na wala akong alam kung sino ang magulang ko.
"Sa katunayan niyan ay hindi ko sila kilala,"saad ko at ngumiti nang mapait sa kanila, "Simula noong sanggol pa ako ay nandoon na ako sa simbahan. Ayon sa kay Father ay iniwan lang daw ako nang mga magulang ko sa labas ng simbahan. Hindi man nga lang nila nakita ang mga mukha nito, kusa lamang nilang iniwan doon sa labas. Umiiyak."
"Pasensiya ka na, Kori,"ani ni Treyni at hinawakan ang aking balikat. Ngumiti naman ako sa mga ito at agad pinahid ang mga luhang ngayon ko lang na pansin na tumutulo na pala.
"Ano ba kayo,"sabi ko, "Wala na sa akin iyon, atsaka isa pa, alam niyo naman na pagdiriwang ang ginaganap sa bayan pero bakit naman tayo nagda-drama dito."
Ngumiti naman ang mga ito atsaka tumango. "Kung sabagay ay tama ka naman,"ani ni Draco, "Kunin niyo na ang inyong mga baso at uminom na tayo!"
Wala naman sigurong masama kung iinom lang ako nang isang beses, hindi ba? Ngayon lang din naman 'to at hindi ko na kailanman uulitin. Ayaw ko rin magmukhang tanga dito na walang iniinom habang silang lahat ay nagsisiyahan.
Kukunin ko na sana ang baso ko nang bigla na lang isinalin ni Nola ang iniinom ko sa kaniyang baso at nilagyan nang katas ng orange ang aking baso.
"Ano ang ginagawa mo?" Nagtatakang tanong ko. Gulat din na nakatingin ang mga kasama ko kay Nola na ngayon ay nakatayo na sa tabi ko. Sumunod naman ako sa kaniya at ganoon na rin ang iba pa.
"Hindi ba at bawal sa iyo ang uminom? Iyan ang inumin mo, ako na bahala sa'yo,"ani nito atsaka itinaas ang baso.
Kaya niyang gawin para sa akin ito? Napalingon nman ako sa mga kasama ko na ngayon ay naka-ngiting nakatingin lamang kay Nola, ngunit sa mga oras na ito ay hindi na mapang-asar na mga ngiti.
"Oh siya! Para sa matagumpay na labanan natin at sa mga susunod pa na mga misyon!" Sigaw ni Draco at itinaas ang kaniyang baso.
Sumigaw naman kaming lahat at itinama ang mga baso namin sa isa't-isa at sabay-sabay na ininom ang mga laman sa aming baso.
"Ah!" Sigaw ni Treyni habang naka-ngiwi ang kaniyang mukha, "Ang tapang naman yata nitong alak na ito."
"Ah! Ito yata 'yong mamahalin na inumin sa tavern,"saad ni Sam. Sumang-ayon naman si Draco sa kaniya at nagpatuloy lamang sa pag-inom.
Umalis na naman ang mga ito at pumunta sa gitna. Hindi na mabagal ang ritmo nang tugtog kung kaya ay kaniya-kaniyang indakan ang mga tao sa bayan. Kami na lang ni Nola ang naiwan dito sa aming misa habang nakatingin sa mga taong masayang nagsasayawan.
"Hindi ko inaasahan ang malungkot mong kwento,"ani ni Nola at tumingin sa akin.
"Ayos ka lang ba?" Nag-aalalang tanong ko sa kaniya, dalawang baso ang ininom niyang alak kung ihahalintulad ito sa mga ininom ng mga kasama namin. Nag-aalala ako dahil inumin ko iyon ngunit ininom niya dahil alam nitong pinagbabawal sa akin iyon.
"Huwag kang mag-alala,"ani ni Nola, "Sanay na naman ako."
Tumango lamang ako sa kaniya atsaka ngumiti. Kitang-kita ko pa ang bahagyang pagkagulat nito ngunit agad din tumugon nang ngiti.
"Sa katunayan niyan ay wala na naman talaga sa akin ang kwentong iyon,"sabi ko at bumuntong hininga. Umayos na ako nang upo atsaka tumingin sa langit. "Matagal na rin naman iyon at wala naman akong karapatan na magalit sa mga magulang ko. Siguro naman ay may rason sila kung bakit nila ito ginawa, maghihintay na lang ako kung kailan sila babalik."
"Napaka-bait mo nga,"ani nito, ngumiti na lang ako atsaka ipinikit ang aking mga mata.
Nanatili lamang kami sa lugar na iyon nang ilang oras bago namin naisipan na umuwi na sa kaniya-kaniya naming mga bahay. Lasing na lasing na sina Treyni, Lauriel at iyong mga lalaki dahil sa dami nang alak na ininom nila. Samantalang kami naman ni Nola ang naging gabay nila sa pag-uwi. Hindi ko nga alam kung anong oras pa kami makaka-uwi dahil sa kung saan-saan na lang sila lumiliko at parati na lang itong tumitigil dahil sa pagsusukan.
"Ayos ka lang ba?" Tanong ni Nola sa akin habang hinihintay namin matapos sumuka si Treyni. Ito na lang huling taong ihahatid namin sa bahay bago pa kami tuluyan makapag-pahinga.
"Ayos lang,"tugon ko at minasahe ang aking mga braso. Napaka-hirap hawakan ni Lauriel dahil lagi na lang itong dumadaldal. Bigla-bigla na lang itong uupo sa isang tabi at pagkatapos ay magsa-salita mag-isa.