"Welcome home!" Napangiti si Julie nang bumungad sa kanya si Kikay na itinaas pa ang mga kamay na para bang nasa isang presentasyon. Sa likod niya ay si Elmo na buhat buhat ang kanilang mga bagahe. "Hello Kikay, nasa loob ang mga pasalubong." "Grabe ka naman ate. Hindi naman yung pasalubong yung habol ko." Natatawa na sabi ni Kikay. Ngumiti lang si Julie at dumeretso sa kwarto ng kanyang lola kung saan nakita niyang nanunuod ito ng telebisyon. "Lola!" Masayang bati niya. Automatic na napangiti naman si Lola Mimi nang makita ang apo. "Namiss kita Lieanne." Humalik sa pisngi ng matanda si Julie at sakto naman ay pumasok din sa loob si Elmo. "Magandang hapon po lola." Sabi naman ni Elmo at nagmano kay lola Mimi. "Kamusta ang biyahe niyo mga apo?" "Mahaba pero okay lang naman po lo

