Hindi mapakali sa loob ng taxi si Julie. Si Colette ang kasama niya ngayon papunta sa ospital kung saan naroon si lola. Hawak niya sa kanyang kamay ang isang rosary dahil dito na lang siya kumakapit. Lola... Nagpunas siya ng luha na kanina pa pala lumalandas pababa sa kanyang pisngi. Saka naman niya naramdaman na hinawakan ni Colette ang kamay niya. "Shh shh, tahan na." Colette reassured her. And she was so thankful for that. She just felt so alone at the moment. She gripped Colette's hand back and prayed again. Sa wakas nakarating na rin sila sa PortMed. Pakiramdam niya ilang oras ang lumipas pero 30 minuto lang naman. Kahit parehong nakagown ay deretso silang dalawa sa Emergency Room kung saan naroon daw si Lola at Kikay. Kaagad nilang nakita ang mga ito. Payapang nakahiga si Lola s

