"By the way dad, meron po pala kaming outing next week po sa province, para po sa gagawing proyekto namin sa school," pagpapa alala ko, bilang paalam na rin. "Okay anak, nagpaalam ka na ba sa mommy mo?" Tanong naman ni daddy. "Not yet daddy, later na po sa dinner," sambit ko at tumayo ako para kunin ang mini diary book ko. "Anak, may emergency calls ako, tawagan kita ulit ha, i love you princess," sambit niya at biglang namatay ang tawag. Balak ko sana basahin ang isinulat ko kanina sa dairy book ko, ngunit dahil may emegency si daddy ay saka ko nalang ipapa alam sa kanya ang nilalaman ng aking diary book. Umupo ako ng pa-bagsak sa kama sabay higa at nagpakawala ng buntong hininga, hindi ko alam sa sarili ko kung bakit ako nag kakaganito, dahil sa tagal naming magkaibigan ni Austi

