Si Julie ang unang lumayo. Malalim ang hininga nilang dalawa ni Elmo. Nakalapat ang dalawang kamay niya sa matipuno nitong dibdib habang nakatingin ito sa kanya. His eyes were dark and hazy. "Elmo..." Sambit ni Julie. Parang nawala lahat ng hangin sa baga niya. Tinitigan niyang mabuti ang lalaki sa harap niya. Inilapat nito ang noo sa may balikat niya. Para bang napagod din sa namahitang halik sa kanilang dalawa. "Sa'yo lang ako Kalabs." Bulong nito. Parang nabuhusan ng malamig na tubig si Julie sa sinabi nito. 'Sa'yo lang ako...' "Elmo..." Mahina niya itong tinulak palayo. Nalilito na tiningnan siya ng lalaki. "Kalabs..." "This is wrong." Wala sa sarili na sabi ni Julie. Nakatingin siya sa kinatatyuan nila, iniisip ang mga bagay. She had a pained expression on her face as she look

