Kalagitnaan pa lang ng gabi at mahimbing pa rin ang tulog ni Julie Anne. Kaya naman kinukuha na ni Elmo ang pagkakataon para pagmasdan lang ang kagandahan ng dalaga. Nakaunan ito sa braso niya at nakaharap sa kanyang direksyon. Nakapikit ang mga mata nito at parang anghel sa kabaitan ang itsura. Napangisi si Elmo sa iniisip. Hindi na kasi ito anghel na mabait kapag gising. Isa itong dragonesa. Dragonesa niya. Gamit ang isang kamay ay hinaplos niya ang pisngi ng babae. Saka siya lumapit at hinalikan ang tungki ng ilong nito. "I love you..." bulong niya. Pero muhkang hindi lang bulong ang ginawa niya dahil nakita niyang unti-unting nagigising ang magandang dalaga. "Hmm..." Mahinang ungol ni Julie na aaminin ni Elmo ay bigla na lang binuhay ang alaga niya sa baba. 's**t iba talaga epekto

