"May balita ka ba kayla Maq?" Nagpapahinga sa may living room si Elmo at Julie Anne nang tanungin ng lalaki iyon kay Julie. Nakasandal ang dalaga sa lalaki habang nakahiga ito sa couch at siya naman ay ginagawang unan ang buong katawan nito. Silang dalawa lang ang natira ngayon sa bahay dahil magkasamang nag-grocery si Eric at si Maxene. "Alam ko nag-quit na siya sa Pages e." Sagot naman ni Julie habang iniikot-ikot ang daliri sa dibdib ni Elmo. "Pa-minsan minsan ko na lang din siya nakakausap non sa f*******:. Miss ko na nga eh." "Uuwi ka naman na ulit ng Pilipinas diba?" Elmo asked hopefully. Tumingala si Julie sa kanya at ngumiti. "Malamang, doon nakatira mapapangasawa ko diba?" Bahagyang namula ang muhka ni Elmo at napangiti. Ngumisi si Julie Anne. "Kinikilig ka?" "Hindi

