AN: "Ate Julie?" Mabilis na pumasok mula sa balcony si Julie Anne at napatalon pa sa gulat si Kikay nang mapagtanto na doon siya galing. "Ate ginulat mo naman ako! Ano ginagawa mo diyan sa balcony?" Tanong ni Kikay at napapatitig pa kay Julie Anne. "Uh, wala wala. Nagpahangin lang." Sabi ni Julie. "Ah oo nga ate. Medyo parang nahanginan nga yang buhok mo." Ngisi ni Kikay. "Saka yung lips mo o, parang na-wind burn." Automatic na napahawak si Julie sa kanyang mga labi. s**t. "Pero yun nga pala ate. Pinapasabi ni lola na aalis kami bukas." Mabilis na napatingin si Julie sa babae. "Huh? Saan naman kayo pupunta?" "Nagiimbita daw yung best friend niyang si Margie sa probinsya. Doon daw muna lola mo ng ilang araw." "Kaya pa ba niya?" Nagaalalang tanong ni Julie. "Saang probinsya b

