Halos hindi makakain si Julie ng ginawang breakfast ni Elmo. Paano ba naman. Sinong makakakain kung malalaman mo na darating ang ex ng nobyo. Ang ex na dahilan kung bakit kayo naghiwalay in the first place. "Kape muna tayo ha mga anak." Nakangiti na sabi ni Eric. "Okay ka lang Kalabs?" Tanong ni Elmo kay Julie Anne. Magkatabi silang nakaupo at natapos na rin naman sila kumain kahit hindi naman talaga naubos ni Julie ang linuto ng nobyo. "Yup. I'm alright." Ngiti ni Julie Anne. Mahinang ngumiti pabalik si Elmo at inakbayan siya bago halikan ang sentido niya. "E kailan niyo ba balak magpakasal?" Muntik na mabuga ni Julie Anne ang iniinom na kape pero napigilan niya ang sarili kaya ang resulta ay nasamid na lamang siya. "Kalabs!" Alalang sabi ni Elmo habamg umuubo si Julie Anne. "O-ok

