"Grabe napagod ako doon." Sambit ni Julie bago ibaba ang malaking purse sa isang one-seater at inihiga ang sarili sa may couch. Kagagaling lang niya sa labas para asikasuhin ang mga papeles nila pauwi ng Pilipinas. "Excited na ako ate!" Sabi ni Kikay na siyang kasama ni Julie sa errands. "I mean, bet ko din naman dito sa states pero namimiss ko na hangin ng Pilipinas, yung tipong alam mo na paglabas mo ng bahay e sigurado kang may kakapit na dumi sa'yo." "At ayon pa talaga ang namiss mo ah?" Natatawang tanong ni Julie Anne. Hinubad niya ang suot na blazer at sinandal pa ang sarili sa couch. Minasamasahe niya ang ulo. "Nahihilo ka ate?" Tanong ni Kikay na medyo nanlalaki ang mga mata. "Medyo." Sagot ni Julie habang patuloy sa pagmamasahe. "Napagod lang siguro ang dami nating ginawa eh.

