Chapter 4

4838 Words
AN: Happy happy Birthday Elmo! Kung ipapakita niya kay Madam Lulu na seryoso siya sa pagkuha ng posisyon ng editor-in-chief ay dapat maaga lagi ang kanyang pasok. Alas singko pa lang ay nakaligo na siya. 5:20 ay palabas na siya ng bahay. Tulog pa rin si Kikay at ang kanyang lola at medyo madilim pa rin talaga sa labas. Siya na ang nagbukas ng gate napatigil siya sa may garahe at napasulyap sa bahay ni Elmo. Sarado pa lahat ng ilaw. Malamang tulog pa ito. Napangisi si Julie sa sarili. Alam niyang hirap magising sa umaga si Elmo. Sa totoo lang, pareho silang hirap gumising sa umaga pero ngayon tatalunin niya ito. Dahil siya pa lang ata at yung tandang ni Mang Resty sa kanto ang gising, hindi siya nahirapan papunta sa trabaho. Sobrang luwag ng daan. Kung kaskaserong tunay lang siya ay kanina pa niya tinodo ang pagtapak sa gas pedal pero mahal pa naman niya ang buhay niya kaya easy easy lang muna. Lalo na at sa isang car accident natapos ang buhay ng mga magulang niya. Nakaabot siya sa office building nila nang pausbong pa lang ang araw. Kahit ang security guard ay nagulat nang makita siya. "Good morning po mam." Bati ng guard kahit medyo natutulala. "Good morning po kuya." Balik bati ni Julie. Malaki laki ang ngiti niya ngayon dahil pakiramdam niya ay tagumpay siya. Habang si Elmo ay humihilik pa sa bahay, siya ay nandito na sa opisina. Dumerederetso siya papunta sa kanyang office room. Siya pa lang talaga ang tao na nandoon. Ngiting tagumpay ang nakakabit sa kanyang muhka habang siya ay naglalakad papunta sa pantry para ipagtimpla ang sarili ng kape. Alam niyang masama pero kaya niyang hindi magbreakfast basta lamang wag mawawala ang kape sa sistema niya. Naka-bend siyang kumukuha ng mainit na tubig nang may biglang sumipol sa tabi niya. Witwew! "s**t--argh!" "Kalabs! Are you alright?!" Iniinda pa sana ni Julie ang pagkapaso pero mas nagulat siya dahil nakikita niya na nandoon sa harap niya si Elmo. "What're you doing here?" Tanong niya. Pero hindi siya pinansin ng lalaki. "Napaso ka Kalabs! Halika dito!" At bago pa siya makaimik ay dahan dahan siya nitong nahila papunta sa may banyo na nasa tabi lang din naman ng pantry. Kaagad nitong binuksan ang gripo at tinapat doon ang kanyang kamay. Nakaramdam siya ng bahagyang ginhawa ng madaanan ng malamig na tubig ang paso niya. Nag-angat siya ng tingin at nakitang nakasimangot si Elmo. "Tsk, baka maging lapnos 'to. Ang ganda pa naman ng balat." Bahagyang natawa si Julie. Hindi ata alam ng lalaki na narinig niya ang bulong nito. Mahina niya itong kinurot sa braso. "A-aray aray! Bakit ka nangungurot?!" Gulantang na sabi ni Elmo. "Hindi sana ako mapapaso kung hindi ka sisipol sipol! Akala ko ako pa lang tao dito! At bakit ka sumisipol!?" Sunod sunod na tanong ni Julie. Hawak pa rin ni Elmo ang kamay niya na nakababad sa ilalim ng tubig nang ngumisi ito sa kanya. Ayan nanaman! Ngisi ng ngisi! Nakakinis na! "Ano ba!" Sabay kurot nanaman niya dito. Pero imbis na masaktan ay iniwas lang ni Elmo Ang braso at hinawakan ang isa pang kamay niya. Nagtitigan silang dalawa at naramdaman nanaman niya ang pagkahinto ng kanyang hininga. Wag ka paapekto Julie. Siya ang unang lumayo. Hinawakan niya ang kamay na sa tantya niya ay hindi naman malalapnos. Medyo namumula mula lang siya. "Ang aga mo, ibig sabihin naunahan mo pa ako dito." Sambit ni Julie habang bumubunot ng panyo sa kanyang bulsa at ipinatong iyon sa kamay. "Kanina pa ako nandito eh." Nagsalita si Elmo sa likod niya. Naramdaman niya ang init ng katawan nito kaya naman kaagad siya naglakad palayo peor hinarap niya muna muli ito. "Tandaan mo Elmo, sa akin ang spot na iyon." Matapos ay mabilis na siyang pumasok sa loob ng opisina. Di bale na hinid siya makapagkape. Mamaya na lang. Wag lang muna niya makita si Elmo. Naiimbyerna na siya eh. Naunahan pa pala siya nito! Buong akala niya nakahilata pa ito sa kama! Sinimulan na niya magtrabaho. May mga memo pa siya pero mamaya na lang niya babasahin at kailangan matapos na niya ang iba pa niyang pending. Habang tumutuloy ang araw ay naririnig na niyang nagsisipasok ang iba pa niyang katrabaho. At dahil doon ay medyo umiingay na rin sa labas. Maya-maya lang ay nararamdaman na niya ang epekto ng hindi niya pag-inom ng kape. Nawawalan na siya ng rush. Tumayo siya sa kanyang upuan at lumabas. Kaagad na napatayo si Bianca pero mabilis niya itong sinenyasan na siya na ang bahala. Ito ang gusto niya sa kanyang assistant. Masipag talaga ito pero ayaw naman niya iasa pati pagkuha ng kape dito. Papalapit na sana siya sa pantyry nang marinig niya ang chikadoras ng buong opisina. Nangunguna na doon si CJ. "Grabe, ang landi lang ni Julie Anne no, tsk, palibhasa kalaban naming dalawa si Elmo sa pagka editor-in-chief kaya ayun at minolestya niya sa loob nung file closet." Nagkulo ang dugo ni Julie at balak niya sana sumabat na pero parang mas gusto pa niya marinig kung ano ang sasabihin ng mga ito. "E nagpalandi din naman si Elmo, landiin mo din kaya Ceej para talo sila pareho at sayo na ang spot ng editor-in-chief." "Pwede din naman." Rinig ni Julie na sabi ni CJ. "Mas maganda naman ako kay Julie, kung siya naakit niya si Elmo ng isang araw pa lang malamang mas maakit ko yun. Muhka pa namang magaling sa kama yung lalaki na iyon." Hindi alam ni Julie kung kumukulo ang dugo niya dahil sa pinagsasabi ni CJ tungkol sa kanya o yung pinagsasabi nito tungkol kay Elmo. Kinalma niya ang sarili dahil ayaw niya patulan ang mga ito. Wala naman alam ang mga ito sa mga pangyayari and for God's sake wala silang ginawa ni Elmo sa loob ng closet na iyon! Medyo sinugatan lang nito ang labi niya pero wala na sila iba pa na ginawa! "Uhm, mam Julie?" Napakurap si Julie nang marinig ang tawag sa kanya at nakita si Bianca na nakatayo doon sa kanyang harap. "Mam, hanap po kayo ni Madam Lulu..." Sa wakas ay nahimasmasan na siya sa mga pangyayari at bahagyang tumango. "Sige sige, salamat Bianca." Hindi matuloy tuloy itong paginom niya ng kape! Iniwanan na niya ang mga tsismosa na wala pa ding ideya na narinig niya ang mga pinaguusapan nito bago dumeretso papunta sa opisina si Madam Lulu. Kumatok muna siya sa pintuan bago binuksan na ang pinto. Hindi na rin siya nagulat nang makita na nakaupo din doon si Elmo. "Ah Julie please sit." Sabi ni Madam Lulu. Umupo kaagad si Julie sa tabi ng lalaki na nakangiti lang sa kanya. Inikot lang niya ang kanyang mga mata dito at hinarap na si madam Lulu. "What happened to your hand?" Tanong ng matandang babae. Napatingin si Julie sa kamay at nakitang medyo namumula pa rin kasi ito. "Uhm, napaso lang po kanina Madam." "you should put some ointment on that then my dear. Those hands type up the lovely articles your head make." Sabi ni Madam Lulu. Tumango lang si Julie at nagsimula na ulit magsalita si Madam. "I've thought of an immediate project for you two and you'll be starting later." Natigilan silang dalawa sa sinabi ni Madam Lulu pero hinayaan na magsalita lang ang babae. "Do you know Matthew Jimenez?" Elmo looked clueless pero si Julie ay kaagad na nagsalita. "The celebrity chef who owns Kicking Chicks po?" "Yes Julie Anne." Ngiti ni Madam. "Anyways. We're doing a cover story of him and I want you two to handle the write-up." =o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o= "Kotse ko gagamitin natin." "Hindi. Kotse ko." "Yung sa akin." "Ako lalaki. Ako magd-drive. Kotse ko gagamitin." Hindi na ata matatapos ang away ni Julie at Elmo. Kanina pa sila nakatayo sa may parking lot. Hapon na pero hindi pa sila makakauwi dahil may scheduled dinner silang dalawa kasama si Matthew Jimenez. Sa mismong restaurant ng iinterviewhin nila sa Makati ang mett-up pero muhkang mal-late pa silang dalawa dahil hindi magkasang-ayon ang dalawa sa simpleng kaninong kotse ang gagamitin. "Mal-late na tayo! Nakakainis ka talaga!" Julie yelled pero dumretso na papunta sa kotse ni Elmo. Ngiting tagumpay naman na binuksan ng lalaki ang pinto para sa kanya. "Pasok na Kalabs, always right behind you." Umikot ang mga mata ni Julie na pumasok sa loob ng passenger seat. "Maginoong medyo bastos ka din eh no." Sambit niya. Nalaman din niya ang dahilan nagpagsipol ni Elmo nung umaga dahil ito na rin ang nagshare sa kanya na napatingin daw kasi ito sa puwitan niya. "Sayo lang Kalabs." Kindat pa ni Elmo. Nagsimula na ito magdrive at dahil ayaw ni Julie makipagusap muna dito ay binuksan niya ang radyo. I've waited all my life To cross this line To the only thing that's true So I will not hide It's time to try Anything to be with you All my life I've waited This is true "Ang galing Kalabs ah." Sambit ni Elmo na napapasulyap kay Julie. "Siguro theme song natin yan." "Wala tayo magiging theme song wag ka magfeeling." Irap pa ni Julie. Narinig lang niyang tumawa si Elmo at hinid na ito nagsalita muli. Medyo traffic dahil rush hour na nga at papunta pa sila sa pinakagitna ng lahat. Bahagyang napapapikit na si Julie hanggang sa hindi niya napigilan at kinuha na siya ng tulog. Hindi pa niya nararamdaman ang buong pahinga na gusto sana ng katawan niya nang may maramdaman siyang humahaplos sa muhka niya. Dahan dahan niyang binuksan ang mga mata. She was a little weary pero sigurado siyang nakita niyang nakatitig sa kanya si Elmo ang kaso lang ay mabilis itong lumayo at tumikhim nang mapagtanto na tuluyan na siyang nagising. "Uhm, gising na...we're here." Sabi ni Elmo at lumabas ng kotse. Lumabas na nga si Julie at inalalayan nanaman siya ni Elmo bago sabay silang naglakad papunta sa loob ng restaurant. Kaagad silang tinanong ng manager kung may reservation at ipinaalam nila kaagad na sila ang taga-Pages na magiinterview kay Matthew. Muhkang sa VIP room sila dinala ng manager at iniwan na silang dalawa matapos ipaalam na susunod si Matthew. "Sino ba si Matthew Jimenez?" Tanong ni Elmo kay Julie nang magkatabi silang dalawa na umupo. "Celebrity Chef siya dito sa Pinas. May cooking show siya sa TV kapag gabi." "Parag si Chef Boy?" Julie smirked. "Mas bata naman siya kay Chef Boy, siguro dalawang taon lang ang tanda niya sa atin." Sagot ni Julie may dumating na waiter na nagbigay ng mga menu. "Haay salamat, may coffee naman sila siguro dito ano?" Wala sa sarili na sabi ni Julie habang tinitingnan yung menu. Naaliw na nakasulyap si Elmo sa katabi. Ito'y napansin ni Julie kaya napatingin din siya dito. "What?" "Hindi ka ba nabububhay ng walang kape?" nandoon pa rin ang naaaliw na ngisi sa muhka ni Elmo. Nagkibit balikat si Julie at tiningnan muli ang menu bago magsalita. "E sa masarap eh. Saka iba epekto niya sa akin." "Paano na lang kapag buntis ka?" Sabi ni Elmo dahilan para mapatingin sa kanya si Julie. "Bawal ang coffee sa buntis." "Matagal na panahon pa bago ako mabuntis. O pwede rin hindi."Julie said non-chalantly. Kuha kaagad ang atensyon ni Elmo. "You don't want to have kids?" Tiningnang maigi ni Julie ang kausap. Baka kasi kung saan mapunta itong usapan na ito. "Bakit ba curious ka?" "Wala lang. Lahat ng babae na kilala ko gusto magka-anak eh." Sagot pa ni Elmo. Kinuha ng lalaki ang isa pang menu na binigay at tumingin tingin din. "I'm not like other women." Sagot ni Julie. Ewan ba niya bakit pinapatos pa niya ang pinagsasabi ni Elmo pero derederetso lang siya sa pagsasalita. "I mean, someday I might have kids pero hindi ko pa iniisip sa ngayon." Bigla na lang lumapit sa kanya si Elmo. Sobrang lapit na halos magtama ang ilong nilang dalawa. Natameme siya dahil nasilayan niyang mabuti ang gwapong muhka ng kababata. "Sayang lahi mo Kalabs..." Bulong ng lalaki. Napsulyap sulyap si Julie sa labi ng binata pabalik sa mga mata nito at nawawalan nanaman siya ng hininga. "Good eve--oh!" Mabilis na lumayo si Julie at muntik na siya tumilapon mula sa kanyang upuan kung hindi hinawakn ni Elmo ang likuran nito. "Uhm, ah, good evening Mr. Jimenez." Tumayo si Julie mula sa kinauupuan at nakipagkamay sa lalaki. Lumaki ang ngiti ng chef nang makalapit si Julie. Matangkad ito kaya napatingala ang babae. "Hi, call me Matthew." They shook hands, smiling at each other nang may tumikhim mula sa likod. Nakatayo na rin si Elmo at naglalakad papunta sa kanila. "Good evening Mr. Jimenez, I'm Elmo Magalona and this is my partner Julie Anne San Jose." "Partner?" Nagtatakang tanong ni Matthew. Julie chuckled nervously. "Ah, yes, for this article Mr. Jimenez." "Oh!" Lumiwanag ang muhka ni Matthew habang si Elmo naman ay passive lang ang expression. "Have you ordered yet? We have the perfect mushroom roastbeef here." Sabi nito at kaagad na inalalayan si Julie paupo. Matapos ay tumawag na din ito ng waiter at siya na ang nagorder ng pagkain. Sumunod si Elmo at uupo sana sa tabi ni Julie pero nauna si Matthew. Wala tuloy itong choice kundi umupo sa kabilang side na lamang. "So taga Pages ko pala makikita ang pinakamagandang babae?" Sabi ni Matthew. Mahinang ngumiti si Julie habang si Elmo ay napakutya. "Uhm, paano mo alam?" Tanong ni Julie kay Matthew. "E hindi ka pa naman nakakapunta sa HQ namin." Lumawak lang lalo ang ngiti ni Matthew. "Katabi ko siya ngayon eh." "Uhm Mr. Jimenez if you don't mind I'd like to discuss what'll happen with the interview." Singit ni Elmo. Umayos naman ng upo si Julie habang si Matthew ay bahagyang sumimangot pero umayos din ang ekspresyon matapos ang isang segundo. "Of course of course, I was planning to tour you around my apartment sa BGC, is Wednesday next week good?" Sabi ni Matthew. "We'll prepare for it then." Sagot naman ni Elmo. Bago pa makasalita muli ang lalaki ay hinarap na muli ni Matthew si Julie. "So tell me Julie Anne, have you been working as an editor for long?" Napansin ni Julie na masyado malapit ang pagupo ni Matthew kaya siya na ang unti-unting lumalayo. She smiled politely at the man. "For about a year now Mr Jimenez--" "Call me Matthew..." "Oh, right, uhm, Matthew." Ngiti muli ni Julie. "But we're here to talk about you so--" "Oh we can talk about me when you come to my apartment next Wednesday. Let's have a normal conversation tonight. Gusto ko comfortable ako sa mga nangiinterview sa akin." Ngumiti ulit si Matthew. Malapit na rin mag alas diyez nang pumayag na si Matthew na makauwi sila. "I'm excited for next week. Have a safe ride." Sabi ng chef at kinuha ang kamay ni Julie para halikan. Ngumiti lang pabalik si Julie kahit na-awkwardan. Masyadong advance ang lalaki. Medyo napapangiwi siya. "Julie! Let's go!" Sabi ni Elmo na siyang nakasakay na sa loob ng kotse. Nagmamadali na pumasok na din si Julie sa loob. Halos hindi pa niya nasasara ang pinto ay pinaandar na ni Elmo ang sasakyan. "Elmo! Easy naman!" Sabi ni Julie habang sinusuot ang seat belt. Hindi sumagot ang lalaki at tuloy lang sa pagdrive. Nang napakalma na ni Julie ang puso ay hinarap niya ito. "Balik ka sa office kukunin ko yung kotse ko." "Hindi na..." Inis na napatingin si Julie dito. "Anong hindi na? Paano ako papasok bukas?" "Sasabay ka sa akin." 'At sino nagsabi na papayag ako? Hindi kita boss--" "Julie will you shut up!" Elmo yelled. Mas bumilis pa ang pagdrive niya at napakapit si Julie sa door handle. Bumibilis ang t***k ng puso ni Julie at nangingilo na siya. "Elmo--Elmo stop the car!" Namamnhid na siya. Nangingilo ang katawan niya at tumulo na ang kanyang mga luha. Kaagad itong napansin ni Elmo at mabilis na itinabi ang kotse sa gilid. Bumaba si Julie at nanginginig na napaupo sa kalsada. Napapsinghap siya sa bawat iyak niya nang maramdaman niyang tumabi sa kanya si Elmo at yinakap siya ng mahigpit. "Shhh, shhh. I'm sorry I'm sorry." Sabi ng lalaki. Napayakap siya pabalik para lang din tumigil ang pagnginig ng sistema niya. Naalala niya ang gabi nang pagkamatay ng kanyang mga magulang. Isang sugat din ang natamo niya. Both physically and emotionally. "I'm sorry Kalabs." Pagsusumamo ni Elmo at naramdman niyang hinahaplos nito ang kanyang buhok. Nagtagal sila doon. Kahit si Elmo pa ang dahilan kung bakit siya nagkaganon, nagpapaslamat din naman siya na kino-comfort siya nito ngayon. Minsan kailangan mo din kasi ng tao na nandyan para sayo. =o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o= Kinabukasan ng umaga ay tahimik lang na sumakay si Julie sa sasakyan ni Elmo. Wala sila pareho na imikan. Matapos kasi ang nangyari kagabi ay hindi na sila nakapagusap muli. Sabay din sila pumasok sa opisina at hindi nanaman naiwasan ang bulong bulungan. "Magkasamang pumasok mga ateng, nadiligan yan si Julie kagabi." "Muhka nga, parang pareho pa walang tulog o. Grabe, ano ba yan." Akmang susugod si Elmo sa mga babaeng nagchichismisan pero mabilis itong napigilan ni Julie. Hinawakan ng babae ang braso niya at pinapakalma siya. Inis na lumayo lang si Elmo at sabay muli silang dumeretso sa opisina nila. Papasok na si Julie sa office room niya nang marahan siyang tinulak ni Elmo papasok sa loob. "What the--" "Shh." Sabi ni Elmo. Linock nito ang pinto at kinabahan nanamn si Julie, Ganito din ang eksena nila sa may file closet dati. "E-Elmo..." "Can we talk about last night?" Pagputol ni Elmo sa sasabihin niya. "What happened?" Iwas sana si Julie sa ganitong usapan dahil ayaw nga niya binabalikan ang nagyari noon. Hinarap niya si Elmo at tiningala ang katangkaran nito. "Ikaw kasi...ang bilis bilis mo magdrive. Ano ba pinuputok ng butse mo kahapon?" Napaiwas ng tingin si Elmo. Gusto sana maniwala ni Julie na nagseselos ang lalaki pero masyado naman siya magaassume kung ganoon nga. Napailing siya at umupo na lang sa desk niya. "You can go now Elmo. Kausapin kita mamaya." Elmo's lips formed a straight line and he looked like he was going to say something but just left the room. Napahilot sa sentido si Julie. Naguguluhan na siya. Bigla na lang nagmensahe nanamn si Bianca sa kanya. "Ma'am Julie, si Ma'am Maqui po nandito." "Papasukin mo Bianca, salamat." Sabi niya. Wala pang isang segundo ay nakapasok nga si Maqui sa loob. "Beesss... ano tong mga naririnig ko?" Sumimangot si Julie habang umupo sa tabi niya si Maqui. "Ano nanaman Maq? Na I'm sleeping with Elmo? Well, it's not true. Alam mong virgin pa ako." "Ay ganoon." Windang na napatingin si Julie sa kaibigan. "Bakit parang nadismaya ka pa?" "Eh akala ko may something na eh. NBSB ka kayang babaita ka." Sabi ni Maqui. "Saka wala ka pang first kiss-ay wait, meron na pala! with matching dila MWAHAHAHHAHA!" Inis na kinurot ni Julie ang kaibigan pero umiwas lang si Maqui. "Wala ba balak manligaw yang Kalabs mo?" "Anong manligaw? Saka Kalabs ka ng Kalabs, kayo ata ang magKalabs eh." "Ay nagselos si ateh sorry na..." "Shut up Maq." At sa inis ni Julie ay naikwento niya ang nangyari nung gabing nakaraan. "Kita mo, nagselos si koyaa, gusto niya siya ang lumalandi sayo." "Isa pa Maq, sasampalin na talaga kita pabaliktad." Sabi pa ni Julie. "BWAHAHAHA." Humagalpak naman ng tawa si Maqui at lumapit pa kay Julie. "Te, kasi iba tumingin si Elmo sayo eh. Silent on-looker ako...joke lang, noisy on-looker pala. Pero ayun nga, kasi kapag nakikita ko kayo dito sa office, iba siya tumingin sayo." "Oo Maq kasi wala kami ginawa kundi mag-away." Julie pointed out. "Diyan nagsimula lolo at lola ko." Pangaasar ni Maqui. At kagaya ng kanina ay sinimangutan nanaman ni Julie ang kaibigan. "Ano ka, sabi mo inlove na inlove lolo mo sa lola mo eh." Tumayo si Maqui at kumindat sa kanya. "That's my point bes, goodbye!" Umalis na si Maqui sa opisina niya habang si Julie ay nakataas ang kilay na nakatingin pa rin sa pinto kung saan ito lumayas. Nasisiraan na ata ng bait ang kaibigan niya. Tiningnan niya ang mga kailangan niyang gawin para sa trabaho ng araw na iyon at kailangan nang ifoucs muna ay si Matthew. Naalala niya ang komento ni Maqui na nagselos daw si Elmo sa lalaki. Mahina siyang natawa sa sarili. Paano namang magseselos si Elmo e wala naman ito gusto sa kanya. Pero, hindi kaya totoo ang sinasabi ni Maqui? Na nagseselos ito? Tinuonan na niya ng pansin ang mga gagawin at nakita na kailangan nga pala niyang magtawag ng photographer na kasama nila para sa interview sa apartment ni Matthew. Tinawagan niya ang pinakapaborito niyang photographer na laging hired ng Pages at kaagd na sinabak ito sa trabaho sa susunod na linggo. Kakausapin nga pala niya si Elmo para sa set-up nila next week. Tumayo siya mula sa swivel chair at lumabas ng kwarto para pumunta sa kwarto ni Elmo. Wala sa kanyang desk ang assistant na si Miguel kaya kumatok na lang siya sa pinto ng lalaki at mabilis na pumasok. Laking gulat niya nang makita na nakasampa sa desk ng lalaki si CJ at nakikipaghalikan dito. "Ay, uhm, sorry..." "Julie! Wait!" Mabilis niyang sinara ang pinto pagkalabas at nagmamadaling naglakad papunta sa elevator. Saan naman siya pupunta parang nanigas lahat ng sistema niya at dumeredertso siya papunta sa rooftop ng building. Napasinghap siya nang makalabas at umupo sa isang bangko. Ang taas taas doon at ramdam na ramdam ang hangin. Humihinga pa rin siya ng malalim habang naaalala ang eksenang nakita kanina. Pagak siyang napatawa sa sarili. Mabuti na lang talaga at hindi siya nagpabiktima kay Elmo. Baka nagpakatanga siya at nagpaniwala na may gusto nga ito sa kanya. E halata namang player ito. "Good job Julie." Bulong niya sa sarili. She shook it out of her systems at kinalma muli an sarili bago nagdesisyon na bumaba muli. Hindi naman siya siguro hahabulin ni Elmo kaya hindi siya nagalala na hahanapin siya nito kaso ayaw niya muna makita ito dahil nahihiya siya sa nasilayang eksena kanina. Kaya naman dahan dahan lang siyang bumalik sa kanyang opisina at buong araw ay doon lang. Magandang dulot nang nakita niya kanina ay ginamit niya ang pagtrabaho na distraction at dahil doon ay natapos niya ang lahat. Sumulyap siya sa orasan at nakitang alas siyete na pala ng gabi. Kanina ay nagpaalam na sa kanya si Bianca kaya alam niyang late na talaga. Napahikab siya at hinilot ang sentido. Nagtext siya kay Kikay at ipinaalam na pauwi na din siya. Baka kasi nag-aalala na ang kanyang lola. Iniimis na niya ang mga gamit nang muntik nang tumalon ang puso niya palabas ng kanyang dibvdib dahil sa biglang pagbukas ng pinto. Ngayon naman bumilis ang t***k nito. Balimbing talaga itong puso niya. Nakatayo doon si Elmo. Patay na halos lahat ng ilaw sa labas kaya madilim. Pati sa loob ng opisina niya ay madilim dahil nga palabas na siya. Isang ilaw lang sa may hallway ang nakabukas. "E-Elmo, bakit nandito ka pa?" "What you saw kanina Kalabs..." Elmo rasped out. "Wala yon." Pagak na tumawa si Julie. "Ano ka ba, I perfectly understand that. Sorry lang kasi bigla bigla ako pumasok sa loob ng opisina mo." Nagsimula siya maglakad palabas pero hinila siya pabalik ni Elmo. Mahigpit ang paghawak nito sa braso niya. "Aray Elmo, masakit ano ba!" Protesta ni Julie. "Makinig ka sa akin." Ngitngit na sabi ni Elmo. Hinila ni Julie pabalik ang braso at hinintay na magsalita ang lalaki. "She kissed me. Pumasok siya sa office ko kasi may itatanong daw siya sa akin then she suddenly kissed me!" Julie rolled her eyes and fixed her bag around her shoulder. "Bakit ka ba nagpapaliwanag sa akin. If you want to kiss her, then kiss her, if you don't, then tell her, why tell me?" Nagsimula na siya maglakad palayo pero pinigilan siyang muli ni Elmo. Bakit ganun? She felt relieved? Hindi niya alam kung nagsisinungaling si Elmo o hindi pero the fact na nagpapaliwanag pa ito sa kanya ay gumagaan ang loob niya kahit papaano. "So wala ka talaga pakielam? So okay lang sayo na inimbita niya ako magdinner?" Kumukulo na dugo ni Julie. Hindi ka nagseselos Julie, hindi ka nagseselos. "Go! Why should I care! Be with her!" Nagulat na lang si Julie nang makita na nakangisi sa kanya si Elmo. "Nakangisi ka nanaman!" "Nagseselos ka ba Kalabs?" "Ako?! Nagseselos?!" Julie scoffed. "Wala nga ako pake eh! Bakit ba ang kulit mo!" "Birthday ko ngayon Julie." Natigilan si Julie at napabunot sa cellphone niya para tingnan ang date. Birthday nga ng lalaki! Isa sa specialty niya ay mga birthday. Kapag may naalala siyang birthday ay hindi na niya ito makalimutan. Tumingin siya kay Elmo na mahinang nakangiti sa kanya. "Kung hindi ka nagseselos, kung hindi ka galit, samahan mo ako mag-dinner. Wala akong kasama eh." Kumunot ang noo ni Julie sa sinasabi nito. "Bakit ako?" Hindi na siya pinaexplain pa nito at kinuha ang kamay niya bago sila deretsong lumabas ng building. "Elmo! Elmo ano ba! Magaaway nanaman ba tayo sa kotse nito?" Sabi ni Julie pero ngising aso lang si Elmo na hinila siya papasok sa sariling kotse. "Kidnapping 'to Elmo Magalona! Palabasin mo ako!" Sigaw ni Julie at pilit binubuksan ang pinto pero bigla na lang siyang hinila pababa ni Elmo. Lumapit ang muhka nito sa kanya. He always had that effect on her. Yung tipong bumibilis yung t***k ng puso niya pero bumabagal naman ang oras. Pwede ba yon? Narinig niya ang pag click ng seat belt at doon narealize na iyon lang pala ang ginawa ng lalaki. "Walang tatakas Kalabs." Sabi nito sa kanya. Binaybay na nila ang daan at napansin ni Julie na pamilyar ang sinasabing daan. Pauwi na sila. Baka nagiba na ang desisyon nito at gusto na umuwi. Kaya nanahimik na lang si Julie. Nang makadating sila sa tapat ng kanilang mga bahay ay gulat na lang niya nang hilain siya ni Elmo papasok sa bahay nito. "T-teka! Hila ka ng hila ano ako ngipin na matatanggal na!" Inis na sambit ni Julie. Tumawa si Elmo at dinala siya papunta sa kusina. "Magluluto ako diyan ka muna." Julie situated herself sa barstool ng bahay nila Elmo. The house looked the same. Nung bata pa siya ay madalas din naman siyang bumisita doon dahil nga nakikipaglaro siya kay Elmo. "Naalala ko nung naglalaro pa tayo dito..." Malakas niyang bulong. "Bakit nga pala mag-isa ka sa birthday mo?" tanong ni Julie habag naghahanda ng gamit ang lalaki. Naka longsleeces ito at nakasuot ng apron. Shet hot. Shh, Julie. Ano ba iniisip mo. Erase. Erase. Malungkot na ngiti ang binigay sa kanya ni Elmo. "Lahat sila nasa states eh. Pero binati naman nila ako kanina." Nagsimula ito magluto at napansin ni Julie na parang sanay na sanay ito sa kusina. Sabagay. Kung mag-isa itong nakatira ay panigurado marunong itong magluto. Ginala na lang niya ang tingin sa buong kusina at inaliw ang sarili sa kakaisip ng kung ano ano. Before she knew it ay tapos na ang linuto ni Elmo at inilapag nito ang isang pasta dish sa harap niya. "Pesto ala Elmo! eat up!" Sabi ng lalaki. Tumingin muna si Julie dito bago sumubo ng pasta. Parang sumayaw ang flavors sa bibig niya. Napangiti siya kay Elmo. "Ang sarap ah! Baka pwede ka na din magcelebrity chef kagaya ni Matthew." Nawala ang ngiti sa labi ni Elmo habang nakaupo ito sa tabi niya. "Wag mo banggitin pangalan non. Birthday na birthday ko eh." "O bakit?" Nagtataka na tanong ni Julie. "Problema mo doon?" "Ma-ere eh." Sabi ni Elmo pagkalunok ng pasta. "Maangas eh." "He was a perfect gentleman!" Inis na ngumisi si Elmo. "Patibong lang niya yon." "Bakit ganoon ka ba din? Maginoo kunwari?" Nangungutya na sabi ni Julie. "Siguro ganoon din ginagwa mo kay CJ." Lumapit si Elmo sa kanya. Sadyang malandi lang ba talaga ito o mahilig lang sa no-space? "Hindi ka ba talaga nagseselos Kalabs?" Umirap si Julie. "Bakit naman ako magseselos? Akala mo may gusto ako sayo? Please, wag kang magfeeling Kalabs--mmpff!" Paano pa niya matutuloy ang sasabihin kung pasok na pasok ang dila ni Elmo sa bunganga niya ngayon. Hinahabol na niya ang kanyang hininga at mabuti na lang ay nakaupo silang dalawa dahil nanghihina din siya. Napakapit siya sa buhok ng lalaki at wala sa sarili na sinagot at nakipaglaban sa bawat halik nito. Bakit ganoon? Parang kontrolado siya lagi nito sa isang halik lang. "J-Julie." Napaungol si Elmo at inilakbay ang labi papunta sa leeg niya. "Ah!" Siya naman ang napaungol nang maramdaman na pinisil nito ang kaliwa niyang dibdib. Nawawala nanaman siya sa sensasyon nang maalala ang nasilayan kanina sa opisina nito. Hindi. Hindi siya magpapadala dito. Naitulak niya ito palayo kaya naman gulat itong tumitig sa kanya. "Stop it Elmo. Stop playing." She said. Mabilis siyang tumayo at kinuha ang bag niya. Liningon niya ang lalaking habol hininga na nakatingin sa kanya. "Happy Birthday na lang..." And she was out of the house. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD