Napalunok si Julie nang makita kung sino ngayon ang kumakanta sa entablado. Kahit ayaw niya ay napatingin siya kay Elmo na nakita niyang gulat din ang ekspresyon sa muhka. Nanlalaki ang mga mata nito at tigagal na nakatingin sa entablado. Parang nahirapan siya huminga. Nag-init ang buong muhka niya at napaiwas siya ng tingin. Nagsimulang kumanta ng The Prayer si Xerxes at lahat ay nakikinig sa kanya. Parang dadalhin sila sa langit sa sobrang ganda ng boses ng babae. Pinagmasdan din ni Julie ang pagkanta nito. Halatang sanay na sanay na ito na nakatayo sa entablado. At hindi napigilan ni Julie na mamangha sa gandang taglay ni Xerxes. Ang huling kita niya dito ay bata pa sila. Pre-teens if you would say. At kahit dati pa lang ay napakaganda na talaga nito. Lalo na ngayon na ganap na t

