Hindi rin naman nagtagal ang magulang ni Austin sa hospital at umalis rin ito, hindi rin nila isinama si Austin sa kani-kanilang sasakyan dahil may importanti pa raw itong mga lakad kahit na gabi na, sa huli ay samin pa rin sumama si Austin pabalik sa mansyon. "Salamat po tito, tita. Buti pa po kayo ay ramdam ko ang pagiging magulang kisa sa aking sariling magulang na puro trabaho lang ang inatupag at halos wala na silang pakialam sa akin," saad niya habang papasok kami sa pinto ng mansyon. "Wag kang mag-alala iho, welcome ka dito sa bahay, pumunta ka lang dito kung kailangan mo ng magulang," saad naman ni daddy at tinapik pa ang likod ni Austin. "Akyat muna ako Dad," paalam ko sa aking ama at mabilis akong umakyat sa taas. Pagkasara ko ng pinto ng aking kwarto ay, tinutup ko ang aking

