"Elmo, umuwi ka na..." "Ayoko..." Inis na napaikot ang mga mata ni Julie. Nasa loob silang dalawa ng coffee shop kung saan sana magkikita si Julie at Jerome. Ang kaso lang, inaya ni Elmo ang sarili. Sumama at ayaw na umalis pa. "Kakausapin ko lang siya, okay?" Sabi pa ni Julie na medyo naiinis na. Muhkang batang hindi binilhan ng laruan si Elmo. Nasa loob na sila ng mismong coffee shop at nakaupo sa isang booth na medyo secluded. "Elmo, wag ka nga sumimangot ang pangit mo." Inis na sabi ni Julie sa lalaki. Pero yung totoo ang cute cute nito tingnan lalo na kapag humahaba yung nguso. Parang ang sarap tuloy pitikin. Hindi pa nakakasagot si Elmo nang may dumaang dalawang babae na siguro ay mas bata lang ng kaunti sa kanila. Muhkang uupo ang mga ito sa katabing booth at napansin ni Julie

