Ang pera ba na ginagastos ng mga ito ay galing sa kanilang sariling paghihirap o umaasa lamang din sila sa pera ng kanilan Daddy na walang ibang ginawa ay magtrabaho? Kung ganoon, wala akong oras para makipag-usap sa mga taong hindi man lang dumaan ng paghihirap.
Ayos lang sana kung tahimik lamang at humble pero sobrang talas naman ng dila.
Nagpatuloy lamang ako sa panonood sa labas at hindi na lamang sila pinansin, ngunit, aba naman, talagang nilakasan pa nila ang kanilang mga boses para lamang marinig ko sila. Iba talaga ang saltik ng mga ito.
“How sad,”komento pa ng isa pa.
“Well, what do we expect? Look at his clothes, like ew, disgusting, who can wear those every day?” Tanong pa ng isa pa.
“Uh him?” Tanong naman ng kanilang leader at tumawa ng sobrang lakas.
Napailing na lamang ako sa mga sinasabi nila at ibinaling ang tingin sa mga ito. Sabay-sabay naman silang umiwas ng tingin na para bang ayaw akong tignan.
"Kinikilos?" Nagtatakang tanong ni Draco at ibinaba na ang kaniyang anak. Abala ang mga ito sa paglalaro kanina ngunit agad din na tigil dahil sa pag-upo namin ni Nola dito sa sala. Labis din ang kanilang pagtataka nang makita si Treyni na umiiyak doon sa sala habang pinapatahan ni Lauriel.
"Hindi ba at lasing na lasing kayo kahapon?" Tanong ko sa mga ito, "Kaya ayon sinabi ko lang sa kaniya kung ano ang ginagawa niya kagabi at kung sino ang tinawag niya sa mga oras na sobrang lasing nito."
Natahimik naman si Draco atsaka tumango. Alam ko naman na naiintindihan nito ang ibig kong sabihin, alam ko rin na alam na ni Sam ang rason kung bakit nagka-gano'n ang kaniyang kapatid, malamang, sa lahat nang mga tao rito ay siya lamang ang mas nakakakilala sa kapatid niyang babae. Huminga naman ako nang malalim atsaka napa-sandal sa aking inuupuan.
Hindi na umiik ang dalawang lalaki at pati na rin pala si Nola. Tanging mga ingay lamang ng mga anak nila Lauriel na naglalaro dito sa bahay ang maririnig. Pinapatahan din nang asawa ni Sam ang anak nito na ngayon ay umiiyak na dahil sa gutom.
"Samahan na kita sa kwarto ko,"sabi ko at lumapit sa asawa niya, ngumiti naman ito at agad na tumayo. Nauna na akong maglakad sa kanila at agad na binuksan pagkarating namin sa harap ng pinto. Nang makapasok na sila ay sinarado ko na ulit ito at nagtungo na sa sala.
Ganoon pa rin ang posisyon ng mga lalaki habang ang mga babae naman ay tumayo na at lumapit sa kanila. Napatingin naman ako kay Treyni na ngayon ay tumahan na sa pag-iyak, medyo mugto pa rin ang mga mata nito ngunit maayos na naman yata siya.
"Ayos ka na ba?" Tanong ko rito, lumingon naman si Treyni sa akin at tumango. Nabigla na lang ako nang bigla na lang niya akong yinakap.
"Salamat sa pag-aalaga sa akin kagabi, kung wala kayo ay hindi ko na alam kung nasaan ako,"paliwanag nito. Napangiti na lang ako sa kaniya atsaka hinaplos ang kaniyang likod.
"Walang anuman iyon,"sabi ko, "Huwag kang mag-alala, hanggang nandito pa ako ay lagi kitang aalagaan sa tuwing lasing ka na."
Bigla naman humiwalay sa yakap si Treyni at agad akong hinampas sa braso, "Paano ba naman kasi may taga-sagip sa iyo," ani nito at tinignan si Nola na ngayon ay nakatingin lamang sa labas at walang pake sa sinabi ni Treyni, "Sana naman lahat may ganiyan ano?"
"Kahit kailan ay hindi ko nasubukan na kinuha ang inumin ko para lang hindi malasing,"ani ni Lauriel atsaka masamang tinignan si Draco, tumawa naman ang kaniyang asawa at napapa-iling na tinignan si Nola.
"Bakit naman kita pipigilan kung mas malakas ka naman uminom sa akin?" Tanong nito, "At ikaw Nola, bakit hindi mo naman sinabi na dito ka pala matutulog sa bahay nila Treyni? Ikaw ha, para-paraan mo."
"Hindi ko rin na pansin,"tugon naman ni Nola at tinignan ito, "Siguro ay dahil sa kalasingan ko kaya nakatulog na ako dito sa sala."
"Dahil sa pagod kamo,"tugon ko at bumalik na sa inuupuan ko kanina. Sumunod naman ang mga babae sa akin at umupo sa kani-kanilang mga pwesto. Si Treyni ay katabi si Lauriel na katabi ang kaniyang asawa na si Draco sa isang mahabang sofa, habang si Sam naman ay nanatili pa rin sa isang upuan na kung saan sila naka-upo nang kaniyang asawa kanina. Samantalang ako naman ay naka-upo lamang dito sa isang upuan, mag-isa. Habang si Nola naman ay nandoon sa harap ng bintana at naka-masid lang sa labas, hindi ko nga alam kung ano ang tinitignan nito.
"Ano ang ibig mong sabihin, Kori?" Tanong ni Sam.
"Tanungin mo na lang ang asawa niyo, samantalang kayo naman Lauriel at Draco, tanungin niyo na lang ang mga magulang niyo. Panigurado ay magkakaroon kayo nang kasagutan sa inyong tanong." Saad ko at huminga nang malalim, "Oo nga pala, bakit ang aga niya naman yata nangu-gulo dito sa pamamahay ni Treyni?"
Sabay-sabay na nagkatinginan naman ang mga ito sa isa't-isa at parang gulat sa sinabi ko. Ano ba ang nakaka-gulat doon? Tinatanong ko nga dahil gusto ko malaman pero ito naman ang nagiging reaksiyon nilang lahat.
"Seryoso ka ba sa tanong mo, Kori?" Gulat na tanong ni Lauriel na para bang hindi makapaniwala sa sinabi ko. Hindi na ba ako seryoso ngayon? Hindi ko talaga alam kung bakit sila nandito, at wala akong alam kung may plano ba kami.
Ang naalala ko lang naman ay may pagdiriwang kami dahil sa na tapos na misyon, at pagkatapos ay kinausap ko ang hari tungkol sa gagawin kong plano kinabukasan.
Teka.
Kinabukasan? Tapos kagabi iyon hindi ba?
Gulat na napatayo naman ako at nanlalaki ang mga matang tinignan ang mga ito. "Hintayin niyo ako at maliligo lang ako saglit!" Sigaw ko at agad na bumalik sa kwarto ko, kumatok muna ako bago pumasok.
"May kukunin lang ako saglit,"sabi ko at ngumiti sa kaniya. Tumango lamang ang asawa ni Sam habang patuloy pa rin ito sa pagbigay nang gatas sa kaniyang anak.
Pagkatapos ay nagmamadali na akong nagtungo sa banyo at naligo na. Hindi na ako magbababad sa tubig dahil kailangan ko na talagang magmadali. Kinuha ko na lang ang isang balde at pinuno iyong nang tubig, pagkatapos ay kumuha ako ng tabo at nagsimula nang maligo. Lumipas ang ilang minuto ay na tapos na rin ako at agad na nagpunas ng katawan atsaka nagbihis ng damit.
Tae, bakit sa lahat pa ng pwedeng kalimutan ay iyon pa talaga? Ako nga iyong may plano na tumulong sa kapwa ko ngunit ako rin naman iyong nakalimutan ang tungkol sa bagay na iyon. Naalala ko na inutusan ko 'yong batang iyon na papuntahin ang mga kilala niyang naghihirap sa harap nang kanilang bahay upang mabigyan ito ng gamot at mga pagkain.
Nang matapos na ako sa pagbibihis ay dumeritso na ako sa sala habang tinatali ang aking buhok, "Ano pa ang hinihintay niyo? Tara na!" Aya ko sa mga ito.
Tumawa naman nang malakas si Draco habang sinusuportahan naman ng kaniyang asawa na si Lauriel, "Hindi ko inaasahan na makakalimutin ka pala, Kori,"ani ni Lauriel at tumayo na rin. Pinuntahan naman ni Sam ang kaniyang asawa sa kwarto, "Dahil na rin siguro sa pagod kagabi kung kaya ay gano'n na lang ang paglimot ko."
Umiiling na sumunod na lang ang mga ito sa akin at ganoon na rin si Nola, nauna nang maglakad si Draco, Lauriel at ang kaniyang mga anak habang sinundan naman ni Treyni atsaka ako. Nasa likod naman namin si Nola na tinatago na naman niya ang kaniyang presensiya ngunit ramdam na ramdam ko naman ang kamay nito na nakahawak sa akin.
"Nasaan pala si Nola?" Tanong ni Treyni, nagkibit balikat lang ako sa kaniya bilang tugon at diretso lamang na nakatingin sa harap.
"Kayo 'yong laging magkasama tapos ngayon ay wala siya?" Gulat na tanong nito.
"Hindi ko alam eh,"sabi ko, "Tanungin mo na lang siya mamaya."
Tumango naman si Treyni at nagpatuloy na sa paglalakad. Kung titignan ay parang hindi lang ito umiyak kanina, parang wala lang sa kaniya ang mga nangyayari at balik normal ulit ito. Kung hindi ko lang talaga alam ang tungkol sa nangyari sa kaniya ay malaman naniwala na ako sa kinikilos nito,ngunit pasensiya na siya. Alam na alam ko ang tungkol sa mga bagay na nangyari sa kaniya.
"Oo nga pala,"bulong nito atsaka sinundot ang likod ni Draco gamit ang kaniyang tungkod, na tawa naman kaming dalawa nang bigla na lang itong napatalon dahil sa gulat.
"Iyan ka na naman, Treyni!" Sigaw ni Draco, "Ano ba kailangan mo?"
"Hindi ka pa rin ba nasasanay?" Umiiling na tanong nito.
"Halata naman siguro ang sagot sa tanong mo, hindi ba?" Tugon nito, tumawa lamang si Treyni sa kaniya bago ito magsalita.
"Naka-usap mo na ba si Nola tungkol sa desisyon natin kagabi?" Tanong ni Treyni at tinignan ako.
"Hindi pa, sa tingin ko naman ay papayag iyon,"ani ni Draco, "Si Kori na iyan eh, ano pa ba ang aasahan mo?"
Natigil naman ako nang bigla ko marinig ang boses nang asawa ni Sam at ang sinasabi nito.
"May tinatagong relasyon ba 'yang si Nola at Kori?" Bulong nito ngunit sapat lang na marinig ko.
"Wala, bakit?" Tugon naman nang kaniyang asawa na si Sam.
"Bakit sila magkahawak kamay?" Nagtatakang tanong nito. Gulat na napabitaw naman ako sa pagkakahawak at diretso lamang na tumingin sa harap. Ramdam ko rin ang pag-init nang aking mga pisngi at sinisigurado ko na sobrang pula ko na ngayon.
"Ngayon wala na,"dugtong nito.
"Ano ang nangyayari sa iyo, Kori?" Nagtatakang tanong ni Treyni nang makita ang mukha ko. Bigla na lang itong napatigil sa paglalakad at hinawakan ang aking dalawang balikat at hinarap ako.
"May sakit ka ba dahil kagabi?" Nag-aalalang tanong nito. Nagtatakang lumingon naman si Lauriel sa amin at napatigil din sa paglalakad. Hinila nito ang damit nang kaniyang asawa at tinuro ako.
"Ayos ka lang ba, Kori?" Nagtatakang tanong ni Draco at lumapit na rin sa amin. Hinawakan din ni Lauriel ang braso ko at itinaas ang kaniyang palad patungo sa aking noo.
"Mukhang mainit ka yata ngayon,"ani nito, "Magpahinga ka na lang muna sa bahay ni Treyni, bukas na lang tayo magsimula sa misyon mo o kung kailan maayos na iyong pakiramdam."
Bigla naman tumawa nang sobrang lakas si Sam na naging dahilan ng pag-init nang mukha ko lalo. Parang gusto ko na lang lamunin ako ng lupa dahil sa tingin ko ay naiintindihan na niya ang nangyayari sa amin. Hindi ko naman inaasahan na may kakayahan pala ang asawa ni Sam na makita ang ginagawa ni Nola habang tinatago nito ang kaniyang sarili. Kung alam ko sana ay hindi ko na ito hinayaan na hawakan ang kamay ko kahit alam kong nahihirapan ito sa dami nang tao dito sa bayan. Hindi naman sa ayaw kong may maka-alam, ayaw ko lang talaga na asarin na naman ako nang mga bruha na 'to.
"Ano ang nangyayari sa iyo, Sam?" Nagtatakang tanong ni Treyni habang naka-kunot ang kaniyang noo. Napatingin naman ako sa asawa ni Sam na ngayon ay naka-ngiti lang sa akin at sa tingin ko ay pati na rin kay Nola.
"Wala,wala,"tugon nito at itinaas pa ang kaniyang kamay.
"May sakti na nga si Kori tapos tinatawanan mo pa,"dugtong ni Treyni at masama itong tinignan, mas lalo naman na lumakas ang tawa ni Sam na parang akala mo ay wala na talagang bukas. Hindi ko na napigilan ang sarili ko at umalis na doon. Na una na akong maglakad patungo sa kung saan man iyong lugar nang bata. Ayaw ko na nga rito, baka mas lalo lang nila akong asarin kapag sinabi na ni Sam ang totoong nangyayari. Panigurado ay hindi na niya ito itatago.
"Hoy Kori! Magpahinga ka na kasi!" Sigaw ni Lauriel ngunit hindi ko na lang ito pinakinggan at nauna na talaga sa kanila.
Patuloy lamang ako sa paglalakad hanggang sa hindi ko na pansin na nakalayo na pala ako sa mga ito. Tumigil lang ako nang maramdaman ko ang paghawak nang isang tao sa balikat ko ngunit pagtingin ko ay wala namang tao.
"Nola,"tawag ko sa kaniya.
"Hindi mo naman kailangan umalis doon,"ani ni Nola atsaka huminga nang malalim, "Inaasar ka lang ni Sam pero ang totoo niyan ay hindi niya sasabihin ang tungkol sa bagay na nakita nang asawa niya."
Kahit na, ngayon na alam na ni Sam na may koneksyon talaga kami ni Nola ay panigurado aasarin ako nito. Hindi naman koneksyon na tungkol sa pagmamahal ngunit koneksyon tungkol sa pagtulong lang. Alam naman ni Nola na hinahayaan ko lang siya dahil naiintindihan ko ang kaniyang sitwasyon. Wala namang ibang ibig sabihin iyon.
Nagulat naman ako nang bigla na lang may humawak sa kamay ko at hinila ako patungo sa isang pasilyo sa pagitan nang dalawang gusali. Hindi ito 'yong dinaanan ko ngunit maari rin na dumaan kami rito. Akala ko ay pupunta na kami sa bahay ng batang iyon ngunit na bigla na lang ako nang bigla na lang siyang nagpakita sa akin at ngumiti.
Tinanggal nito ang panyong naka-takip sa kaniyang mukha atsaka hinawakan ang kamay ko.
"Huwag mo na silang isipin,"ani ni Nola, "Hindi ka na nila aasarin, atsaka isa pa, alam mo naman na ako na ang laging magba-bantay sa iyo simula sa araw na ito, hindi ba? Ayaw ko naman na makaramdam ka nang pagka-ilang sa akin dahil lang sa nangyari."
Umiwas naman ako nang tingin sa kaniya at naramdaman ko na naman ang pag-init nang aking mukha, kasabay nito ang pagbilis nang tambol ng aking puso. "Hindi naman sa gano'n,"sabi ko, "Aasarin na naman talaga nila ako lalong-lalo na sina Lauriel at Treyni. Alam mo naman ang dalawang iyon."
Ngumiti lamang si Nola sa akin atsaka tumango, "Naiintindihan ko. Hayaan mo na sila, tatahimik din ang mga iyan at titigilan ka rin nila. Magtiwala ka lang sa akin."
Tumango na lang ako sa kaniya atsaka nagsimula nang maglakad, at sumunod naman si Nola sa akin. Masiyadong masikip ang mga pasilyo sa daan na ito kung kaya ay minsan tumatagilid pa kami para lang maka-punta sa kabilang bahagi. Ilang sandali pa ay nakarating na rin kami sa isang napaka-pamilyar na pasilyo. Nakita ko rin mula sa kinatatayuan ko ang ilang kawal na naka-tayo sa bawat gilid nito at maraming mga tao na naka-pila. May ilan sa mga ito na mga bata at karamihan naman sa kanila ay mga matatanda.
Gusot-gusot at butas-butas na ang mga damit nang mga ito. Hindi ko mapigilan ang hindi maawa sa kanilang kalagayan, ngayong araw na ito ay simula na nang pagtutulong ko sa kapwa ko. Salamat sa tulong nang ilang kaibigan ko at salamat na rin sa hari na sinusuportahan ang aking plano.
Nagsimula na kaming maglakad ni Nola patungo sa pasukan nang lugar na ito, naglakad ako patungo roon at bumungad sa akin ang maraming tao na naka-tingin sa gawi ko. Siguro ay nagtataka ang mga ito sa kung ano ang nangyayari at bakit napakaraming pulubi na naka-pila sa lugar na ito. Ngayon lang yata nagkaroon nang ganitong klaseng pangyayari dito.
"Ang bilis niyo naman maglakad,"ani ni Lauriel nang makarating ito sa aming tabi. Napalingon naman ako sa kanila na ngayon ay parang hinihingal sa kakamadali.
Tumakbo ba ang mga ito papunta rito? Hindi ko naman inaasahan na magmamadali pa talaga silang lahat. Sa tingin ko rin ay hindi na namin kailangan pa magluto dahil may ilang mga katulong na ng hari ang nakita ko na abala sa pagdala ng ilang mga lalagyan ng pagkain.
"Kakarating lang din namin,"tugon ko rito, "Nagulat lang ako sa dami nang tao na nandito."
"Saan ba kayo dumaan? Bakit hindi namin kayo nakita?" Tanong ni Treyni, tinuro ko naman ang pasilyo sa likod ko at sakto rin na nakita ko ang batang iyon. Natuwa naman ako nang makita ko siyang naka-ngiti habang kasama ang kaniyang ina na may karga-kargang batang babae.
"Ate!" Sigaw nito. Humarap naman ako sa kaniya atsaka ngumiti.
"Salamat sa pagdala nang mga tao dito,"sabi ko at pinatong ang kamay ko sa kaniyang ulo, ngumiti naman ang bata sa akin at agad na humarap sa kaniyang ina. Ibinaling ko naman ang atensiyon ko sa ina nito atsaka ngumiti.
"Masaya ako na makita kang malusog,"sabi ko.
"Salamat sa tulong mo,"saad niya. Tumango lamang ako rito atsaka tinignan ang batang nakatago sa kaniyang ina at nahihiyang nakatingin sa akin.
"Ang ganda mo namang bata,"puri ko at ngumiti sa kaniya. Hindi ko naman mapigilan ang tumitig sa mala-karagatan na mata nito. Napaka-puti rin niya ngunit namamayat ito dahil sa gutom. Napaka-gandang bata nga naman.
"Ito ang bunso kong anak,"saad nito, "Hindi ito masiyadong lumalabas nang bahay kasi natatakot ito sa mga tao. Ngayon ko nga lang ito pinalabas dahil kasama naman ako."
"Ganoon po ba?" Saad ko at hinarap ang bata, "Huwag kang matakot kay ate ah? Hindi naman ako masama, gusto mo ba laro tayo mamaya?"
Ngumiti naman ang bata atsaka tumango. Napangiti naman ako dahil sa sagot nito, simula pa noong nasa bayan ako ay lagi na akong nag-aalaga ng mga bata. Ako rin 'yong nag-aasikaso sa kanila sa tuwing may misa sa simbahan.
"Mama,balik tayo sa bahay,"bulong nito at medyo nabu-bulol pa. Hindi ko naman mapigilan ang sarili ko na hindi kuritin ang pisngi nito.
"A-away,"daing nito at tinignan ako. Ngumiti lang ako sa kaniya atsaka hinaplos ang pisngi niya. Nagpaalam na naman ang kaniyang ina na dadalhin na raw niya ito sa bahay at baka umiyak pa raw ito kapag nagtagal.
"Susunod din kami sa inyo,"sabi ko at ngumiti rito.
"Hindi ko naman inaasahan na mahilig ka pala sa bata, Kori,"ani ni Lauriel at lumapit sa akin.
"Mahilig naman talaga ako, na lakihan ko na ang bantayan ang mga katulad nila sa simbahan eh." Tugon ko sa kaniya at naglakad na patungo sa bahay no'ng magandang babaeng 'yon.
"Marami bang mga iniwan din ng mga magulang nila doon?" Tanong ni Lauriel habang buhat-buhat ang anak nitong babae.
"Wala naman,"sabi ko, "Tanging ako lang, ngunit, sa tuwing nagkakaroon ng misa sa aming simbahan ay mayroon din kaming ginagawa nang mga bata."
"Ah, iwas ingay na rin sa simbahan, ano?" Tanong nito, tumango lamang ako.