Chapter 46

3004 Words
Akala ko ba ay matapang sila? Bakit kung titignan ko na sila ay iiwas ng tingin? Dapat ba ganiyan ang mga na uuna? Mukhang mali naman yata ang kanilang kinilos para sa isang bully. Tumahimik na bigla ang mga ito kung kaya ay agad akong napangisi. Iyon naman pala at takot na takot na ma unahan tapos ganito pa kung kumilos. Akala ko ba ay matapang mga ito? Hindi naman pala eh. Oo, alam ko, lalaki ako at babae sila pero hindi rin naman kasi tama kung ganiyan mo tratuhin ang isang tao. Hindi iyon maganda at kahit kailan hinding-hindi iyon magiging maayos. Huminga ako ng malalim at umayos na ng upo. Hindi naman nagtagal at dumating na rin. Ngumiti lamang si Lauriel atsaka umalis na. Ilang sandali pa ay na tapos na rin ako at may pumasok na isang pasyente. May ilang tanong lang akong tinanong sa kanila bago sila ginagamot. Sa loob nang ilang oras ay halos maubos na ang aking mana dahil sa paggamit ko ng aking kapangyarihan. Hindi ko inaasahan ang dami ng mga taong may sakit dito. Karamihan sa kanila ay napakalala ng kanilang sakit at iyong iba naman ay hindi gaano. Minsan ay kailangan ko pang ulitin ang spell ko ng ilang beses bago tuluyang magamot ang isang tao. Sa tuwing gumagamit ako nang spell ay bumababa naman ang aking mana. Sa tingin ko ay hindi ko yata mauubos ang mga tao ngayon, mukhang bukas na lang talaga iyong iba, pero bago iyon ay pipilitin ko muna ang sarili ko kung hanggang saan lamang ang kaya ng aking katawan. Malapit na mag-alas syete ng gabi nang matapos ako sa huling pasyente, at noong matapos na ako ay halos hindi na ako makatayo sa pagod ng aking katawan. Sinubukan ko ang tumayo ngunit halos mawalan ako nang balanse, wala na pala talaga akong mana. Pagod na pagod na rin ang katawan ko, paano ba naman ay halos isang daang mahigit lang naman ang ginamot ko ngayong araw. "Ayos ka lang ba?" Napalingon naman ako sa taong sumalo sa akin na ngayon ko lang na pansin at ngumiti, "Noli,"naghihinang tawag ko rito. "Masiyado mong ginamit ang kapangyarihan mo ngayon,"ani ni Noli, "Kailangan mo na magpahinga. Alam ko na may ilang mga taong papunta pa rito ngunit sinabihan ko na sila na bukas na sila magpapagamot. Ihahatid na kita sa bahay ni Treyni at nararapat lang na matulog ka na." Pina-upo naman ako nito sa kama at umupo rin siya sa upuan ko kanina. Bakas sa mga mata nito ang pag-alala at parang naba-bahala ito sa kung ano man ang possibleng mangyari sa akin. Ngumiti lang ako sa kaniya atsaka hinawakan ang kaniyang mga kamay. Doon ko nakita ang ilang galos sa kamay nito dahil na rin siguro sa pag-aasikaso sa mga tao sa labas. "Anong nangyari sa kamay mo?" Tanong ko.  "Tinulungan ko lang ang isang katulong na dalhin ang isang lalagyan ng pagkain sa ibang tao, hindi ko naman inaasahan na sobrang init pala nito kung kaya ay nagkaroon ako ng ganiyan,"paliwanag niya. Kaya pala, dahil sa akin kaya nagkakaroon na siya nang sugat ngayon. Paano pa kaya 'tong ibang mga kasama ko? Paano pa kaya sila Treyni at Lauriel? Baka nagkaroon din sila nang sugat at sobrang pagod na rin ng mga ito. Ipinikit ko na lang ang aking mga mata at pinakiramdaman ang init ng enerhiya na dumadaloy sa aking katawan. Gusto ko man silang gamutin lahat ngunit pagod na pagod na talaga ang aking katawan kaya si Nola na muna, at bukas na ang iba. Ilang sandali pa ay naramdaman ko na lang ang labis na pag-init sa aking mga palad at noong minulat ko ang mga mata ko ay nakita ko na naman ang ilang simbolo sa ibabaw nang kamay nito. "Itigil mo 'yan, Kori,"ani ni Nola, "Bukas mo na ako gamutin at hayaan mo munang bumawi ang iyong katawan." Masiyadong matigas ang aking ulo kung kaya ay binigkas ko ang huling salita bago ako tuluyang nawalan ng malay. "Farmakeftikós."       "Hindi kasi ganiyan!" "Paano ba naman kasi, ang epal niyo talaga!" "Akin na nga 'yan! Disturbo kayo, kami 'yong mga babae dito!" Nagising na lang ako dahil sa ingat nang mga tao mula sa labas. Iminulat ko ang aking mga mata at nakitang nasa loob na pala ako nang kwarto ko sa bahay ni Treyni. Hindi ba at nasa bahay pa ako nang mga taong iyon? Bakit nandito na ako at bakit umaga na? Huwag mong sabihin na nawalan ako nang malay sa kalagitnaan ng paggamot ko kay Nola? Itinaas ko ang aking kamay at nakitang medyo namumutla ito. Bigla rin akong nakaramdam nang lamig sa aking katawan kahit hindi naman naka-bukas ang bintana. Ano ba ang nangyayari sa akin? Pinilit kong tumayo sa higaan ko ngunit napa-daing na lang ako sa sakit ng aking ulo, bigla na lang akong napahawak dito at ipinikit ang aking mga mata. Bakit ba ang sama-sama nang pakiramdam ko? Ilang sandali pa at nang maramdaman ko na medyo hindi na masiyadong masakit ang aking ulo ay bumaba na ako sa aking kama at niligpit ang higaan ko.  Masiyado pa rin silang maingay sa labas at sa tingin ko ay napaka-gulo nila at gusto ko na lang talaga silang patahimikin. Sarap na sarap 'yong tulog ko tapos magigising ako na masama pakiramdam ko at sobrang ingay nang paligid ko? Unti-unti akong nagtungo sa pintuan at marahan na binuksan ito. Medyo napapa-kapit pa ako sa pinto dahil bigla-bigla na lang akong nahihilo at hindi yata kaya nang aking katawan. Ilang sandali pa ay naglakad na ulit ako palabas at mas lalong lumakas ang sigawan ng mga 'to. "Manahimik nga kayo at baka magising si Kori!" Sigaw ni Lauriel. Masiyadong huli na para diyan, kanina pa kayo nagsisigawan tapos ngayon mo pa sila sisitahin? Ano ba kasi ang ginagawa nila at bakit ganito na lang sila kung maka-sigaw. Kapag ito dahil lamang sa isang mababaw na dahilan, sigurado ako, papalabasin ko talaga silang lahat at kasama na roon ang nagmamay-ari nang bahay na ito. Wala akong pinipili, gusto ko lang magpahinga dahil gusto ko na bumalik sa pagpapagamot nang mga tao sa bayan. Patuloy lamang ako sa paglalakad patungo sa sala habang naka-tukod ang kamay sa dingding. Hindi rin masiyadong malinaw ang paningin ko kung kaya ay halos ipikit ko na ang aking mga mata para lang makita ang dinadaanan ko.  Hindi naman nagtagal ay nakarating na rin ako sa dulo nang pasilyo na ito, at kitang-kita ko kung gaano kalapit ang distansiya nang mga ito ngunit patuloy pa rin sila sa pagsisigawan.  "A-ano ba ang nangyayari sa inyo?" Sabi ko, ngunit halos hindi na marinig ang boses ko dahil sa hina nito. Patuloy lamang sila sa pakikipag-away habang ako naman ay tinignan ang iba pang tao na nasa loob ng bahay. Si Nola ay abala lamang na nakamasid sa labas ng bintana habang ang asawa naman ni Sam ay pinapatahan ang kaniyang anak, at ang mga batang iyon naman ay nag-aaway sa kusina. "Akin na nga 'yan at ako na magluluto!" Sigaw ni Treyni, "Kapag si Kori na gising na at wala pa tayong naluluto, baka bigla na lang tayong palabasin no'n." Natigil naman sa paghihiwa si Sam at masamang tinignan si Treyni na ngayon ay hinahalo na ang mga gulay. "Aba? Sino ba dito ang nagmamagaling? Ang napag-usapan natin ay kami ang magluluto,"saad nito, "Bakit kayo na ngayon ang nandito sa kusina?" Hindi ko alam kung matatanda at may mga anak na ba talaga ang mga ito o mga bata pa rin. Kung mag-away ay parang hindi na lagpas sa bente ang mga edad nito. "T-tama na,"sabi ko ngunit wala pa ring nakakarinig sa akin, "Ang ingay niyo." Hindi pa rin nila naririnig ang mga sinabi ko at hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Pinilit ko na ang boses ko na mas lumakas pa ngunit parang ayaw naman makisama nito at talagang hanggang doon na lamang siya. Kaya siguro ako na paos kahapon ay dahil may paparating akong sakit, ngunit, saan ko naman ito nakuha? Siguro ay dahil iyon sa alak, may kaunting patak pa yata sa baso ko noong nilipat ni Nola tapos kahapon ay pinilit ko ang sarili ko na gamitin ang aking kapangyarihan na wala man lang pahinga. Bumalik ba sa akin ang lahat ng mga kinikilos ko? Mukhang kailangan ko talaga munang magpahinga nang ilang araw bago ako bumalik sa paggagamot nang mga tao at bago ako tumanggap ulit ng misyon na kasama ang mga batang ito. "Hindi pa ba nagigising si Kori?" Nagtatakang tanong ni Lauriel. "Huwag niyo na munang gisingin, sobrang pagod no'n kahapon." Kanina pa ako gising dahil sa kaingayan niyo mga bata! Nagsimula na akong maglakad patungo sa kanila ngunit hindi ko naman inaasahan na hindi pala kaya nang aking katawan na maglakad na walang suporta mula sa dingding, kung kaya ay bigla na lang akong na tumba sa sahig at rinig na rinig ko ang ilang mga yapak na papunta sa akin. "Kori!" Sigaw ni Treyni nang makalapit ito. Sumunod naman ang mga lalaki kay Treyni at hinawakan ang kamay ko upang tulungan akong tumayo, "Sobrang init mo, Kori!" Nagulat naman ako nang bigla na lang akong umangat mula sa sahig at nakitang binubuhat na pala ako ni Noli. Dinala ako nito paputa sa kwarto ko at pinahiga ako sa kama. Kakalabas ko lang dito sa kwarto ko at pahirapan pa tapos ibabalik lang pala ako nito ulit sa kwarto ko? Sana pala hindi na lang ako lumabas at hinintay na lang silang pumasok. "Diyan ka lang at magpahinga,"saad nito at kinuha ang kumot ko, "Masiyado ng na pagod ang sarili mo at masiyado mo nang ginamit ang iyong kapangyariha. Makinig ka na sa akin at manatili muna rito ng isang araw." Hindi na lang ako umimik dahil alam ko naman na mahihirapan lang ako magsalita. Masiyadong paos ang boses ko at panigurado ay hindi rin naman nila ako maririnig. Pagkatapos takpan ng kumot ni Noli ang katawan ko ay dumeritso naman ito sa bintana at hinawi ang mga kurtina. Doon ko lang na pansin na sobrang liwanag na pala sa labas at sa tingin ko ay tanghali an yata. "Kung tatanungin mo lang naman ang oras ay ang masasagot ko lang sa'yo,"sabi nito at hinila ang isang upuan papalapit sa aking tabi, "Ala una na po ng hapon." Ala una na ng hapon? Ganoon na ba talaga ako katagal na tulog? Hindi ko naman inaasahan na ganito pala ang magiging epekto sa aking katawan. Kung iisipin ay napakarami ko nga namang pasyente kahapon, at sa tingin ko ay mas marami pa yata ito sa mga na gamot ko noong nasa kaharian pa ako nang Floridel. Isang araw ngunit mahigit kumulang yata ang isang daan ka-tao ang na gamot ko kahapon sa bayan na ito. Sa tingin ko rin ay hindi lamang iyon ang dapat kong gamutin kung hindi ay napakarami pang iba. Ano ba ang mayro'n sa lugar na ito at ang daming nagkaka-sakit? Maaring dahil ito sa kanilang Duke noon na napaka-sama at ang tataas ng buwis na kinukuha niya sa mga tao. Hindi iyon ang gustong ipatupad nang hari ngunit pinipilit niya talaga ang bagay na iyon. Napapa-iling na lang talaga ako sa tuwing naalala ko ang pamamalakad ng lalaking iyon. Sana nga lang ay hindi kapareho nang taong iyon ang bagong Duke, pero kung titignan ay masiyado malapit ang hari at ang bagong Duke. Ano na kaya ang nagyari sa mga taong na gamot ko? Alam na kaya nang hari na nagkaroon ako ng sakit? Kailangan ko yatang maka-usap sina Lauriel mamaya at tatanungin ang tungkol sa mga bagay na ito. Napalingon naman ako kay Noli na pinipiga ang isang bempo. "Kailangan mo nang gumaling,"ani nito, "Binalaan na kita ng ilang beses patungkol sa pwersang paggamit sa iyong kapangyarihan." "Kailangan nila ng tulong,"tugon ko rito, pinilit kong lakasan ang boses ko ngunit sakto lang yata ito upang marinig ni Noli. "Naiintindihan namin na gusto mo lang makatulong sa kapwa, ngunit, dapat mo rin tulungan ang sarili mo na huwag pilitin ang sarili kahit alam mo naman na pagod na pagod ka na,"paliwanag niya. Alam ko na medyo naiinis na ito sa akin ngunit inaalagaan pa rin niya naman ako. Siguro kung wala si Noli ngayon ay baka nandoon pa rin ako sa sahig at naka-higa, mukhang walang balak yata akong tulungan nang mga lalaking iyon dahil sa tindi ng init nang aking katawan. "Bakit nga pala ako nilagnat?" Tanong ko rito. Tumayo naman si Noli sa kaniyang upuan at may kinuhang tubig sa isang lamesa dito sa kwarto ko at inalalayan akong umupo. "Kailangan mo ng tubig, sobrang napaka-init mo,"saad nito. Sinunod ko naman si Noli at uminom na ng tubig. Ngayon ko lang na pansin na mayroon palang tubig sa lamesa na iyon, kung hindi pa sana kinuha ni Noli ito ay hindi ko mapapansin. Ilang sandali pa ay na tapos na rin ako sa pag-inom at ibinalik na ako nito sa pagkakahiga. Nanatili lamang akong nakatingin sa kaniya ngunit abala naman ito sa pag-aasikaso sa akin. Wala ba 'tong balak sagutin ang tanong ko? Kanina pa ako nagtataka kung bakit na lang ako biglang nagkaroon ng sakit. Hindi ko rin alam kung dahil ba ito sa alak o dahil lang ito sa puyat ko. Maari ring gawing rason nito ang sobrang paggamit ko nang aking kapangyarihan ngunit sa tingin ko naman ay impossible iyon. Na-ubos lang naman ang mana ko at ilang beses na iyong nangyari ngunit bakit hindi naman ako nagkaroon ng sakit? Isa pa kung dahil ito sa puyat ay ilang beses na rin akong na puyat noong nag-eensayo pa lang ako. Kung sa alak naman ay hindi naman ganoon karami ang aking na inom, paano naman ako magkakaroon ng sakit dahil lang doon? Gusto ko malaman ang sagot ngunit, itong si Noli ay lagi lang tahimik at abala lamang sa pagkuha nang bempo sa noo ko at paglagay nito sa malamig na tubig atsaka binalik na naman sa aking noo. Pambihira naman itong taong 'to, nakaka-bingi naman yatang katahimikan ang binibigay niya sa akin? Hindi na lang akong umimik at hinayaan ito sa ginagawa niya. Nanatili lamang akong nakatingin sa kisame habang iniisip kung ano ba ang dapat kong sabihin upang sagutin niya ang tanong ko. Mukhang wala talaga itong balak makipag-usap sa akin eh. Kahit anong gawin ko ay wala yata itong plano na kausapin ako. "Ipapaliwanag ko sa iyo mamaya kung bakit ka nagkaka-ganiyan,"biglang sabi nito na naging dahilan ng paglingon ko sa kaniya, "Ngunit sa ngayon ay magpahinga ka muna at huwag ka na maging makulit." Hindi na lang ako umimik at inirapan na lang ito, nakaka-inis naman. Gusto ko lang naman malaman tapos ang dami pa niyang arte na kaso daw mamaya na lang at huwag na makulit. Naging makulit ba ako? Nandito nga lang ako sa higaan ko at parang lantang gulay na hindi makatayo mag-isa, kailangan pa talaga nang suporta galing sa ibang tao. Huminga na lang ako nang malalim at pipikit na sana upang bumalik na lang sa pagtulog ng bigla na lang may kumatok sa pinto. "Pasok,"tugon nitong si Noli. "Hindi naman yata kami nakaka-disturbo, hindi ba?" Rinig kong tanong ni Treyni. Napatingin naman ako rito at nakitang may dala-dala itong mga pagkain. Sunod na pumasok naman ang dalawang lalaki at pati na rin si Lauriel na may kaniya-kaniya ring dalang pagkain. "Anong mayro'n?" Nagtatakang tanong ni Noli habang nakatingin sa kanilang lahat. Inilapag naman nila ang mga pagkaing dala nila sa lamesa at lumabas ulit si Draco. Hindi naman nagtagal ay bumalik ito at dala-dala na niya ang lamesa sa kusina. "Naisipan namin na mahihirapan yata lumabas si Kori sa kwarto niya kung kaya ay dito na lang tayo kakain,"paliwanag ni Lauriel at itinaas pa ang mga pinggan. "Kailangan magpahinga ni Kori,"saad ni Noli habang naka-kunot ang kaniyang noo. Umirap naman si Treyni at nagpatuloy lamang sa paghanda nang mga pagkain. Lumapit naman si Sam kay Noli at hinila ito upang akbayan. "Alam naman namin na nag-aalala ka sa kaniya, ganoon naman din kami,"saad nito, "Hindi nga lang mako-kompara ang pag-aalala mo sa kaniya sa amin." Tumawa naman silang lahat sa sinabi nito na naging dahilan nang pagtaas ng kilay ko. Ano naman ang ibig sabihin ni Sam doon? Atsaka ano naman ang pinagkaiba nang pag-aalala ni Noli sa akin at pag-aalala nila sa akin? May pagkakaibahan ba ang pag-aalala? Kung ano-ano na lang talaga ng sinasabi nang mga 'to. Abala lamang sila sa pag-aayos ng aming lamesa habang si Sam at Noli naman ay nag-uusap ng seryoso sa isang tabi. Hindi ko masiyadong marinig ang pinag-uusapan nila dahil sobrang hina nito. Dahan-dahan akong bumangon sa aking kama at tinignan silang dalawa, napatingin naman sa akin si Sam at ngumiti. Tinugunan ko lang ito ng ngiti bago na isipan na tumayo na. Sana naman ay hindi na ako ulit matumba, baka mag-alala na naman ang isang 'yon at tuluyan na talaga akong itatali dito sa aking higaan. Nagulat naman ako nang bigla na lang may humawak sa aking kamay at inalalayan ako patungo sa upuan. Si Treyni pala, nakangiti lamang itong inilagay ang isang braso ko sa balikat niya at nagsimula na kaming maglakad patungo sa lamesa. "Dahan-dahan lang,"ani ni Lauriel at kinuha rin ang isang braso ko at inalalayan din ako papunta roon. Hinila naman ni Draco ang upuan atsaka umupo roon.  "Salamat,"bulong ko sa mga ito. Hanggang ngayon ay hindi pa rin bumabalik ang boses ko at kinakabahan na ako sa posibleng mangyari. Nagtataka rin ako kung bakit hanggang ngayon ay walang ginagawa ang katawan ko upang kusang gumaling ang ilang sugat sa akin.  "Kumain na tayo,"aya ni Lauriel sa dalawa. Nakita ko naman ang pagtapik ni Sam sa balikat ni Noli at ang malalim na pagbuntong hininga naman nito. "Tatawagin ko lang ang aking asawa,"saad ni Sam atsaka lumabas na ng kwarto. Umupo naman si Noli sa tabi ko at hinawakan ang aking kamay. "Ayos ka lang ba?" Nag-aalalang tanong nito, tumango lamang ako sa kaniya bilang sagot.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD