Nakakapanibago na makita na may isang grupo na naman ng mga katulad ko. Ang grupo na kung saan ay panigurado na may nakakapanghinalang koneksiyon. Tahimik lamang akong nakatiningin sa kanila habang abala sila sa paghahanda ng mga pagkain at pinapakilala ang kanilang sarili at kanilang kakayahan. Hindi ko man lang na kaya na ibukas ang aking bibig at magpakilala. Huminga ako ng malalim at tinignan ang paligid.
Nandito pa rin pala ako sa loob ng gate. Sa isang gate na pinasukan ko kagabi. Bakit nga pala ako napadpad dito?
Ipinikit ko ang aking mga mata habang inaalala kung ano ang nangyari kahapon. Naramdaman ko naman ang paghawak ng isang kamay sa aking balikat ng naging dahilan ng aking pagmulat.
"May masakit ba sa iyo?" Tanong ng isang babae.
Nagtataka naman akong napatingin dito, "Wala naman, bakit?" Tanong ko rito pabalik.
"Nagpapakilala kasi kami sa iyo at bigla ka na lang pumikit,"tugon naman niya. Ngumiti lamang ako sa kanila at humingi ng paumanhin.
"Ano nga ulit iyon?" Tanong ko.
"Ako naman ay suporta ng aming grupo, kaya ko silang bigyan ng protekta o enerhiya na mas lalong bumilis ang kanilang takbo." Sabi naman ni Treyna.
"Ganoon ba? Ano naman ang kapangyarihan ng mga kasama ninyo?" Tanong ko sa mga ito. Tumayo naman si Lauriel at nag-tungo sa harap ng isang malaking kahoy atsaka may kinuha ito mula roon.
"Iyong tatlo ay may malalakas silang kapangyarihan. Kapag nagsama sila ay hindi sila madaling matatalo ng kahit anong halimaw, pwera na lang kung mataas na ang antas ng halimaw." Paliwanag ni Lauriel na may dala-dala na ngayong tinapay at binigay sa akin. Kinuha rin ni Treyna ang kaniyang pamunas at pinunsan ang kaniyang tungkod na may isang malaking bato na kulay berde sa dulo.
"Talaga? Makapangyarihan pala talaga silang lahat,"sabi ko at kinagat ang pagkain.
"Si Draco ay may kapangyarihan ng apoy habang si Samson naman ay may kapangyarihan sa depensa, at ang huli ay si Nola, may kapangyarihan ito upang burahin ang kaniyang presensiya at mawala sa paningin ng mga kalaban niya,"paliwanag ni Treyna.
"Kaya pala kayang-kaya niyo na kayo lang nandito sa gubat,"sabi ko, "Ang alam ko ay isa sa mga pinaka-delikadong lugar ang mga gubat. Hindi ba? Tapos narito kayo at gumawa pa ng pagpahingahan."
"Wala kaming pagpipilian, ito lang naman ang trabaho namin at kung uuwi kami na hindi natatapos ang misyon namin ay malamang wala kaming pera para sa pamilya ng bawat isa." Saad ni Lauriel.
"Ikaw ba? Bakit ka na punta dito sa gubat?" Tanong nito.
"Gusto ko sana magtungo sa susunod na bayan. Galing pa ako ng Kaharian ng Floridel, kaso lang bigla nga lang may humabol sa akin na isang tao na hindi ko naman kilala. Kaya ayon na punta ako sa inyo rito,"paliwanag ko.
Hanggang ngayon ay malaking tanong pa rin sa akin kung nasaan na ang taong iyon. Kaya siguro ay hindi niya inatake ang grupo na ito ay dahil alam niya na masiyadong matalino at malakas ang mga taong ito. Kayang-kaya siya nitong patayin gamit ang kanilang mga kapangyarihan. Iyong mga lalaki nga nila ay sila lang ang umalis at lalaban sa mga hayop dito.
"Paano mo naman iyon na takasan? Kung balak ka talaga niyang patayin ay sana wala ka na ngayon,"saad ni Treyna at tumingin sa akin, "Huwag mong mamasamain ang tanong ko."
Akala ko pa naman ay gusto nito akong mamatay. Huminga lamang ako ng malalim at tumingin sa mga puno.
"Hindi ko rin alam. Apat na taon na akong hinahabol ng taong iyon, wala akong alam kung bakit lagi itong nandoon kung nasaan ako. Ilang beses na niya akong tinapunan ng patalim ngunit buti na lang ay lagi ko itong naiiwasan, o hindi kaya ay paminsan naman natatamaan din naman ako." Paliwanag ko sa kanila.
