Secret no.14

1256 Words
MAAGANG NAGISING ANG LAHAT. Lahat ay nag tipon tipon kaagad sa paborito naming hang out pag umaga. Sa kusina. Lahat ay excited kung ano ang niluto ni Mrs. Patty sa amin ngayong umaga. Wala pa siya ngunit kung ano ano na ang hinuhula ng barkada. "Ahhhhm sa tingin ko itallian spaghetti yan." Hula ni Goldie. "I think. Hotdog, bacon tapos with fresh milk." Hula naman ni Patricia. "Panong hotdog, bacon tapos with fresh milk? Eh yun ang pagkain natin kahapon." pagsasagi ni Michael.  "Ikaw Joshua anong sa tingin mo?" Biglang tanong sa akin ni Michael.  Nakatinign lang ako sa may bintana at natutulala. Hindi dahil sa apgngyayari kahapon, kundi sa hindi pag tuloy na magpunta kaming attic. Ano nalang kaya kung ako nalang mag isa? Sagi ko sa aking isipan. Nang bigla akong gulatin sa tanong na yon. "Ahhh tuyo, kamatis saka tilog na pula." Biglaan kong sagot. Bigla silang nagtawan ng malakas. Hindi ko alam kung nag iinis o talagang sinadya? "Joshua joke ba yun?" Tanong sakin ni Goldie. "Hindi" Sabi ko sa Normal na mukha. Secret no.14: Alone in the Dark  - - - - - - - - ░ ▒▓▓█D Sa totoo nyan eh namimis ko na ang ganong ulam pag umaga. Sabayan pa ng mainit na garlic rice tapos matapang na kape. Yun kaya ang inuulam ko lagi! Kailangan ko kasi ng lakas bago ako pumasok sa pinagtrabahuhan kong computer shop noon. Saka isa pa yun lang yung kaya ng budget namin. Palibhasa tong mga to mga RICH. Biglang nanahimik ang lahat. Babanat pa sana si MIchael ng linya niya ng biglang dumatin si Mrs. Patty. Mula samag akamay nito ay may daladala itong isang malaking kaldero. "Okey handa naba ang lahat sa umagang ito?" Tanong niya sa amin. "Opo!" Halos wika naman namin ng sabay sabay. Binuksan ni Mrs. Patty ang kaldero at umalingasaw ang niluto niyang Italian spaghetti. "Wow ako ang winner!" Sigaw ni Goldie. Habang tumataas pa ang kamay. Lahat na ay handa na para kumain ng pinigilan naman kami ni Mrs. Patty. "Oppsss teka lang. Bago kayo kumain ay may bago kayong makakasama ngayong araw nato." Pagpapatuloy niya. "Iha pasok kana dito. Mula sa sala ay biglang lumabas si Candice. Super ngiti ang muka nito na parang nakakaloko. "Hi!" Tanging nasabi nito. Habang winewave pa niya ang kanyang kanang kamay. "Ohh dito ka. Wika ko sa kanya. Habang inoffer ko sa kanya ang dating upuan ni Ashley. "HIndi. hindi pwede. Wika ni Goldie. Na todo ang pag simangot. "Goldie???" Pagsaway naman ni Patricia sa kaibigan habang nilalakihan nito ng mata. "Sige okey lang ako kukuha nalang ako ng upuan." Sa mahimag boses ni Candice. Kumuha si Candice ng upuan buhat sa may sala. Pagkaupong pagka upo nito ay inalok naman siya kaagad ng plato at kobyertos ni Michael. Nakangiting kinuha nito ni Candice at nagpasalamat. Tahimik lang ang lahat habang kumakain. Tila lahat ay napipi at ayaw magsalita.  "Guys okey lang kayo?" Tanong ko. Susubo na si Candice ng biglang tumayo si Goldie. Nabigla kaming lahat dahil okey naman siya kanina. Teka teka! Mukang may naaamoy ako dito ahh? "Guys mauna nako." Paalam niya sa amin. "Hey whats wrong?" Tanong naman ni Patricia. "Wala." Mataray na sagot ni Goldie sabay alis. Hindi ko talaga maintindihan si Goldie. Dahil ba kay Candice kung bakit siya nag kakaganun? "Nako sige pagpatuloy mo lang ang pag kain mo. Wag mong intindihin yun. baka meron? He he!" Pagbibiro ni Michael kay Candice. X~X~X Pumasok na kaming klase pag katapos ng nangyaring yun kanina. At dahil hindi kami natuloy sa aming gagawin sa may play eh. Long test ang ipinalit. Langya wish ko lang na mataas ang nakuha ko don. At eto pa Essay!!! Punyemas naman talaga oo. Pagkatapos ng klase namin ay napansin kong nag isa si Candice sa may Garden ng school. Napaka wierd talaga nitong babaeng to. Biruin nyo nakahiga lang siya dun mag isa. I wonder kung anong nasa isip niya? Papapunta na sana akong dorm ng mga oras nayon ng bigla kong naisip na puntahan siya. Dahil hindi ako naawa sa kanya. Kundi para maging kaibigan siya. "Hi!' Bati ko. Pagkatapos kong lumapit. Nakataas ang kamay niya sa kanyang ulo prenteng prenteng dinadama ang hampas ng hangin sa kanyang buong katawan. "Oii Joshua? Tama ba?" Tanong niya sa akin. "Oo tama. Bakit ikaw lang ang nandito?" Tanong ko naman sa kanya. "Wala lang. Sanay nako na ako lang mag isa." Wika niya na halatang malungkot. "Ikaw bakit ka nandito?" Biglang tanong naman niya sa akin. "Ahhhh wala lang gusto ko lang." Pag aakila ko. Tumabi ako kay Candice. Dahan dahan rin akong yumuko at unti unting umupo sa damuhan. "Ahhmm Candice pag pasensiyahn mo si Goldie kanina ahhh." Wika ko habang nakatingin kunyari sa malayo. "Ahh wala yun. Naiintindihan ko siya." Sagot naman ni Candice. "Mabait naman yun eh. Medyo masungit lang sa mga bago." Sabi ko. "Bakit siya lang ba ng nawalan ng kaibigan." Bulong nito. "Huh???" Pagkagulat ko. "Ahmm wala." Bigla niyang sabi. "O sige alis nako. Salamat sa time." Wika niya sabay alis. Napaka weird niya sa totoo lang. Pero sa palgay ko ay may tinatagong lihim tong si Candice eh? Hindi ako mapakali pag dating ng gabi. Ewan ko ba pero gusto ko na talagang magpuntang attic. Nangangati na ang kamay ko at mga paa. Super excited nako kung ano ba talaga ang hiwagang handog ng secret place nayon. Kung bakit pa kasi nangyari ang lahat ng yun sa auditorum eh kaya yun nabago ang plano. Pinagpaliban muna ng grupo ang pag punta sa may attic. Tinignan ko ang aking relo. Alas dose na. Kung aalis ako gayon eh tiyak makakabalik ako nito ng eksakto isang oras kung papalarin. Teka ano nga ba ang kakailanganin ko? Isang mini flashlight, At hair clip na hiningi ko kay Patricia. Unti unti akong bumangon sa may kama. Kinakabahan man ako dahil ako lang mag isa ang pupuntang attic pero nandito nato eh. Kung hindi ngayon eh kaylan pa? Kasalukuyang naglalakad na ako sa gitna ng pasilyo. Tanging nag hawak hawak sa kamay ay isang maliit na flashlight upang ilawan ang aking daraanan. Buti nalang kanina eh hindi nagising si Michael pag labas ko ng kwarto. Mantika kasi matulog eh. Siguro ma leletchon yun ng buhay pag may sunog? He he. Madilim na ang buong pasilyo. Ibang iba ito sa palagi kong nakikita pag nagpupunta akong kwarto. Sa ngayon eh puro dilim para akong naglalakad sa gitna ng gubat tapos walang kahit ano. Pitch black. Pero sa pagkakataong ito ay kailangan kong itago ang aking takot. At ilabas ang katapangan.  Pakaliwa na ko ng pasilyo ng bigla akong may narinig na yapak. Bigla akong tumingin sa aking likuran. Tinuon ko dun ang ikaw ng dala dala kong maliit na flashlight Pero wala akong nakitang tao. Siguro guni guni ko lang yon. Sabi ko sa likod ng aking isipan. Nagpatuloy parin ako sa pag lalakad ng narinig ko ulit ang yapak ng paa. Pero this time eh hindi na ako pwedeng magkamali. Talagang may sunusunod sa likuran ko! Takot man ako. Pero unti unti akong naglakad papabalik. "Sino yan?" Tanong ko habang mabagal na naglalakad. "Magpakita ka." Pabulong kong sabi. Pagbaling ko ng tingin sa kabilang banda ay nakita ko ang isang pamilyar na babae. Tinatakpan niya ang kanyang mukha ta tila nasisilaw sa liwanag ng flashlight. "Sino ka?" Ulit kong tanong sa kanya. Unti unti niyang tinanggala ng kamay sa kanyang mukah at diretchong tumingin sa akin.  "Ako to Joshua si Candice." Wika niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD