Parang mga bata na nakaupo sa loob ng opisina ni Maqui si Elmo at Julie. Aabot na ata sa anit ang kilay ni Maqui sa sobrang taas habang nakatingin sa kanilang dalawa. Nakapamaywang pa ito at medyo nanlilisik na din ang mga mata. "Walang magsasalita sa inyo?" "Eh kasi--" "Ayoko ikaw Magalona! Julie Anne!" Sabay baling ng tingin ni Maqui kay Julie. Grabe maiihi na ata siya sa upuan. E sa nakakatakot itsura ni Maqui eh! "Maq..." "Ano?!?" Hindi napigilan ni Julie at natawa pa. Nanlisik lang lalo ang mata ni Maqui habang si Elmo ay taka nang nakatingin sa kanya. "Aba't--tumatawa ka pa!" Inis na sabi ni Maqui. "Eh kasi naman..." Julie said between laughs. "Paano ako mageexplain e kanina ka pa sumisingit sa akin." Umirap at si Maqui at patuloy lang na tumingin kay Julie. "E kasi please

