Chapter 3

3724 Words
Pasimpleng inayos ni Julie ang kanyang buhok at ang damit na nagusot nang palabas siya sa closet na iyon. Hindi niya pinansin ang nakanganga pa rin na si CJ na sinusundan siya ng tingin. Ang ibang tao ay nasa kani-kanilang booth pero muhkang narinig ng mga ito ang pagsigaw ni CJ kanina kaya naman nakadungaw na sa direksyon niya. Naayos naman na niya ang kanyang buhok at mga damit pero hindi matatago ang animo'y nalamog niyang mga labi. Mabilis niyang sinara ang pinto ng kanyang opisina pagkapasok na pagkapasok at napasandal pa doon. Pakshet talaga ito si Elmo. What the f**k was he thinking anyways!? Anong toyo ng lalaki na iyon at bigla bigla na lang nanghahalik?!?! Mabibigat pa rin ang kanyang hininga at napapikit siya sandali. He's f*****g with your head Julie Anne. Don't let him get to you. May rason kung bakit magkalaban sila dati ni Elmo. Parehong matigas ang ulo nila at kung lalabanan siya ni Elmo ngayon, aba hindi siya aatras. Makikita nito ang hinahanap. Kinalma niya ang sarili niya at huminga muna ng malalim bago dumeretso sa kanyang swivel chair. Isang beses pa siyang huminga ng malalim at kakalimutan na sana ang nangyari kanina nang maalala na first kiss nga pala niya iyon. Shit, he stole my first kiss! Maaring hindi nga siya naniniwala sa paghahanap kaagad ng relasyon pero naniniwala naman siya sa pag-ibig! At matagal na niyang alam na ang unang halik niya ay para sa lalaking iibigin niya at hindi manggagaling sa lalaking kinakalaban siya! Sana lang talaga ay makalagpas siya sa araw na iyon nang hindi nasisiraan ng bait sa kakaisip. May balak pa siyang puntahan mamayang hapon. Dumaan lang ang oras. Lagi naman ganoon para sa kanya dahil hindi siya tumitigil sa trabaho. Marami siyang articles at write-ups ngayon kaya kailangan pulido ang gawa. Nasa kalagitnaan na siya ng pagsave sa isang kakasulat pa lang na article nang tumunog ang intercom. "Mam Julie?" "Yes Bianca?" Sagot kaagad ni Julie sa kanyang assistant. "Nandito po sa labas si Mam Maqui, lunch na daw po kayong dalawa." Sa sinabi ng assistant ay mabilis na napatingin si Julie sa orasan sa kanyang macbook. It was 12:15. Kanina pa pala lunch time. Pinindot niya ulit ang answer button sa may intercom. "Sige Bianca kamo palabas na ako." Inimis niya lahat ng papeles na nasa harap niya. Ayaw niya kasi ng makalat. Papalabas pa lang siya nang opisina niya nang hindi si Maqui ang bunungad sa kanya kundi si Elmo. Hindi na nito suot ang coat at natira na lang ay isang white button down na shirt. "Anong ginagawa mo dito?" Sa tanong niya ay napatingin din siya kay Bianca na parang natatakot. "N-nandito po kanina si Mam Maqui, p-pero bigla po siyang umalis." Kinakabahan na pagpaliwanag nito. "Don't blame her, I just wanted to have lunch with you." Sabi naman ni Elmo sa kanya. Kahit hindi nakikita ni Julie ay sigurado siyang nakatingin na ang ibang katrabaho nila sa kanila. "Who says I'd go to lunch with you." Balik ni Julie naglakad na siya palayo at sinimulan itext si Maqui na kitain na lang siya sa canteen sa baba namg maramdaman na nakasunod sa kanya si Elmo. Inis na tiningnan niya ito pero nakangisi lamang ito sa kanya. Kung pwede lang gagamit siya ng white out para burahin ang ngisi sa muhka nito. "Wala ka na ba alam kung hindi ang ngumisi?" Asik niya dito. Nakasunod pa rin ito hanggang sa umabot sila sa elevator. Tumigil si Julie dahil naalala niya na masama para sa kalusugan niya ang makasama ang lalaking ito sa lugar kung saan maliliit ang espasyo. Pareho na sana silang nakasakay nang pindutin muli ni Julie ang open button. "Saan ka pupunta?" Pagpigil pa sa kanya ni Elmo. Sinimangutan niya lang ito. "Bababa. May stairs naman eh." Lumabas na siya nang magulat nang makita si Elmo na lumabas din. "Saan ka pupunta?" At muli nagpakita ang ngisi ni Elmo. "Bababa. May stairs naman eh." Naramdaman niya ang matinding pagkulo ng dugo sa utak niya. This was all going too fast! Kakakita pa lang niya dito matapos ang ilang taon tapos puro kainisan lang ang nararamdaman niya dito. Pwes, kung gusto nito sumama sa kanya kumain, hindi na niya ito pipigilan. Maybe this was the right time for them to talk. Nauna na siya sa stairs na nasa kabilang side lang naman ng elevators. Pagpasok pa lang sa food court ng building ay napatingin na ang ibang tao sa kanila. Normal lang naman na mapatingin ka sa bagong pasok. Ang hindi normal ay yung susundan mo ng tingin hanggang sa makaupo and beyond pa. Kaya gusto ni Julie pagsasapukin ang iba nilang katrabaho na akala mo nanunuod ng teleserye habang nakatingin sa kanilang dalawa ni Elmo. Naupo na sila sa isang lamesa na pangdalawahan lang. Sadyang oinili ni Julie ang pinakamalayo na lamesa sa iba dahil pakiramdam niya natutunaw siya sa tingin ng mga tao. Ano ba problema ng mga ito? Ngayon lang ba sila nakakita ng babae at lalaki na kakain? "Anong gusto mo? Ako na bibili." Sabi pa ni Elmo. Tiningnan ni Julie ito at naghihintay lang naman ang lalaki ng sagot niya. "Hotdog na lang, yung maraming mustard. Saka yung adobong sitaw nila with rice please." Aba kung magaalay ito na bilhan siya edi lubusin na niya diba? Babayaran naman niya eh. Malaki ang ngiti ni Elmo na tumango at nagsimula na maglakad papunta sa mga stall. Tinadtad ng text ni Julie si Maqui pero hindi pa rin ito sumasagot sa kanya. Out of coverage area naman kapag tinatawagan niya. Aba Frencheska Farr nananadya ka ba? Hinubad niya ang suot na blazer dahil kahit malamig sa opisina ay sumisingaw pa rin ang init sa labas. Tuloy pa rin siya sa pagsubok magtext kay Maqui nang bumalik na si Elmo mula sa pagbili. Palapit pa lang ang lalaki ay nakita na ni Julie na nakasimangot ito. Problema naman nito? "What's s wrong?" She asked. Linapag muna ni Elmo ang mga pinamili na pagkain sa lamesa at umupo bago tingnan si Julie. Nakasimangot pa rin ang lalaki kaya lalo naman nag-init ang ulo ni Julie. "What's eating you Elmo?" "Bakit ganyan suot mo?" Balik tanong ni Elmo. Napatingin si Julie sa sarili. Anong problema? Disente naman ang suot niya. Sa ilalim kasi ng blazer niya ay may suot siyang sweetheart neck na blouse. "Isn't that blouse a size too small for you?" Umarko ang kilay ni Julie. "Are you saying I'm fat?" Elmo exasperatedly sighed. "No, but that blouse of yours is too fit! What if guys stare at your breasts?!" "Walang nakatingin Elmo kumalma ka nga lang." Sabi ni Julie. Hindi niya alam kung matatawa ba siya o maiinis sa reaksyon ng lalaki. "Teka nga teka nga!" At saka niya hinarap muli ito. "It's your first day here. So why is it that I'm surprised to see you but you don't seem too surprised to see me?" Elmo looked at her intently before answering. "Sinabi na sa akin ni Tita Lulu bago pa niya ako kunin na editor dito." Pagpaliwanag ng lalaki habang sumusubo sa kanin at ulam. "I researched about the magazine and saw your name as one of the editors. Pati si Maqui. Nang stalk pa ako ng profiles niyo sa f*******: so sure nga ako na kayo talaga yung mga batang kalaro ko dati. At least pagdating ko dito may kilala na kaagad ako diba." Nasatisfy naman si Julie sa answer. Magtatanong pa sana siya kay Elmo nang biglang dumating si Maqui. "Bes sorry!" Bungad ni Maqui at umupo sa tabi ni Julie bago ito yakapin. "Tumawag kasi si Greg. Eh siyempre napatelebabad na kaming dalawa." "Diyan ka naman magaling eh. Iiwanan mo ako." Kunwari ay himutok pa ni Julie. "E sorry na talaga. Kasi naman--" Natigil ang pagsasalita ni Maqui nang makita niya nakaupo pala doon si Elmo. Pabalik balik na tiningnan niya si Julie saka ang lalaki bago dahan dahan sumilay ang isang nangungutya na ngiti sa kanyang mga labi. "Teka teka. Ano 'to date?" "Gaga hindi." Mabilis na sagot ni Julie. "Anong hindi!" Singit pa ni Maqui. "E ano yung narinig ko na nagjugjugan daw kayo doon sa file closet?" Kung pwede lang magtatago sa ilalim ng lamesa si Julie. O pwede din naman kainin siya ng lupa. Napasulyap siya kay Elmo na napapangiti lang habang hinihimas ang labi. Retarded ba 'to? Ngisi ng ngisi! "Elmo! Ano ba!" Inis na sabi ni Julie. "What?" Sabi ni Elmo bago harapin si Maqui. "Maq, we didn't do that, but your best friend's lips do taste heavenly--ouch!" Malakas na hinampas ni Julie ang braso ng lalaki kahit na nasaktan din ang kamay niya dahil sa katigasan nito. Si Maqui naman ay parang kiti kiti na napapadyak ng paa. "Oh my god oh my god oh my god! Totoo?! Malandeutch ka Julie Anne malamdeutch!" "Shut up Frencheska!" Sabi pa ni Julie bago harapin si Elmo. "Ikaw. Ewan ko kung ano problema mo at bigla ka na lang nanghahalik. You're doing this to mess with my head. Well I'm telling you, it won't work!" At saka siya tumayo para iwanan si Elmo at si Maqui doon. Mabilis niyang binilinan si Bianca na ang pwede lang gumulo sa kanya simula ala una hanggang alas singko ay si Madam Lulu. Matapos ay pumasok na siya sa loob ng kanyang opisina para magtrabaho. Mabuti na lang talaga at wala na nanggulo pa sa kanya hanggang sa uwian na. Hindi pa rin niya nakakausap ulit si Maqui. Baka nakahalat din ito na wala siya sa mood. Kakausapin na lang niya ulit ito bukas kapag okay na siya. Sumakay siya sa kanyang kotse at napansin na nandoon pa rin ang Jaguar sa tabi niya. Kung mas masama lang talaga ang ugali niya sinusian niya ito e. Malay niya kung sino may-ari nito pero bad trip pa rin talaga siya. Dumeretso siya sa isang malapit na sementeryo. Yes, it was her parents' death anniversary. Bumili siya ng isang boquet ng bulaklak sa isang shop malapit lang din sa mismong sementeryo at pumunta kung saan naroroom ang lapida ng kanyang mga magulang. Medyo malabo na ang mga pangalan ng kanyang magulang. Kapag may dumaan na tagalinis ay ih-hire niya kaagad ito. Nagalay siya ng munting dasal para sa mga ito at tinitigan muli ang mga lapida. "Ma, Pa, miss ko na kayo." She sniffed and wiped a stray tear. "Alam niyo po ba, bumalik si Elmo, yung batang mahiyain noon? Pero hindi na siya mahiyain ngayon. Papa, multuhin niyo nga po, para matauhan." She stayed quiet for a while before talking again. "Gusto ko talaga maging editor-in-chief someday kaso kalaban ko nanaman si Elmo. Magt-trabaho na lang po ako ng maigi para kahit papaano ay nagawa ko naman po ang best ko. Sana po gabayan niyo ako. Alam ko naman hindi niyo ako iniwan ever eh. Kaya nga po ako nakagraduate. Pakiramdam ko lagi po kayo nasa tabi ko." Yumuko siya at parehong hinalikan ang lapida ng mga magulang, walang pake na medyo maalikabok iyon. Napalingon siya nang marinig ang tunog ng naapakan na damo at nagulat sa nakita niyang nakatayo sa may likuran niya. "Elmo?" The guy gave her a small smile. Umupo ito sa tabi niya sa damo. Nakatingin pa rin si Julie sa lalaki na nakatingin naman sa dalawang puntod sa harap nila. "What are you doing here?" She asked, their position not changing. Tumingin sa kanya si Elmo. "Sinundan kita." "At bakit?" "I wanted to apologize." Walang hinto hinto na sabi ni Elmo. Magkatinginan na silang dalawa ngayon. "I know what I did was wrong." Tuloy ni Elmo. "I just couldn't help myself. And I'm sorry for your loss." Maalam na tiningnan ni Julie ang lalaki sa harap niya. It wasn't enough of an answer but she'll take it. Sa totoo lang wala naman talaga siya magagawa dahil nangyari na. And she was sure na pangiinis lang talaga ang ginawa nito kaya ganoon na lang kung makahalik. Saka ayaw muna niya pagusapan ang kanyang mga magulang sa ngayon. Baka iyakan lang niya ang lalaki. "Ganoon siguro kinalakihan mo sa states no?" Sabi ni Julie na medyo nangiinis. "Liberated kasi kayo lahat doon. Nakailang girlfriend ka na?" Mahinang natawa si Elmo. He could sense na medyo okay na ang babae sa kanya. "Wala pa akong nagiging girlfriend." "Weh?" Mabilis na sabi ni Julie dahilan para matawa si Elmo. "Oo nga." Sagot pa ni Elmo. "Hindi uso girlfriend sa akin. Puro fling." "Hindi ka siguro capable of falling in love." Natatawa na sabi ni Julie. Mahinang ngumiti lang sa kanya si Elmo bago siya nagtanong muli. "Bakit ka bumalik ng Pilipinas Elmo? Hindi ba mas maraming oppurtunity doon sa New York?" Nagkibit balikat ang lalaki. "Mas masaya pa rin dito sa Pilipinas. Kahit pa maganda sa Amerika. Iba pa rin ang hangin dito." "Oo puro polusyon." Natatawang sagot ni Julie bago napatingin sa kanyang mga kamay. "Siguro ako mas pipiliin ko doon. Mas matutupad ang mga pangarap ko." Nag-angat siya ng muhka at nagtama ang kanilang tingin. Pinaalala ni Julie sa sarili na ito ang batang lalaking crush niya noon. Pero hindi na ito bata. He's all man. Funny na ganito ulit sila magkikita. Si Lord nga naman o. Pinaalala din niya sa sarili na kalaban niya ito. If she wanted to get that spot, she won't be backing down. She won't surrender and she will fight. "It's good to see you again, Kalabs." Biglang sabi ni Julie kaya naman natameme si Elmo. Tumayo na ang babae at nagpagpag ng skirt. "Remember, I won't back down." Nagsimula na siya maglakad pabalik sa sariling kotse nang mapansin niya ang katabing kotse nang sa kanya. Napasulyap siya kay Elmo na naglalakd sa likod niya. Nakatungo ang lalaki kaya nagulat ito namg makita na ganoon na lang ang simangot ni Julie sa kanya. "O bakit? Akala ko ba bati na tayo?" "Ikaw pala yung hudas barabas na hindi man lang makahintay magmaneubra ako kanina!" Sigaw ni Julie. Halatang nalilito pa rin si Elmo. "Huh?" At saka naman napagtanto pa ni Julie. "Teka teka..." Nanahimik siya saglit at tiningnan muli si Elmo. "Saan ka nakatira ngayon?" "Doon sa dati naming bahay." =•=•=•=•=•=•=•=•=•=•= Pabagsak na humiga si Julie sa kanyang kama nang makauwi siya. Magkasunod lang din sila ni Elmo dahil ito nga talaga ang may-ari ng Jaguar na kotse at ito ang bagong lipat nilang kapit-bahay. Pinaglalaruan talaga sila ng tadhana. Papalikit pa lang siya nang tumunog ang telepono noya at nakita niya kaagad na nakabungad ang wacky na picture ni Maqui. "Hello?" "Bes galit ka pa rin sa akin?" Bungad ni Maqui. Mahinang natawa si Julie. "Hindi Maq. Di naman ako galit sayo. Nainis lang talaga ako sa sitwasyon." "So totoong nakipaglaplapan ka kay Elmo?" Napaface palm si Julie. "Pwede ba Maq, biglaan kasi. Siya yung sumugod." "Oo nga e lumaban ka din no?" Tanong pa ni Maqui. Alam ni Julie mahihirapan siya sa pagexplain kaya sinimulan niya sa simula mula sa pagiging kalaban niya at ni Elmo sa spot as editor-in-chief. "So sa tingin mo ginawa yun ni Elmo para mawala focus mo?" Sabi ni Maqui matapos siyang magkwento. "Oo." Maikling sagot niya. Hindi niya sinasabi sa kaibigan pero ayun lang naman talaga ang naiisip niya na dahilan. Hindi sumasagi sa isip niya na totoong attracted sa kanya si Elmo. "Hindi naman niya siguro ginawa yon dahil nahuhumaling siya sa kagandahang taglay ko diba." Pabirong sabi ni Julie. "Bakit naman hindi!" Asik ni Maqui sa kabila. "E maganda ka naman talaga!" Natawa ulit si Julie. "Ano ka ba Maq, naalala mo yung nagusap sila dati ni JR sa playground? Diba nga daw mas lalaki pa ako sa kanya." "Gaga ka talaga Julie Anne. Malamang nung mga bata pa tayo noon. At kahit naman dati e. Putapete pakipot yang si Magalona. Dutdutin ko mata niya eh." "Hindi nga kasi." Natatawa ulit na sabi ni Julie. "Bakit, hindi ja ba kinilig nung nag-kiss kayo?" Natigilan si Julie sa tanong ng kaibigan. Dahil ang totoo. Kinilig siya oo. Bakit, sino bang hindi kikiligin kung ganoon ang first kiss mo? Yung tipong hindi siya makahinga pero parang binabalik ng kahalik mo lahat ng hangin dahil walang espasyo talaga mga labi niyo. But the rational side of her brain was speaking again. "Hindi. Hindi ako kinilig." "Chuserang froglet ka talaga Julie Anne." Sabi ni Maqui na parang may alam na iba. "E bakit hindi gulat si Elmo na malaman na magkatrabaho kayo? Yung totoo naexcite lang yan. Kasi kahit bata pa tayo may HD na yan sayo. Kala mo di ko pansin kung paano ka tingnan niya kahit nung tweens pa lang tayo! Tapos magkakatuluyan kayo at magkakaroon ng little Julies and little Elmos na aalagaan namin ni Greg kapag nasa second, third, fourth or fifth niyo pa na honeymoon." Napapailing na lang talaga si Julie sa kaibigan. "Magsulat ka nga ng libro Maq, ang galing mo eh." Natatawa na lang niyang sabi. "Bahala ka. Basta ako unang magsasabi ng 'I told you so.' O sige na si Greggy naman ang tatawag ko. Babush! Mwah!" At binaba na nga ni Maqui ang tawag. Nagpalit na ng sando at shorts si Julie matapos makapaghilamos. Saka siya tumapak palabas sa balcony sa kanyang kwarto. Ineenjoy pa niya ang simoy ng hangin at nagstretch ng matigilan siya. Sa kabilang balcony, sa kabilang bahay, na isang metro lang ang layo, ay may nakaupong Elmo Magalona na walang pantaas. "Hi Kalabs." Ngiti ni Elmo. "Ang puti ng kililili mo no?" Mabilis na binaba ni Julie ang mga braso at nakasimangot na tiningnan ang lalaki. May hawak itong gitara habang nakaupo sa isang lounge chair na nandoon. Hindi nito sinagot ang sinabi ni Julie bagkus ay tumayo at inabot ang hawak na gitara. "Anong gagawin ko diyan?" Tanon ni Julie na hindi pa rin kinukuha ang gitara. "Kakainin...kunin mo bilis!" Mabuti na lang mabilis ang reaksyon ni Julie dahil nasalo niya ang binatong gitara ng lalaki. Hawak pa rin niya ito at tiningnan si Elmo na biglang sumenyas sa kanya. "Tabi ka..." "Ha?" "Tabi sabi!" Muntik na matumba sa kinatatayuan si Julie nang sa isang lundag ay nakatawid si Elmo sa kanyang balkonahe. "Are you crazy?!" Sigaw pa ni Julie pero mabilis na tinakpan ni Elmk ang bibig niya. "Quiet Kalabas at maririnig tayo ng lola mo." Si Julie na ang unang humiwalay. "E kasi, sino ka si superman?! Nakakalipad?!" "Ssshhh." At umupo si Elmo sa bean bag na nandoon habang hawak ang gitara. Tumingin tingin pa siya sa paligid. "Mabuti hindi ka nalolooban Kalabs, ang accesable kasi nung bahay ko sayo." "Wala namang outsider na makakapasok e." Sagot pa ni Julie at tumabi kay Elmo sa bean bag. Malaki naman iyon pero sa iisang bean bag pa rin sila nakahiga. "I missed it here." Sabi ni Elmo at nagsimula magpluck sa gitara. "Kamusta na nga pala ate mo?" Tanong naman ni Julie. Close din kasi siya kay Maxene nung bata pa sila. Para na rin niya naging ate ito noon. "She's doing well. She works in Mom's company." Bahagyang natigilan si Julie. Hiwalay kasi ang parents ni Elmo at napunta ang lalaki sa ama nito. "Si tita kamusta?" "Okay din." Parang may iba sa sinabi ni Elmo kaya nanahimik na lang si Julie. "Play something." She said after a few moments of silence. Ngumiti sa kanya si Elmo at nagsimula. I won't talk I won't breathe I won't move till you finally see That you belong with me You might think I don't look But deep inside In the corner of my mind I'm attached to you I'm weak It's true Cause I'm afraid to know the answer Do you want me too? Cause my heart keeps falling faster I've waited all my life To cross this line To the only thing that's true So I will not hide It's time to try Anything to be with you All my life I've waited This is true You don't know what you do Everytime you walk into the room I'm afraid to move I'm weak It's true I'm just scared to know the ending Do you see me too? Do you even know you met me? I've waited all my life to cross this line To the only thing that's true So I will not hide It's time to try anything to be with you All my life I've waited This is true I know when I go ill be on my way to you The way that's true I've waited all my life to cross this line To the only thing that's true So I will not hide It's time to try anything to be with you All my life I've waited This is true He ended the song with a smile. Maganda din pala ang boses nito. Minsan lang naman kasi marinig ni Julie ito kumanta nung bata pa sila eh. "Ayos ba Kalabs?" Natatawang sabi ni Elmo. Siguro ay nakita nito na nakatitig siya dito. May pahabol pa. "Kanina ka pa nakatingin sa akin ng ganyan. Baka maglaway ka." Julie sneered. "Kapal ng muhka mo." "Kunwari ka pa Kalabs. Pwede mo naman hawakan eh." "Ay!" Napasinghap si Julie nang ibaba ni Elmo ang gitara at ilapit ang katawan siya sa katawan nito. Ramdam na ramdam tuloy niya kung gaano kakisig ang mga masel ng lalaki. Nakangisi ito sa kanya at siya na ang lumayo. Peste talaga. Palibhasa maganda nga kasi ang katawan. "I'm just messing with you Kalabs." Natatawa na sabi ni Elmo. Umiling si Julie. Kahit kailan talaga ay panay pagloloko ito. "Sana ikaw na lang ulit yung mahiyain na bata. Nakakainis ka ngayon eh. Ang kulit mo." Tumawa ulit si Elmo. "Sayo lang naman ako makulit ng ganito. I'm comfortable with you Kalabs." Bahagyang lumambot angekspresyon sa muhka ng lalaki habang nakangiti ito sa kanya. Kahit ayaw niya ay aminado si Julie sa sarili na bumabalik ang crush niya dito. Pero hanggang doon na lang iyon. Sabi nga nila, there's a fine line between friends and lovers. In their case enemies kasi handa talaga siya makipagsapalaran dito. At ang ginagawa nitong paglandi sa kanya? Hindi gagana. Hindi niya hahayaan ang sarili mahulog dito. He was still her competitor. They may be friends but she knew they were both go getters and playing dirty wasn't an exception.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD