Chapter 5

4027 Words
Sa mga sumunod na araw ay iwas na iwas si Julie kay Elmo. Hindi rin naman kasi ito nageffort na lapitan siya kaya okay lang. Okay nga lang ba? Parang umasa kasi siya na magpapaliwanag ito sa mga galaw. Kita mo. Parang wala lang talaga. Nalibugan lang yun Julie Anne, swerte--este malas mo na ikaw yung babaeng malapit sa kanya ng mga panahon na iyon. She shook those thoughts off. Mabuti na lang talaga at weekend kaya walang pasok. Nakatambay lang siya sa loob ng kwarto niya. Dati gusto niya tumatambay sa may balcony niya pero ngayon nakasara ang pinto niya doon. Baka kasi si Elmo naman ang tumambay sa sarili nitong balcony at magkakitaan pa silang dalawa. Nakahiga lang siya sa kama at inuubos ang oras sa cellphone niya. Tutal wala panaman siyang kailangan gawin eh. "Ate?" May kumakatok sa pinto niya. "Yes?" Sagot niya nang hindi pa rin tumatayo mula sa kama. Oo na. Tamad na kung tamad pero ang sarap kasi humilata sa kama lalo na kung wala ka namang gagawin. "Ate kain daw tayo sa baba may nagbigay." Medyo nagugutom na din naman siya kaya tumayo na siya mula sa kama. Nag-ayos muna siya ng sarili. Kung may bisita man sila ay nakakahiya naman na wala siyang bra kaya nagsuot siya pero simpleng sando at shorts lang din. Mainit kasi ang panahon. Nagsuklay din siya ng buhok at itinali nang nakaponytail bago bumaba na. Naririnig niyang may kinukwentoang lola niya sa kung sino man ang bisita nila habang nasa may hagdanan pa lang siya. "Ah! Ikaw nga pala yung kababata ni Lieanne! Aba'y kagwapo mo nang bata ano?" Tuluyang napatigil sa gitnang baitang si Julie. Who the f-- "Opo, kami po yung magkalaro dati." Shit. Andyan na nga ang kalaban! Anong ginagawa nito dito?! Babalik na sana siya paakyat pero muhkang nakita na siya ni Kikay. "Ate halika na! Ang sarap ng luto ni Kuya Elmo o!" Sumili mula sa dining area ang tatlong tao na kanina pa nandoon habang siya ay halatang babalik akyat pa sana. Wala siyang choice dahil nahuli na siya. Kinakausap niya ang sarili na kumalma bago bumaba at dumeretso sa may lamesa. "Lieanne! Kababata mo daw ito si Elmo?" Bungad sa kanya ng kanyang lola. Nakatayo pa rin siya sa tabi ng upuan na katabi naman ng upuan kung saan naroon si Elmo. Sumulyap siya sa lalaki at nakitang nakatingin lang ito sa kanya. Hindi ito nakasimangot at hindi rin naman nakangiti basta lang nakatingin ito sa kanya. "Ah opo lola, sila yung dating nakatira diyan sa tabi." "Kain ka na ate! Upo ka teka ipaghahanda kita! Ang sarap ng lutong bistek ni Kuya Elmo eh!" Tumayo na si Kikay at marahang pinaupo si Julie sa tabi ni Elmo bago kumuha ng pagkain na galing nga daw sa lalaki. Pansin ni Julie na sulyap ng sulyap sa kanya si Elmo pero siya kasi ay iniiwasan ang mga tingin nito. Manigas siyang impakto siya. Kung pwede lang hindi niya kainin ang linuto ni Elmo eh kaso nakakahiya at baka kung ano pa ang sabihin sa kanya ng kanyang lola. "So anak, pareho kayo ng pinagtatrabahuhan?" Tanong ni lola kay Elmo. Tumango naman ang lalaki at sumulyap muli kay Julie. "Ah opo, pareho po kaming editor. Saka kakilala po kasi ni papa yung editor-in-chief." "Aba mabuti naman at kaagad ka nakahanap ng trabaho." Ngiti ni lola. Nagpatuloy sila ng pagkain nang nagsalita ulit ang matanda. "Lieanne bakit nga pala nananahimik ka diyan?" "Po?" Gulat na sambit din ni Julie. "Kako hindi mo kinakausap si Elmo." Katahimikan ang umalingawngaw sa eksena na iyon. Pero kaagad din naman nagsalita si lola nang nakangiti. "Nako baka nagkakahiyaan kayo mag-usap sa harap ko. O siya ganito, papahinga na din ako e. Magusap na lang kayo diyan sa veranda, o pwede sa kwarto mo Julie." Ehem ehem! Napatingin silang lahat kay Kikay na napaubo habang umiinom ng tubig. "Ano nangyari sayong bata ka?" Tanong ni lola. "Lola naman kasi! Bakit sa kwarto?!" Angal pa ni Kikay. Si Julie namumutla, si Elmo namumula at si Lola nagtataka. "E ano ngayon, ikaw bata ka talaga sabi ko lang naman maguusap sila!" "Alam niyo." Biglang tayo ni Julie. "Usap kami pero sa labas na lang siguro." Una na siya naglakad at parang hindi sigurado na sumunod naman si Elmo. Nakalabas na sila ng bahay at derederetsong naglakad si Julie. Kahit nalilito ay sumunod si Elmo sa kung saan man papunta ang babae. Hanggang sa nakarating sila sa playground ng Westdoor. Mas rumami na ang playarea na nandito kaysa nung bata pa sila. Pero yung swings na dati nilang inuupuan nandoon pa rin. Naupo si Julie sa isa habang si elmo ay nakatayo lang sa harap niya. Nakasimangot ang lalaki at tinaasan niya ito ng kilay. "Wala pa ako sinasabi nakasimangot ka na..." Napabuntong hininga si Elmo at nag-iwas ng tingin. "Bakit kasi lumabas ka ng ganyan ang suot?" Napatingin si Julie sa sarili at nakitang maayos naman ang suot niya. Para naman siya lang ang babaeng lumalabas ng sando at shorts. Hindi naman revealing dahil tama lang ang sukat sa kanya at hindi kulang sa tela. Pero ang mas nasa isip niya ay bakit laging napaportective ni Elmo sa kanya. Tiningnan niya ang lalaki at napagtanto na kahit gago ito ay kaibigan pa rin naman niya ito. Marahil ay nagiging overprotective lang ito sa kanya kahit na sa marahas na paraan ang daan nito. Which also reminds her of the past happenings. "Elmo, tapatin mo nga ako..." Tumingin si Elmo sa kanya, hinihintay ang susunod niyang sasabihin. "Manyak ka ba talaga?" Lumaki ang mga mata ng lalaki sa tanong niya, halatang windang na windang. "J-Julie..." "Ang hilig mo kasi bigla nanghahalik. Manyak ka lang talaga? Kahit sa akin?" Napailing si Elmo bago umupo sa tabi niya. "Kung manyak ako Kalabs, edi lahat ng babae hinahalikan ko." Hindi nangungutya ang tinig nito na bahagyang ginulat si Julie. Seryoso kasi ang tingin nito sa kanya na parang may pinapahiwatig. Magsasalita pa sana siya nang mapahigit ng hininga ang lalaki at napakapit sa sariling buhok. Pinanuod ni Julie habang parang linalabanan ni Elmo ang sarili. Nako nasisiraan na ba ito? Tatawag na ba siya ng mental? "Elmo--" "Hindi ako manyak Kalabs." Pag-uulit pa ni Elmo. Parang may gusto pa ito sabihin pero napailing na lang at bigla biglang tumayo. Tiningnan ni Julie habang nagiisip ito bago ito binaling naman ang tingin sa kanya. "I just--basta..." Maglalakad na sana ito palayo pero kaagad din naman itong pinigilan ni Julie. "Teka nga teka nga!" Sabi ng babae. Tumigil si Elmo sa paglalakad at nakatayo na si Julie sa likod nito. "Alam mo ang gulo gulo mo!" Hinid mapigilan na sigaw ni Julie. Mabuti na lang talaga sila lang naman ang tao na nandoon dahil medyo alanganin ang oras. "Ikaw itong may atraso sa akin tapos ganyan ka makaasta!" Tumingin din si Elmo sa kanya. "Nalilito kasi ako..." Bahagyang nagulat si Julie sa sagot nito. Nalilito saan? "I'm--" huminga ng malalim si Elmo. 'I'm not capable of feeling this way...at least not anymore." Nalilito pa rin na tiningnan ni Julie ang kababata. He was being very vague at the moment at hindi masyado maproseso ng utak niya ang gusto nito sabihin. "Hindi mo ba nararamdaman?" Biglang tanong ni Elmo sa kanya. Hindi pa rin nawawala ang pagkalito sa muhka ni Julie. Pwede mo na plantsahin ang noo niya sa sobrang pagkakunot. "Ano?!" "I'm attracted to you damn it!" Napasigaw si Elmo. Naihilamos ng lalaki ang kamay sa muhka habang si Julie ay tulalang napanganga. Muhkang gusto pa ulit nito magsalita pero mabilis din naglakad palayo. Naiwan si Julie na nakatayo doon a nakananga pa rin. What the hell just happened?! =o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o= Kinailangan ng matinding coffee rush ni Julie. Sakay ng kotse niya ay tinahak niya ang pamilyar na daan papunta sa condo ni Maqui. Nasa malayo pa lang siya ay nakita na niyang nakatayo ang pinakamatalik na kaibigan sa may steps ng building nito. Binuksan na ni Maqui ang pinto nang huminto siya sa tapat nito. "Bes! Libre mo ba yung kape?" "Oo sige oo basta may makausap!" Sagot ni Julie. "Yes!" Pagcheer naman ni Maqui na may kasama pang palakpak. Mabilis na nakapark si Julie sa mismong parking space ng paborito nilang Starbucks. Kilala na rin kasi sila ng mga barista na nandoon kaya naman at home na at home sila. Sa kabutihang palad ay wala masyado tao. "O bes dali bili ka na ako babantay ng gamit." Maqui smiled sweetly. Napaikot naman ang mga mata ni julie. Ayaw na yaw kasi ni Maqui na ito ang nagoorder. Tamad magsalita sa ganyang bagay pero kapag sa kanilang barkada akala mo m-16 ang bibig. "One Cafe Mocha and One Java Chip please." Ngiti ni Julie sa barista. Batang lalaki ito na muhkang mas bata sa kanya ng ilang taon. At muhkang bago pa lang ito dahil hindi kilala si Julie. "Your name po ma'am?" "Ano ka ba Zeke! Si Ma'am Julie yan!" Biglang singit ni Perry na matagal nang nagtatrabaho doon. "Hi Perry." Nakangiting bati ni Julie sa lalaki. "Hi ma'am! Ako na pala bahala dito. Ito nga pala si Zeke, bago siya dito saka working student." Pagpapakilala ni Perry sa katabing lalaki na muhkang nastarstruck kay Julie Anne. "Hi Zeke, nice to meet you." Ngiti ni Julie sa lalaki. Tameme pa rin ito kaya natatawang naglakad na papunta sa may pick-up area si Julie matapos magbayad kay Perry. Saglit lang naman iprepare ang kanilang drinks at siya na rin ang nagdala ng mga ito pabalik sa lamesa nila ni maqui. Nakangiti ang kaibiganniya nang umupo siya kaya napataas ang kilay niya sa pagtanong. "Bakit ka nakangiti diyan?" "Alam mo bes, ang ganda mo talaga yiihii." Natatawa na sabi ni Maqui. Sinimangutan ito ni Julie. "At ikaw bolera ka talaga. O! Inumin mo na yang Java Chip mo, ang mahal mahal." "Siyempre mahal mo din naman ako." Sabi ni Maqui at masayang uminom mula sa kanyang Java Chip. Mas masarap talaga ang pagkain kapag libre. "O teka ano na emergency mo?" Biglang tanong ni maqui at nagpahid nang choco sauce mula sa bibig niya. Huminga ng malalim si Julie at napatitig sa kanyang Cafe Mocha na sa ilang higop lang niya ata ay mauubos na. "Tangina kasi si Elmo nakakastress." hindi niya napigilan ang mura niya. Intrigang intriga na napatingin naman si Maqui sa kanya. Kumikinang ang mga mata nito dahil alam na makakasagap nanaman siya ng tsismis. "Bakit bakit ano ginawa ni Elmo?" saka nanlaki ang mga mata ni Maqui. "Pinagsamantalahan ka ha?!" "Maqui! Quiet down!" Julie hissed. Laking pasasalamat niya na sila lang at isang pares ng magsyota ang nasa loob ng cafe bukod sa mga employees. "N-no, he didn't do that... pero sabi niya sa akin..." "Sabi niya...sabi niya ano? Tangina bes wag mo ako binibitin!" Julie sighed before finally deciding to just get it over it. Baka kasi magdalawang isip pa siya at hindi niya masabi. "He said, he's attracted to me..." Hinintay niya ang ilang segundo bago mag-angat ng tingin kay Maqui. Medyo nagulat lang siya nang makita na hindi naman na gulat ang muhka ni Maqui. "Ngayon lang ba niya nalaman yon?" Kumunot ang noo ni Julie. "Pinagsasabi mo Maq?" Umikot ang mga mata ni Maqui. "Duh, halata naman na ganun Hulyeta. Aba hindi mo lang alam na kayo ang pinaguusapan sa opisina. Masama kasi lagi tingin sa legs mo, alam mo yung parang gusto niya kainin hehehe..." "Bibig mo naman Maq." Namumula na sabi ni Julie. Walang laban yung blush on niya sa pamumula ng muhka niya ngayon. "Totoo nga kasi..." Natatawa na sabi ni Maqui. "O e ano problema mo, attracted ka din naman sa kanya diba?" Hindi kaagad nakaimik si Julie sa sinabi ng kaibigan niyang iyon. "S-sino may sabi. Wala naman ako sinasabi sayo ah." "Kilikili mo mabango Hulyeta! Deny ka pa! E isa ka pa nahuhuli kong npapakagat labi kapag nakikita siya eh. Attracted lang kayong dalawa sa isa't isa no!" "Hoy hindi ako napapakagat labi kapag nakikita ko siya. Kuyom-palad pwede pa. Gusto ko kasi suntukin." "Nako brutal ka pala Julie Anne." Natatawang sabi ni Maqui. "Deny ka pa. O e sige if ever nga hindi ka attracted sa kanya bakit di ka mapakali nang sinabi niya iyon sayo?" Namumuro na ito si Maqui. Lahat ng tanong hindi masagot ni Julie o hindi makaimik. "E-Eh kasi..." "Ayaw mo ng attracted lang? Gusto mo may gusto siya sa'yo." "Pakyu ka Maq stop putting words in my mouth." Julie grumbled before drinking yet again from her cafe mocha. Tawang tagumpay si Maqui. "Inis ka kasi gusto mo gusto ka niya...gusto mo love ka niya yiiii." "Para kang highschool." Sabi ni Julie. "Saka I know for a fact na walang kakayahan magmahal yung mokong na yun." "Grabe ka naman." Nagkibit balikat si Julie. "Whatever..." She didn't voice it out pero nakakatangina lang kasi parang tama ang pinagsasabi ni Maqui. Parang mas gagaan ang loob niya at malilinawan siya kung sinabi ni Elmo na he likes her. Dahil para sa kanya, liking someone and being attracted to someone are two very different things. And she rather be on the side of the former. But anyways. Wala din naman kasi siya paki. Edi lumayo si Elmo. Tama, puro init lang iniisip nung hayop na yon, layo ka na lang Julie Anne. And she was true to herself. Dahil sa simula ng linggo ay hindi niya nga kinausap si Elmo. Pero alam niya kailangan niya ito harapin lalo na at nalalapit na ang interview nila with Matthew. Siya nga lumalayo kay Elmo pero ang usapan tungkol sa kanila hindi tumitigil. Ngayon alam na niya na ang pantry nila ay ang sentro ng tsismisan at ang tatanga din naman ng mga tsismoso dahil ang lakas lakas ng boses. "Mga bhe parang hindi nagpapansinan si Elmo saka si Julie Anne?" "May tinatago yang dalawang yan tamo." "Harot ni Julie no? Parang hindi naman siya ganun. Baka tinamaan ng todo kay Elmo. Sabagay gwapo naman talaga. Masarap pa labi. Sayang lang lumayo e. Peste talaga!" That was CJ! That's it. This was the last straw. Maraming beses pinalampas ni Julie ang sinasabi ng mga ito pero napupuno din naman siya. Susugod na sana siya nang may magsalita bigla sa likod niya at dumeretso papunta sa may mismong pantry. "Ganyan ba talaga kayo? Mga tsismosa?" It was Elmo! And he looked really angry. Halatang nagulantang din ang iba pa nilang katrabaho lalo na si CJ. "Wala ako pake kapag ako ang paguusapan niyo pero tigilan niyo na si Julie. Wala kaming ginagawang masama. And you should be ashamed of yourselves. Pasalamat kayo hindi ito aabot kay Madam." Igting ang panga ni Elmo habang nagsasalita. Lumingon siya at napatingin kay Julie. He had this soft expression on his face before lightly touching her arm and then walking away. Halatang lalo pa nagulat ang mga tsismosa nang mapagtanto na nandoon din si Julie.Hindi niya mapigilan ang mapangisi sa mga ito. Ngising tagumpay.  Saka lang niya natagpuan ang sarili na naglalakad papunta sa opisina ni Elmo. Parang may sariling isip ang kanyang mga paa at bago pa niya mapigilan ang sarili ay napagtanto niya na nasa harap ng nga siya ng pinto ng opisina ni Elmo.  Kakatok na sana siya nang may sumitsit sa kanya.  It was Maqui.  "Maq?" Sumenyas naman si Maqui na sundan niya ito at napatingin pa siya muli sa pinto ng opisina ni Elmo bago nagdesisyon na sundan nga ang kaibigan.  Nakatayo na sila ngayon sa tabi ng isang bintana sa dulo ng floor.  "Nakita ko iyon." Pambungad na sabi ni Maqui.  Nalilito na tiningnan ni Julie ang kaibigan. "Ang alin?" "Yung ginawa ni Elmo. Bes pinagtanggol ka niya doon sa mga putapeteng tsismosa na iyon. At grabe ang sarap makita na ganoon ang itsura ni CJ! Aminin mo na kasi na attracted ka din kay Elmo." "Saan mo naman nakuha yan?" Balik tanong pa ni Julie.  Napikot ang mga mata ni Maqui. "Haay nako, wag mo na kasi ako lokohin.E kung kumakagat ka din diyan sa sinabi ng Kalabs mo edi sana may relasyon na kayong dalawa ngayon."  "Hindi nga matutuloy sa isang relasyon 'to Maq. Saka ano ngayon kung attracted kami sa isa't isa? Init lang ng katawan yon."  "So aminado ka nga na umiinit katawan mo kay Elmo?" Mabilis na nanlaki ang mga mata ni Julie sa sinasabi ng kaibgan. "Maq, ano ba naman yan." "O bakit? Ikaw na mismo nagsabi eh. Haay nako. Bukas bukas talaga bibigay ka din Julie ewan ko lang sayo."  Dahil gitna ng office hours ay hindi sila pwede magchikahan ng matagal kaya pareho na silang bumalik sa mga opisina.  Maya maya lang ay kumatok sa kanya si Bianca.  "Ma'am Julie, kakausapin daw po kayo ni Sir Elmo..." Kumakabog ang dibidb niya. s**t Julie. Si Elmo lang yan. Chill lang. Ano ba problema mo?  "Ma'am Julie?" "Ah..." Napakurap siya. "Sige Bianca papasukin mo na siya."  Inayos ni Julie ang nakakalat na gamit sa harap ng desk. She was in the middle of doing so when the door opened revealing Elmo na nakashort sleeve na maroon shirt at pants. Nakasalamin din ito at medyo magulo ang buhok.  "Uh, Julie, can we talk about the interview with Matthew tomorrow?" Bukas na nga pala iyon. Tumango lang siya at nagsimula magsalita si Elmo. Pero parang walang pumapasok sa utak niya. Napapatitig kasi siya dito. Seryosong seryoso ang muhka nito at pormal na nakatayo sa harap niya.  "Julie?" "Huh?" Crap. Tapos na pala siya magsalita.  "Uhm, if it's okay with you kotse ko na lang ang dalhin natin sa apartment ni Mr. Jimenez?"  "Sure sure." Sagot din ni Julie. Medyo wala talaga siya sa sarili. "S-sige.l I'll see you." Pansin din niya na parang iwas na iwas talaga sa kanya si Elmo. At bago pa niya ito mainterrogate ay nagmamadaling lumabas na ito ng office room niya. What just happened? Ang gulo gulo. At naguguluhan din siya sa sarili dahil sa nararamdaman. Parang umaalingawngaw yung sinabi sa kanya ni Maqui kanina.  "Bukas bukas talaga bibigay ka din Julie ewan ko lang sayo."     =o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=  Hindi makatulog ng maigi si Julie nang gabi na iyon. Buong araw ata magulo ang isip niya. Nakaupo lang siya sa kama at nakatitig sa kisame. Kausap niya ang sarili niya. Attracted ka rin ba Julie Anne? Sabagay kahit nung bata pa lang kayo attracted ka na eh. Crush mo nga diba? Asungot lang talaga siya sa mga ambisyon mo.  Paran gusto niya ng fresh air. Binuksan niya ang sliding door ng kanyang balcony at tumapak sa labas. Medyo mainit talaga dahil summer pero at least meron namang hangin. Napatigil siya sa kinatatayuan nang mapansin na nandoon din si Elmo sa balcony nito. Nagkatinginan silang dalawa bago mahinang ngumiti sa kanya si Elmo. Parang nahihiya ito at medyo namumula pa ang muhka. He looked adorable! Bago pa niya mapigilan ang sarili niya ay kinausap na niya ito.  "Tabi saglit Elmo..." "Huh?" "Tabi sabi..." Muntik nang mapaupo si Elmo sa lapag nang lumundag si Julie mula sa balcony niya papunta sa balcony ng lalaki.  Nanlalaki ang mga mata ni Elmo na tiningnan si Julie na animo'y hindi lumundag mula sa isang balcony papunta sa kabila.  "Are you crazy!?" Elmo hissed, half-shouting and half-whispering. Napangisi si Julie. "Bakit ikaw? Ginawa mo din naman iyon ah." "I'm a guy--" "Hep, stop being sexist Elmo. May binti din naman ako para tumalon ah."  Pagkasabi niya ng salitang binti ay napadako ang tingin ni Elmo sa baba. Mula sa paa niya paakyat. s**t. Naka-orange na teddy nga pala siya. Nakita niyang namula ang buong muhka ni Elmo hanggang sa dulo ng tainga nito. Pero sa gulat lang din niya, hindi siya nakaramdam ng hiya.  "J-Julie naman." Sabi ni Elmo na napakamot sa likod ng ulo.  Julie daintily laughed. "Bakit?" Pero bago siya masagot ni Elmo ay napansin niyang parang puro lupa ang lapag. Saka lang niya nakita ang basag na paso sa may tabi nila. Nag-angat siya ng tingin kay Elmo. "Ano nangyari dito?"  "UHm, ah--ano kasi, n-nalaglag ko yung paso. Ilipat ko sana sa kabila."  He was cute when he stuttered. "Baka naman kasi nagmadali ka. Kaya ayan--Elmo!!!"  Mabuti na lang mabilis ang reflexes ni Elmo dahil sa pagtalon ni Julie ay nasalo siya ng lalaki. Nakabuhat pangkasal silang dalawa ngayon at nagtatakang tiningnan ng lalaki ang babae na mas makapit pa sa koala ngayon.  "Bakit?" "M-may, may uod!" Kinikilabutan na sabi ni Julie.  Napadako ang tingin ni Elmo sa lupa sa may paa niya banda at nakitang meron ngang earthworm na namamahinga doon. Lahat ng bata noon sa Westdoor ay alam kung gaano kaduwag si Julie sa uod. Isa na si Elmo sa nananakot sa kanya noon.  At sa mapanglokong ngiti sa muhka nito ngayon ay nakakaramdam si Julie na babalik sila sa nakaraa.  "Don't you dare Elmo Moses."  The same mischievous smile was on Elmo's face. "Baba ka na Kalabs, di ka naman sasaktan niyan eh." "Wag kasi!" Julie exclaimed. Napahigpit pa ang kapit niya kay Elmo at ang kaninang ngiti sa muhka ng lalaki ay madaling napawi. Napalitan ito ng ibang ekspresyon. Naging maulap ang mga mata nito habang nakatingin sila sa isa't isa. Ramdam na ramdam kasi nila ang init ng balat ng isa't isa lalo na at manipis na tela lang ang pagitan nila. Gaya ng dati ay wala kasing suot na pantaas si Elmo.   "Elmo..." Bulong ni Julie.  Parang nahimasmasan naman ito at napatikhim. Buhat buhat pa rin si Julie ay linapag ng lalaki sa lounge chair na nandoon. Nakatayo ngayon si Elmo habang si Julie ay nakaupo pa rin sa may planter.  "I-I'm sorry for everything Kalabs. For always catching you off-guard. For treating you the way I did. I should've never done that. I know you don't see me that way--" "See you in what way?" Mabilis na pagputol ni Julie sa sainsabi ng lalaki. Nawala na ang takot niya sa uod na muhkang nanunuod lang sa kanila ngayon ni Elmo. Tumayo siya muli pero nakatingala pa rin siya sa lalaki. Magkaharap sila ngayon.  Elmo's eyes became hooded again. "I-I told you. I'm attracted to you. Ever since nung una kita nakita sa opisina." "And sa tingin mo hindi ako attracted sa'yo." Sambit ni Julie na parang nanghahamon.  Napatingin si Elmo sa kanya na para bang nalilito.  "I'm attracted to you too." Balik ni Julie. Sa bawat salita niya ay nafo-form na niya ang thought na gusto niya iparating. "Ayun nga lang, I don't know where this attraction will lead us..."  Posible bang mas maging maulap pa ang mga mata ni Elmo. Parang naninilim na din ang mga mata nito habang nakatingin kay Julie. Or mas sakto, sa mga labi ni Julie.  At sa sandaling iyon ay nabuo ang desisyon ni Julie. "I don't know where this will lead us but I'm not really in a hurry to find out."  At sa unang beses simula ng unang halik nila, si Julie ang nagpasimuno. Hinila niya pbaba si Elmo sa pamamagitan ng pagikot ng mga braso sa balikat nito bago bigyan ang lalaki ng mariin na halik.  Gulat na nanlaki ang mga mata ni Elmo pero nang malagpasan na ang pagkagulat na iyon ay hinapit palapit ang katawan ni Julie at linaliman pa ang halik. Marahan nitong kinapit ang buhok ni Julie at bahagyang hinila para mahusayan pa ang akto ng paghalik. Napasinghap si Julie at napakapit sa naglalakihang braso ni Elmo. Magkadikit ngayon ang kanilang mga dibdib na parehong taas baba sa hingal.  "J-Julie." Ungol ni Elmo at sinibasib nanaman ang bunganga ng dalaga hanggang sa nage-eskrimahan na ang kanilang mga dila na parehong hindi nagpapatalo.  "Ate Julie?" Mabilis silang naghiwalay sa narinig. It was coming from Julie's room inside the other house. Si Kikay. Habol hininga sila pareho habang nakasalamin ang pagnanasa sa mga ekspresyon sa muhka.  "I-I'll see you tomorrow." Nauutal na sabi ni Julie.  Akmang tatalon na siya pabalik sa sariling balcony nang hilain siya ni Elmo at hinalikan muli. Kakaiba ito sa mga naunang halik. This one was soft and kind of lingering. Naghiwalay ang mga labi nila at parehong maulap ang kanilang mga mata. Namamaos ang boses na nagsalita si Elmo. "I'll see you tomorrow."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD