NAGISING akong humihikbi. Bumangon ako sa kama at nagtungo sa banyo ng makakuha ako ng lakas saka naghilamos, halata sa aking mata na umiyak ako. Habang naka tapat ako sa salamin ay sumagi sa isip ko ang tagpo namin ni Austin, isang panaginip lang pala iyon hindi ko alam kung bakit bigla na lang naging ganun ang panaginip ko, nalilito na ako sa sarili ko. Maya-maya ay bigla nalang tumunog ang aking tiyan, naalala ko na wala pa pala akong hapunan kaya naisip kong bumaba sa kusina at maghahanap ng makakain. Paano kung maging totoo ang panaginip ko, kamu-muhian ba talaga ako ni Austin? Habang sumisip ako ng kape ay bigla ko nalang naisip ang salitang iyon, nakaupo ako sa bakanting upuan dito sa dining table, kape at tinapay na lang ang kinain ko dahil wala rin naman akong ganang kumain n

