Laica's POV Masayang kaming kumakain sa hapagkainan kasama si Austin na katabi ko ngayon sa upuan, napansin ko na hindi siya kumukuha ng hipon at pusit na siyang pinaka paborito ko, kaya naman ay kumuha ako ng hipon at binalatan ko ito saka inilagay sa kanyang plato, dahil nakatingin siya sa dalawang kambal ay hindi niya napansin na nasama sa kutsara niya ang hipon na aking binalatan. Napapa hagikhik pa ako dahil nagawa ko na mapakain siya ng hipon, ngunit napansin ko rin si daddy at mommy na pinandilatan ako ng mata. Kaya nakangiti akong yumuko at inabala narin ang sarili sa pagkain, nagkakamay lang ako dahil mas masarap kumain pag nagkakamay at lalo na pag seafood ang nakahain sa hapagkainan. Habang abala ako sa pagkain ay napalingon ako sa aking katabi dahil panay ang ubo nito at h

