Chapter 44

3000 Words
Patuloy pa rin ako sa pagpili ng pagkain at hindi na ito pinansin. Nang makapili na ako ay agad kong tinawag ang lalaki at tinuro ang gusto kong kainin ngayong gabi. Taimtim naman itong nakikinig habang nililista ang mga binili ko. Gutom na gutom ako kung kaya ay hindi nila ako masisisi kung sobrang dami ng bibilhin ko. Buong araw rin akong hindi kumain dahil sa sobrang abala sa paghahanap ng impormasyon. Inulit ng waiter ang order ko bago ito umalis. Isang mapait na ngiti lamang ang aking itinugon bago ako lumingon sa labas at tinignan ang pond. Kumikintab ang tubig dahil natatamaan ito ng ilaw. Tahimik lamang akong nakatingin sa labas nang marinig ko ang usap-usapan ng bagong dating na grupo sa aking gilid. “Iba na talaga ang mundo ngayon ano? Kahit ang mga pulubi ay nakakaya na kumain sa mga ganitong klaseng lugar. Kita mo naman,”natatawang saad nito. “Sinabi mo pa, hindi ko nga inaasahan na makakakita ako ng pulubi na katulad niya rito. Hay, gusto ko na tuloy bumalik sa dati para naman malagay sa tamang balanse ang buong mundo,”tugon naman ng isa pa. "Ganito kami lagi sa tuwing natatapos namin ang aming mga misyon,"kwento nito, "Sa oras na bumalik kami rito at lumipas na ang dalawang araw ay matitipon kaming lahat sa tavern na lagi naming pinupuntahan." "Tapos ikaw lang mag-isa ang magda-dala sa kanila sa pag-uwi?" Tanong ko rito, "Naka-kaya mo ba silang lahat?" Tumango naman ito atsaka lumapit kay Treyni na ngayon ay naka-upo na lamang at parang lantang gulay. Kinarga niya ito atsaka nagsimula na kaming maglakad pauwi. "Pabalik-balik ako lagi sa Tavern upang ihatid lamang ang mga ito sa kani-kanilang mga bahay na ligtas." Ani nito. Bilib din ako sa taong 'to, kahit sinira na nang mga kaibigan niya noon ang tiwala niya ay ina-alagaan pa rin nito ang mga bagong kasama niya. Hindi man lang ito natatakot na baka masira na naman ulit ang kaniyang tiwala. Nanatili lamang akong nakatingin kay Nola. "Nola,"tawag ko sa kaniya. "Bakit?" Tanong nito sa akin. Huminga naman muna ako nang malalim bago sumabay sa paglalakad niya. Karga-karga pa rin nito si Treyni na ngayon ay naka-idlip na dahil sa kalasingan. "Hindi ka ba natatakot na baka maulit na naman ang nangyari sa iyo noon?" Tanong ko rito, napatigil naman ito saglit ngunit kalaunan naman ay nagpatuloy na siya sa paglalakad.  "Siguro nga ay may parte sa akin na natatakot na baka maulit iyon,"ani ni Nola habang nakatingin lamang nang diretso, "Pero sa loob nang ilang taon kong kasama ang mga ito ay hindi naman nila ito na gawa sa akin." "Mabuti naman kung gano'n,"sabi ko at sakto naman na nakarating na rin kami sa harap nang bahay ni Treyni, agad ko naman binuksan ang pintuan at sunod na nagtungo sa kwarto ni Treyni. "Dito mo na lang siya ilagay." Dahan-dahan naman na pinahiga ni Nola si Treyni sa kama, ngunit hindi pa nga ito nakakatayo ay bigla naman siyang niyakap nito na naging dahilan nang pagsubsob niya sa dibdib nito. Agad ko namang iniwas ang aking tingin habang pinipigilan ang aking pagtawa. "Dani,"bulong ni Treyni habang yakap-yakap si Nola. Nabaling naman ang aking atensiyon nang bigla na lang akong makarinig nang kalabog mula sa kanila at nakita si Treyni na ngayon ay naka-higa na sa sahig. "Ilang beses mo na 'tong ginawa,"ani ni Nola atsaka kumuha nang isang tela sa gilid at tinali ang mga kamay nito, pagkatapos ay ibinalik nito sa pagkakahiga atsaka sinenyasan akong lumabas na. Hindi ko pa rin makalimutan ang ginawa ni Treyni kanina, kung may kakayahan lang sana ako na kagaya sa prinsesa ay maaring ipakita ko kay Treyni ito kinabukasan. Ano kaya ang magiging reaksiyon no'n. "Libre ang tumawa,"ani ni Nola at masama akong tinignan. Sinarado ko na ang pinto atsaka sumunod sa kaniya papuntang sala. "Uminom ka muna nang tubig,"aya ko atsaka kumuha nang baso. "Lagi bang ganiyan si Treyni sa tuwing hinahatid mo siya rito?" Lumapit na ako sa kaniya habang dala-dala ko ang tubig na aking kinuha mula sa kusina, agad naman niya itong tinaggap atsaka ininom. Bahagya pa nga itong napahawak sa kaniyang ulo dahil siguro sa alak na na-inom nito. "Sa tuwing umiinom 'yang babaeng 'yan ay parati na lang niya tinatawag ang kaniyang namayapang kasintahan,"paliwang nito atsaka sumandal sa upuan, "Hindi ko alam kung paano ito namatay ngunit ayon sa impormasyon na aking nakalap mula sa kaniyang kaibigan na si Lauriel ay namatay daw ito dahil sa isang misyon." May naging kasintahan pala itong babaeng 'to? Akala ko pa naman ay mag-isa lamang siya at kahit kailan ay hindi pa ito nagkakaroon ng mahal sa buhay. Ngayon na nalaman ko ang tungkol sa bagay na ito ay parang hindi ko mapigilan ang hindi maawa sa kaniya. Panigurado na itong bahay na ito, ay para sa kanila nang kasintahan niya. "Sa tuwing may pagdiriwang at umiinom iyang si Treyni, palagi na lang niyang hinahanap ang kaniyang kasintahan. Hanggang ngayon kasi ay hindi pa rin niya ito makalimutan." Dugtong nito. "Mahal na mahal talaga ni Treyni ang lalaking 'yon,"sabi ko at ngumiti sa kaniya. Iyong kwarto na inuuwian ko ngayon ay maaring sa anak nila ito sa pagdating nang panahon. Nanatili lamang kami sa sala nang ilang oras ng mapagtanto ko na malapit na pala mag-alas tres ng umaga. Tumayo na si Nola sa kaniyang upuan at aalis na sana nang bigla na lang itong muntikan matumba dahil sa kalasingan. Lumapit naman ako sa kaniya at agad itong inalalayan. Hindi naman siguro magagalit si Treyni kapag dito ko pinatulog si Nola. Masiyado na ring malalim ang gabi at kailangan din nitong magpahinga. Kung uuwi pa si Nola sa kaniyang bahay ay maaring may mangyari sa kaniya sa daan, hindi ko rin alam kung ano ang panganib na nasa labas. Inalalayan ko na lang si Nola pahiga sa isang mahabang upuan dito sa sala. "Kori, kailangan ko nang umuwi." Ani nito at pinipilit ang sarili na tumayo. Hinawakan ko naman ang balikat nito atsaka siya tinignan sa mata. "Dito ka na matulog,"sabi ko, "Masiyado nang delikado sa labas." Tumahimik naman si Nola at tumigil na rin sa pagpupumiglas. Nanatili pa rin itong nakatitig sa mga mata ko at parang walang balak na umiwas ng tingin. Umayos na lang ako nang tayo at aalis na sana upang kumuha nang kumot at unan niya ng bigla na lang niya akong hinila, bigla na lang akong napa-upo sa gilid nito at tinignan ito "Ang ganda talaga nang mga mata mo, Kori,"bulong nito. Kunot-noo ko naman iniwas ang aking paningin at pwersang tumayo. "Diyan ka muna,"sabi ko, "Kukuha lang ako nang kumot atsaka unan mo." Hindi na umimik si Nola at pumasok na ako sa isang kwarto na kung saan naka-lagay ang ilang kumot at unan, pagkatapos ay bumalik na ako sa sala upang ibigay sana kay Nola nang makita ko itong mahimbing na siyang natutulog. Nanatili lamang akong nakatayo sa harap niya habang nakatingin sa mukha nito. Napaka-inosente niya talaga kung matulog, akala mo talaga ay isang batang puslit na kulang sa pagmamahal ng ina. Inilagay ko naman sa isang maliit na lamesa ang kumot atsaka ma-ingat na binuhat ang ulo nito at inilagay ang unan sa ilalim. Maingat ko rin na inilapag ang unan niya atsaka sunod na kinuha ko ang kumot. Sinigurado ko naman na matatakpan ang buong katawan nito upang huwag itong lamukin dito sa sala. Panigurado ay na pagod na rin ito sa pagtulong sa akin sa pag-uwi nang mga kasama ko. Hindi ko maisip kung gaano siya kapagod sa tuwing nagkakaroon sila nang selebrasyon pagkatapos ng isang misyon. Tinignan ko muna ito nang panghuling beses bago ko naisipan na pumasok na sa kwarto at humiga na sa aking kama. Wala na akong oras upang magbihis kung kaya ay agad ko nang ipinikit ang aking mga mata. Sa loob lamang nang ilang oras ay ang dami ko na agad nalaman na impormasyon tungkol sa kanila. Ang masasabi ko lang ay hindi talaga dapat husgahan ang isang tao agad, hindi natin alam kung ano ang pinagdadaanan ng mga ito sa likod ng kanilang mga ngiti at sa kanilang mga kinikilos.     "Gumising na ba si Kori?"  Nagising naman ako dahil sa ingay ng mga tao mula sa labas, hindi ko mapigilan ang sarili ko na hindi kunin ang upuan na nasa unan ko at tinakip sa aking tenga. Umagang-umaga ay kay ingay nila sa labas. Hindi ba nila alam kung gaano ako katagal na tulog kagabi dahil lang sa kanilang kalasingan? Wala talagang respito ang mga ito, akala ko pa naman ay makakapagpahinga ako ngayong buong araw. Narinig ko naman ang pagbukas at pagsarado ng pinto sa aking kwarto. Hindi na rin ako nagulat ng bigla na lang may humila sa aking kumot at pati sa unan na nakatakip sa aking tenga. "Gumising ka na riyan!" Sigaw ni Lauriel. Kunot noo naman akong bumangon atsaka binawi ang unan na hawak-hawak nito. "Matutulog pa ako!" Tugon ko, ngunit halos magulat naman ako nang marinig ang boses ko na sobrang paos, tila ba sumigaw ako nang kay lakas kahapon at uminom agad ng tubig.  "At bakit sobrang paos mo?" Tanong nito sa akin at hinila ulit ang unan ko. Wala na akong magawa kung hindi ay bumangon at masamang tinignan si Lauriel na ngayon ay binibuksan na ang bintana sa aking kwarto. "Hindi ko rin alam,"tugon ko rito habang hawak-hawak ang aking leeg. Ano ba ang nangyayari sa akin? Wala naman akong ginawa kagabi ah? Hindi rin naman ako sumigaw, atsaka isa pa, wala naman yata akong kinain kagabi na bawal akin o ininom. "Huwag na huwag kang iinom nang alak, nakakasama sa iyong katawan 'yan." Teka, hindi kaya 'yon 'yong ibig sabihin ni Sister Kara? Kaya ba ayaw ako nitong pa-inuming ng alak ay dahil sa bawal talaga ito sa akin? Naku naman.  "Oh siya,"ani nito at humarap sa akin, "Bumangon ka na riyan at maligo ka na. Kasama ko ang mga anak ko ngayon, kaya wala ka dapat ipag-alala." Nagtataka naman akong napatingin dito ngunit kalaunan ay agad din inayos ang aking kama. "Anong mayro'n?" Tanong ko rito. "Nakalimutan mo ba ang tungkol sa bagay na 'yan?" Tanong ni Lauriel.  "Tungkol saan?" Tanong ko rito at nagsimula nang maglakad palabas ng kuwarto ko. Bumungad naman sa akin ang mga maiingay na mga lalaki sa labas, umiinom ang mga ito nang mainit na tubig na habang hawak-hawak ang kanilang ulo. Nandito rin pala ang asawa ni Sam at pati na rin ang anak nito, ganoon na rin sina Freya at Driel. Nakita ko rin sa isang tabi si Nola na naka-pikit lang ang kaniyang mga mata at tila ba antok na antok pa. Sa tingin ko ay dumating ang mga ito dito ng maaga ngunit ngayon nga lang yata ako ginising. "Kumain ka na muna bago maligo,"ani nito at hinila ako papunta sa kusina. May kinuha naman itong ilang lutong pagkain at inilagay ito sa plato ko. "Salamat,"bulong ko rito at nagsimula nang kumain, "Kumain na ba kayo?" "Tapos na,"tugon nito, "Bago kami pumunta rito ay sinigurado muna namin na tapos na kaming kumain." "Sila Nola at Treyni?" Tanong ko habang patuloy pa rin sa pagsubo ng pagkain. Tumango naman si Lauriel bilang tugon. "Hindi ko alam ang rason kung bakit naabutan namin dito si Nola, pero maari mo bang ipaliwanag?" Tanong nito, naka-ngiti lamang si Lauriel na kaharap no'ng dumating si Treyni na bagong ligo. Sobrang lawak din ang ngiti nang isang ito habang nakatingin sa akin at sa taong nasa likod ko. "Hindi ko naman inaasahan na dito mo na siya patutulugin?" Ani ni Treyni at umupo sa tabi ni Lauriel, tumigil naman ako sa pagkain ko at inirapan silang dalawa. "Alam niyo, kung ano ang iniisip niyo,"sabi ko kahit napa-paos pa rin ang boses ko, "Alam niyo ba kung gaano kayo ka-lasing kahapon? Syempre hindi niyo alam. Kaming dalawa na lang ang natitira na matibay kahapon ni Nola, kung kaya ay pahirapan kami sa paghatid sa kaniya-kaniya niyong mga bahay." Gulat na napatingin naman ang mga ito sa taong nasa likod ko at agad din ibinalik ang tingin sa akin. Hindi siguro nila inaasahan na kami lang dalawa ni Nola ang naghatid sa kanila sa bahay. Kumuha naman nang tubig si Treyni at ibinigay ito sa akin. "Salamat." Sabi ko. "Ibig mo bang sabihin ay tanging kayo lang dalawa ang nagbuhat sa aming lahat papunta sa mga bahay namin?" Tanong ni Lauriel, tumango naman ako sa kaniya bilang tugon. "Tanging kayo lang naman mga babae ang dinala ko, hindi naman masiyadong mahirap pwera na lang noong pauwi na kami rito,"sabi ko at tinignan si Treyni na umiiling, "Sa tingin ko naman ay sobrang nahihirapan si Nola sa dalawang lalaki, paano ba naman kasi ang bigat-bigat nang mga ito. Dagdag mo pa na halos isang oras pa bago kami nakarating sa bahay niyo Lauriel dahil panay ang suka ni Draco sa daan." "Ano pa ang nangyari?" Tanong ni Lauriel. "Noong hinatid na namin kayo ay sinalubong kami nang iyong ama, gulat pa nga ito pero dinala naman namin kayo papunta sa kwarto niyong dalawa na ligtas." Sabi ko at nagsimula na ulit kumain. "Ibig sabihin ba no'n ay hindi kami umuwi sa sarili naming mga paa?" Tanong ni Lauriel. "Umuwi naman kayo gamit ang mga sarili niyong mga paa dahil hindi naman namin kayo binuhat." Tugon ko, "Pero sana naman ay sa susunod huwag na kayong uminom ng sobra, si Nola ang nahihirapan sa inyo." "Pero wala naman siyang ginagawa ah?" Tanong ni Treyni. "Anong wala?" Tanong ko rito, "Lagi siya ang naghahatid sa inyo sa tuwing nalalasing na kayo sa Tavern. Sinisigurado nito na ligtas kayong makaka-uwi sa inyo kahit isa-isa niya kayong hinahatid sa bahay niyo. Nakaka-pagod no?" Gulat na nagkatinginan lamang ang dalawa na para bang walang alam sa mga nangyayari. Akala yata nang mga ito na sa tuwing nalalasing sila ay umuuwi sila ng kusa sa kanilang mga bahay. Wala yatang may alam sa kanila na hinahatid sila lagi ng kanilang kasama. "At ikaw naman, Treyni,"sabi ko, "Kung may kakayahan lang ako nang kagaya sa isang kilala ko ay malamang nahihiya ka na ngayon. Alam mo ba kung ano ang ginagawa mo kapag nalalasing ka?" Umiling naman si Treyni ngunit nagsimula nang pumula ang mukha nito. "Kinarga ka lang naman ni Nola kagabi kahit panay ang suka mo, pagkatapos ay noong nakarating na tayo rito sa bahay at binaba ka na ni Nola ay aba kung makalambitin parang unggoy,"sabi ko at ngumisi sa kaniya. Oras ko na naman ngayon ang mag-asar, akala niyo ah. Lagi na lang ako ang inaasar niyo kay Nola. Namumulang umiwas lamang nang tingin si Treyni habang gulat naman na napatingin si Lauriel sa kaniya. "Huwag mong sabihin na may tinatago kang nararamdaman para kay Nola?" Tanong ni Lauriel dito, masamang tinignan naman ito ni Treyni at agad na inirapan. "Wala,"tugon ko. Sabay naman na napatingin ang dalawa sa akin atsaka ko sinubo ang huling piraso ng karne na nasa plato ko. Uminom lang din ako nang tubig pagkatapos at inilagay na sa lababo ang ginamit ko. "Ano ang ibig mong sabihin?" Tanong ni Lauriel, "Hindi ba at sinabi mo na labis siya kung lumambitin kay Nola noong lasing siya?" Hinugasan ko naman ang aking kamay atsaka ako humarap sa kanila na naka-ngiti. "Namimiss lang ni Treyni ang dating kasintahan niya kaya gano'n." Sabi ko. Gulat naman na napatingin si Treyni sa akin at ganoon na rin si Lauriel. "A-ano ang ibig mong sabihin?" Tanong ni Treyni na hindi makapaniwala. "Hindi mo 'to alam ngunit sa tuwing nalalasing ka ay lagi mong tinatawag ang pangalan nang iyong kasintahan noon. Hindi ko man alam kung ano ang nangyari sa inyo noon pero sigurado ako na mahal na mahal mo ito." Sabi ko at umupo na ulit sa harap nila. Lumingon naman ako saglit sa likod ko at nakita si Nola na nakatingin sa akin, sinenyasan ko itong kumain atsaka ito tumayo at naglakad papunta sa amin. Ibinaling ko naman ang aking atensyon sa kaibigan ko na ngayon ay naka-yuko na at parang hindi maka-imik dahil sa sinabi ko. May mali ba akong na sabi sa kaniya? Siguro ay dahil binanggit ko ang kasintahan, kaya naging emosyonal itong babaeng 'to. Umupo naman sa tabi ko si Nola at agad ko naman ibinigay sa kaniya ang isa pang plato at ilang pagkain na hinanda ni Lauriel para sa akin. "Kumain ka na?" Tanong ko rito. "Hindi pa,"tugon naman nito. Tumango lamang ako atsaka hinayaan na itong kumain ng agahan. "Akala ko ay nakalimutan ko na siya, Lauriel,"ani ni Treyni at nagsimulang umiyak. Yinakap naman siya ni Lauriel at hinaplos ang likod. Napatingin naman ako kay Nola na ngayon ay nagtataka rin na nakatingin sa akin. "Sinabi ko lang iyong nangyari kagabi,"bulong ko, tumango lang si Nola at bumalik na sa pagkain. Patuloy lamang sa pag-iyak si Treyni sa aking harapan habang yakap-yakap naman siya nang kaniyang kaibigan na si Lauriel. Sinusubukan nito na patahanin ang kaniyang kaibigan ngunit ayaw talaga tumahimik. "Hayaan na muna natin si Treyni,"bulong ni Nola atsaka hinila ako. Hindi ko na pansin na matagal na pala akong nakatitig kay Treyni. Hindi pa rin ito tumatahan at patuloy lamang siya sa pag-iyak. Gusto ko sana itong kausapin ngunit alam ko naman na hindi pa ito ang tamang oras. Kung alam ko lang sana na ganito ang kaniyang magiging reaksiyon ay hindi ko na sana ito hinayaan pa na malaman niya ang tungkol sa mga ginawa kagabi. Akala ko pa naman ay hindi na ito iiyak o magpapakita nang emosyon, iyon ay akala ko lang pala. Hanggang ngayon ay hindi pa rin pala at nahihirapan pa rin itong kalimutan siya. "Ano ang nangyari sa dalawa?" Nagtatakang tanong ni Draco habang karga-karga nito ang kaniyang anak na babae sa kaniyang kanang kamay. "Wala lang 'yon,"sabi ko rito at umupo na sa isang bakanteng upuan, "Hindi ko kasi inaasahan na iyon ang magiging reaksiyon niya kapag sinabi ko ang tungkol sa mga kinikilos niya kagabi."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD