Binaybay ni Julie ang daan papunta sa bahay ni Mrs. Reindhart. Maga-apologize na din siya dahil hindi siya nakapunta sa birthday celebration nito. Pero hindi na niya sasabihin kung bakit. Sabihin na lang niya na something came up. 'Oo something came up, si Elmo--ay nako Julie Anne ang utak mo talaga.' Pinark niya ang kotse sa labas ng isang malaking mansyon. Well hindi pa naman ito mansyon but it was close to being to. Tumunog ang pinto ng kanyang sasakyan ng isara niya ito habang nakatingala sa napakalaking bahay. Napupuno ng halamanan sa harap kaya hindi niya alam kung papaano ba niya tatawagin ang boss. But she'd already contacted Mrs. Reindhart ahead of time. 'Woof woof!' Muntik na siyang tumilapon sa kalye nang may isang aso na bigla na lang dumeretso sa grills ng bahay na iyon.

