Hindi mawala ang ngiti sa muhka ni Elmo habang nakaupo silang dalawa ni Julie sa loob ng isang shop. Napagdesisyunan nilang kumain dahil parehong tumunog ang tiyan. "Huy, baka mahipan ng hangin yang mata mo." Pagloloko ni Julie sa lalaki. Kanina pa kasi talaga ito na nakangiti lang. Tinitingnan na nga ito ng batang Kano na nakaupo kasama ang magulang sa kabilang lamesa. Nginitian ni Elmo ang bata na binelatan siya. Tumawa si Julie nang belatan din ni Elmo ang bata. "Para tong tanga. Wag mo kasi inaasar yung bata." "Siya nauna eh. Bakit ba siya nakatingin sa akin?" Sabi pa ni Elmo bago kumagat muli sa kinakain na hotdog. "Baliw ka daw kasi, ngitit ng ngiti.." "Eh sino ba may dahilan kung bakit nakangiti ako?" Hamon pa ni Elmo at inakbayan si Julie. Magkatabi kasi sila sa loob ng boo