"Kung natatamaan ka nga, hindi ba at manghihina ka na? Bakit ang bilis mo pa ring makatakbo?" Tanong ni Lauriel.
"Dahil na rin siguro sa kapangyariha ko,"sabi ko.
"Ano ba ang kapangyarihan mo?" Tanong ni Treyna at inilagay na sa kaniyang tabi ang kaniyang tungkod at humarap sa akin.
"Isa akong manggagamot,"saad ko at ngumiti sa kanila. Gulat na nagkatinginan naman ang dalawa sa isa't-isa at parang nag-uusap ang mga ito gamit ang kanilang mga mata. May mali ba sa sinabi ko?
"Sigurado ka ba na may kakayahan ka na pagamutin ang kahit na anong sakit?" Tanong ni Treyna, nagtataka man ay tumango lang ako sa tanong niya, "Ngunit hindi ba at may limitasyon lamang kung hanggang saan lamang pwede mong gamutin ang isang tao? Atsaka napaka-impossible rin na magamot mo ang iyong sarili, pwera na lang kung,"
"Pwera na lang kung mataas na ang aking stage?" Dugtong ko, tumango naman ang dalawa na naging dahilan ng pagngiti ko, "Hindi pa naman ganoon kataas ang aking antas ngunit nasa ika-anim na stage na ako ng pangunahing antas."
"Ano?" Sabay na sigaw ng dalawa at napatayo pa talaga.
"Anong nangyayari sa inyo rito?" Tanong ng tatlong lalaki na kakarating lamang. Medyo may kalakihan ang katawan ng dalawa nitong kasama at ilang peklat sa kanilang mga mukha, habang iyong isa naman ay payat lang at may nakatakip na panyo mula sa ilalim ng kaniyang mga mata.
Gulat na nakatingin pa rin ang dalawang babae sa akin at hindi pa rin umiimik. Lumapit naman ang isang lalaking naka-suot ng isang makapal na kasuotan na may balahibo sa bandang leeg nito na kulay pula. Hinawakan naman niya ang balikat ni Lauriel. Mas lalo namang nagulat ang kaniyang mga mata at hinawakan ang kamay ng lalaki at inikot ito papuntang likod atsaka sinipa.
"Aray naman!" Sigaw nang lalaki. Nagising naman si Lauriel at tinulungan makatayo ang lalaki.
"Pasensiya ka na, Draco,"paghihingi nito ng pasensiya.
"Ano ba ang nangyari sa iyo at handang-handa ka makipag-away?" Tanong ng Draco, ito yata iyong may kapangyarihan ng apoy. Kung sabagay ay halata naman sa kaniyang kasuotan.
"Alam mo naman na ganiyan na talaga ako,"saad ni Lauriel at umupo sa isang kahoy, "Huwag ka kasing manggulat."
"Hindi kita ginulat,"tugon naman ni Draco at naglakad papalapit sa akin, "Masiyado lang okupado 'yang utak mo ng mga bagay na hindi ko alam kung ano."
"May nalaman lang kami ni Treyna na hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala na makaka-salamuha natin dito,"saad nito.
"Kumusta ka na?" Tanong ni Draco ng makalapit sa tabi harap ko, "Ako pala si Draco."
"Ako si Kori,"tugon ko rito at tumayo upang tanggapin ang kaniyang kamay. "Okay lang po ako, salamat sa inyong tulong."
Hindi ko kaya na galitin ang mga ito, baka dumami pa ang may galit sa akin at hahabulin ako. Mamatay yata talaga ako ng maaga kapag iyon ay nangyari.
"Mabuti naman at okay ka na, kumain ka na ba?" Tanong nito, "May ilang hayop kaming nahuli kaya magkakaroon tayo ng malaking pagsasalo ngayong gabi."
"Salamat po,"sabi ko. Ngumiti naman ako rito atsaka siya rin, ibinaling nito ang kaniyang atensyon patungo sa dalawa pa niyang kasama na naka-tayo lamang sa gilid at nakatingin sa amin.
"Hali nga kayo rito at magpakilala,"tawag niya sa mga ito. Nauna namang lumapit ang isang lalaki na kasing tangkad lamang ni Draco.
"Ako pala si Samson,"pagpapakilala nito. May dala-dala itong malaking panagga na kulay puti at naka-suot din ito ng armor.
"Kori nga po pala,"pagpapakilala ko.
"Ito naman si Nola,"saad ni Samson at inakbayan ang payat na lalaki na naka-suot ng takip sa mukha.
"Siya ang aming matinik na kakampi." Dugtong nito at tumawa ng malakas. Natawa naman ako rito habang ang lalaking si Nola ay umirap lang at bigla na lang nawala.
"Kahit kailan talaga iyong lalaking 'yon, ayaw na ayaw magsalita." Ani ni Treyna.
"Ano pa ba ang aasahan mo?" Tanong ni Draco.
"Kayo 'yong laging magkasama, sana pala ay sinanay niyo na noon pa." Ani ni Lauriel at umiiling na lumapit sa mga patay na hayop na dinala ng mga taong ito.
"Nagsa-saltia naman iyan kapag kasama namin,"ani ni Draco.
"ngunit?" Dugtong ni Treyna at umiiling na umupo sa tabi ko.
"Ngunit, minsan nga lang."
"Ayon, mas klaro 'yan,"naka-ngising saad ni Lauriel. Kinuha na nito ang hayop at dinala sa isang tabi upang linisin.
"Ano pala ang ikinagulat niyo kanina? Mukha kayong nakakita ng Class S na hayop eh,"saad ni Draco at umupo rin sa kabilang kahoy na nakapalibot sa apoy.
Hindi naman umimik sila Lauriel at Treyna at sabay-sabay lamang nag-iwas ng tingin. Tungkol ba ito sa kapangyarihan ko? Ano ba ang nandoon at bakit parang ayaw na ayaw nilang sabihin ito sa aming mga kasama.
"Tungkol lang sa kapangyarihan ni Kori,"biglang sabi ni Treyna at ngumiti sa akin.
Sabi ko na nga ba at tungkol ito sa kapangyarihan ko eh. Ano naman ang mayro'n sa akin at grabe na lang ang kanilang pagkagulat.
"Bakit? Ano ba ang kapangyarihan niya?" Tanong ni Samson at inilagay sa tabi ang kaniyang panangga.
"Isa si Kori sa mga pinagpala na magkaroon ng kakayahan na gumamot ng mga taong may sakit,"sabi ni Treyna. Napatingin naman ako sa dalawa na labis ang pagtataka, siguro ay pareho lang sila sa akin na nagtatanong kung ano ang espesyal sa kapangyarihan ko at ganoon na lang ang kanilang reaksiyon.
"Ano naman ang mayro'n? Hindi ba at may kakayahan ka rin naman na gamutin kaming lahat kapag nagkaroon tayo ng matinding labanan?" Tanong nito, umiling lamang si Treyna atsaka bumuntong hininga.
Isa rin pala siya sa amin? Iyong mga taong may kakayahan na gamutin ang ibang tao? Ngunit bakit hindi niya ito sinabi sa akin kanina? Hindi niya pinakilala na mayroon pala siyang kapangyarihan kaparehi sa akin.
"Alam natin na tanging pagtigil lamang sa dugo at pagwala sa sakit ang kaya kong gawin sa mga sugat niyo,"saad ni Treyni.
"Kung sabagay,"ani ni Draco, "Ano naman ang problema kay Kori?"
"Si Kori ay may stage na lampas pa sa ating lahat,"saad ni Lauriel at humarap sa kanila.
"Lahat tayo na naririto ay nasa pangunahing antas pa lamang at nasa pang-apat na stage. Habang si Kori ay nasa pang-anim na,"paliwanag niya, "Isipin niyo nga kung hanggang saan ang kaya niyang magamot? Isipin niyo kung kahit anong lalim ng sugat niyo o kahit anong lala ng sakit niyo ay kaya ka nitong pagalingin."
Gulat na napatingin naman sa akin si Draco at Samson, tila ba hindi makapaniwala ang mga ito sa kanilang mga nalaman. Ngayon lang ba sila nakakilala na may mataas na stage? Atsaka isa pa, paano nila na kakaya na talunin ang mga hayop na nandito kung ganoon lang pala ang stage nila? Nagbibiro ba ang mga ito?
Nagulat naman ako ng magsimulang tumulo ang mga luha ni Lauriel at humarap kay Draco.
"Mapapa-gamot na rin natin sa wakas ang ating anak." Ani ni Lauriel.
Teka. Ano?
Anak nila?
Ibig sabihin ba nito ay mag-asawa ang dalawang iyan at mayroon na silang anak na naiwan sa kanilang bahay mag-isa? Teka nga, naguguluhan ako.
Bigla naman humarap sa akin si Draco at ganoon na rin si Lauriel, sabay-sabay silang lumuhod sa harap ko at yumuko.
"Kori, maari mo ba kaming tulungan,"ani ni Draco at ramdam na ramdam ko ang desperasyon sa boses nito.
"Kori, nagmamaka-awa ako,"dugtong naman ni Lauriel.
Umupo ako sa kanilang harapan at hinaplos ang kanilang mga buhok. Hindi naman nila kailangan magmakaawa. Pwedeng-pwede ko naman silang tulungan, atsaka isa pa, misyon ko ang pumunta sa mga bayan na nangangailangan ng tulong ng aking kapangyarihan.
"Hindi niyo naman kailangan gawin 'yan,"sabi ko at ngumiti sa kanila.
"Kahit magkano ay handa naming babayaran, gamutin mo lang ang anak namin." Saad ni Draco.
"Alam niyo ba na kaya ako pupunta sa susunod na bayan ay dahil tapos na ako sa misyon ko sa kaharian ng Floridel?" Tanong ko sa mga ito. Napa-tingin naman silang lahat sa akin na nagtataka, kung kaya ay ngumiti lamang ako.
"Lahat ng tao na nangangailangan ng tulong ko o tulong ng kapangyarihan ko sa kaharian na iyon ay tinulungan ko ng walang bayad. Bakit? Kasi ito ang pangako ko sa sarili ko, na kapag lumakas ako at nasa tamang edad na ako ay tutulungan ko ang mga taong nangangailangan, katulad niyo." Sabi ko at hinawakan ang kanilang mga kamay, "Tumayo na kayo riyan, Pinapangako ko na gagamutin ko ang inyong anak."
Gulat na napatingin naman sa akin ang dalawa at sabay-sabay silang tumyo upang yakapin ako. Yumakap lang din ako pabalik at hinayaan ang mga ito na sambitin ang katagang salamat ng paulit-ulit.
Nanatili lamang kami sa ganoong posisyon ng ilang minuto hanggang sa naisipan ng mga ito na kumalas na sa yakap ko. Napa-ngiti naman ako nang makita silang masaya na nag-uusap sa isang tabi, tila ba sabik na sabik na itong maka-uwi upang magamot ko na ang kanilang anak na naghihintay sa kanilang pagbabalik.
"Salamat Kori,"ani ni Treyna sa aking tabi. Napalingon naman ako rito at nagtataka siyang tinignan.
"Bakit?" Tanong ko.
"Dahil magagamot na rin sa wakas ang anak nila Lauriel at Draco,"saad nito, "Alam mo ba, ayaw na ayaw sana ni Draco na sumama iyang si Lauriel na tumanggap ng mga ganitong misyon, ngunit ayaw din naman hayaan ni Lauriel ang kaniyang asawa na mag-isa dito sa gubat at baka raw anong mangyari sa kaniya. Ayon rin kay Lauriel, gusto rin niyang sumali sa mga ganito upang mas malaki ang kanilang ma-ipon at mapagamot na nila ang kanilang anak sa isa sa mga mangagamot sa bayan namin. Napaka-mahal naman kasi ng singil nito."
"Ganiyan din ang sitwasyon sa kaharian ng Floridel. Ang kanilang manggagamot roon ay nagpapabayad din ng mataas na halaga, kung kaya ay laking pasasalamat ng mga ito nang dumating ako sa kanilang bayan. Wala naman akong intensyon na sumikat, gusto ko lang talagang maka-tulong sa kapwa,"sabi ko at ngumiti sa kaniya.
"Napaka-bait mo,"ani nito, "Ngayon na mapapagamot na nila ang kanilang anak ay panigurado hindi na sila muling tatanggap ng mga misyon."
Nakita ko naman ang paglungkot ng mga mata at boses ni Treyna.
Naiintindihan ko naman kung bakit ito ang nararamdaman niya ngayon. Syempre ay mawawalan na siya ng karamay at kasama. Kapag na gamot ko na ang anak ng dalawa ay maaring titigil na ito sa pagiging manlalakbay at mangangaso, titigil na rin siguro ito sa pagtanggap ng mga misyon dahil maaring gusto na lang nila na makasama ang kanilang anak lagi.
"Kaya salamat, Kori. Matutupad na rin sa wakas ang kanilang kahilingan." Ani nito at kitang-kita ko ang pagngiti nito sa akin, kasabay ang pagtulo ng kaniyang munting luha sa kaniyang mga pisngi.
"Diyan ka nagkakamali, Treyni,"sabay-sabay naman kaming napalingon sa nagsalita sa likod.
Si Lauriel.
"Hindi totoo?" Nagtatakang tanong ni Treyni at humarap dito, "Hindi ba at iyan 'yong huling sinabi mo sa akin? Kapag gumaling na si Driel ay titigil na kayo sa pagsama at pagtanggap sa mga misyon?"
Sobrang lungkot ng mga mata ni Treyni. Sa tingin ko ay ilang tulak na lang ay iiyak at iiyak na yata ito. Naiintindihan ko naman kung bakit ganito na lang ang naging reaksiyon niya. Ayaw lang niya mawalay sa dalawa at mayroong tsansa na kapag tumigil sila sa pagtanggap ng mga misyon ay mabubuwag na talaga ang kanilang grupo. Kitang-kita ko rin ang mga lungkot sa mga mata ni Lauriel habang nakatingin kay Treyni.
"Aalis na lang muna kami at lilinisin lang namin itong mga nahuli namin,"sabi ni Draco at Sinenyasan si Sam. Kinuha na nila ang mga hayop atsaka sila umalis. Naiwan na lang kaming tatlong babae dito habang ang dalawa naman ay nagtitigan lamang sa isa't-isa. Wala na ba silang balak magsalita, atsaka bakit ako lang yata ang iniwan nila.
"Oo nga at sinabi ko sa iyo na iyan ang plano ko noon,"saad ni Lauriel atsaka umupo sa isang kahoy dito sa harap ng apoy, "Ngunit sinabi ko ang mga iyon noong bago pa lamang ang ating grupo, Treyni."
"Ano ang ibig mong sabihin? Hindi ba at gusto mo na lang makasama ang iyong anak?" Tanong ni Treyni at umupo na rin sa kaniyang tabi.
Tahimik lamang akong umupo rin sa isang tabi at nakinig lang sa kanilang dalawa. Nag-uusap lang naman sila gamit ang pangkaraniwan nilang boses. Hindi naman sila nagsisigawan o ano kung kaya ay makikinig na lang ako sa mga ito at huwag na lang makealam sa problema nila. Mare-resolba naman ito agad, kailangan lang talaga nilang mag-usap upang maiwasan ang hindi pagkaka-unawaan.
"Oo, totoo iyan,"ani ni Lauriel at tumingin sa apoy, "Iyan ang plano ko noon, ang manatili na lamang sa bayan kapag magaling na ang aking anak, iyan ang plano namin ng asawa ko. Ngunit, napamahal na rin sa amin ang grupong ito, sa loob ng ilang taon nating pagsasama lahat ay napaka-imposible sa amin na basta-basta na lang namin kayong iiwan."
Natahimik naman si Treyni. Napa-yuko ito atsaka pinaglalaruan ang kaniyang kamay, hindi yata nito alam kung ano ang sasabihin niya. Ibinaling naman ni Lauriel ang kaniyang atensyon kay Treyni at ngumiti. Hinawakan nito ang kaniyang dalawang kamay atsaka hinawakan ang baba.
"Huwag kang mag-alala, hinding-hindi naman kita iiwan. Hinding-hindi mabubuwag itong grupo natin, at mananatili pa rin kami sa grupo na ito. Sama-sama pa rin nating tatapusin ang ilang misyon na ibibigay sa atin. Alam ko naman na natatakot ka na baka hindi na ako magpapatuloy na ngayon ay may tulong na galing kay Kori, ngunit nagkaka-mali ka. Trabaho pa rin naman ito, at hindi naman namin mabubuhay ang anak namin kung wala kaming pagkakakitaan, hindi ba?" Sabi ni Lauriel.
Nagulat na lamang si Lauriel ng bigla na lang siyang yakapin ni Treyni at umiyak. Hindi naman nagtagal ay napa-ngiti na lang ito at yinakap na rin pabalik. Hinaplos nito ang likod ni Treyni at hinayaan itong umiyak sa kaniyang mga bisig.
"Akala ko ay iiwan mo na ako,"sabi ni Treyni sa kalagitnaan ng kaniyang mga pag-iyak.
"Shh, bakit naman kita iiwan? Kailangan mo ako dahil napaka-tanga mo,"biro ni Lauriel at kinindatan ako. Ngumiti lamang ako sa kaniya at tumango.
Gusto lamang pagaanin ni Lauriel ang tensyon sa pagitan nilang dalawa. Ayaw na ayaw din yata nitong nakikitang umiiyak ang kaniyang kaibigan. Nasa ganoong posisyon lamang sila nang bumalik ang mga lalaki na may dala-dalang mga karne, wala na iyong buong hayop at tanging mga karneng handa ng lutuin na lamang ang nasa kamay nila.