Secret no.13

1442 Words
NAMULAT AKO SA ISANG MADILIM NA PALIGID. Wala akong makita. Puro dilim ang nababanaag ng mata ko. Teka nasan bako? Wika ko sa aking isipan. Natatakot man ako ngunit pinagpatuloy ko nalang ang pag kapa sa dilim.  Hanggang nakapa ko ang isang pintuan. Alam ko iyon dahil nakapa korin ang mismong doorknob nito. Teka teka nasan ba talaga ako? At pano ako napunta sa lugar na ito. Mga katanungan sa isip ko ng mga puntong iyon. Napalunok ako. Gusto kong buksan ang pintuan nayon ngunit tila naka lock ito.  Naramdaman ko ang butas ng susian. Kinalikot ko ito ng aking hintuturo. Pagtangal ko ng aking daliri mula sa butas nito ay biglang may nagsindi ng ilaw. Sinilip ko ito mula sa butas. Isang babae na naka school uniform ang naaninag ko mula sa butas ng susian. "Sino ka?" Tanong ko sa babae. Ngunit bigla siyang tumakbo. Nawala ang babae ngunit iniwan niya ang binuksan niyang kandila sa loob ng kwartong iyon. Pinagmasdan ko ang buog kwarto. Medyo madilim ang loob at diko maaninag masyado. Pinagmamasdan kopa ang iabang lugar ng kwarto nang biglang sumilip din ang naturang babae mula sa butas ng susian. Secret no.13: The Warning - - - - - - - - ░ ▒▓▓█D "Pare gising!!!" Wika ni Michael sakin na nagaalala na. Bigla akong bumangon. Kahit na panaginip lang ang lahat ay namumutawi parin sa akin ang mata ng babaeng yon. Nanlilisik ito na tila galit na galit.  "Pare nanaginip ka nanaman?" Wika ni Micahel na nagising ko yata. "Pasensya na pare kasi naman sobrang nakakatakot yung panaginip ko." Wika ko. "Tungkol saan naman to this time?" Tanong niya. "Tungkol sa isang pintuan tapos isang babaeng nakakatakot." Wika ko habang hinihingal pa. "Pare chill ka lang." Wika ni Michael habang hinihimas ang likod ko. 10 o'clock sa library. Nagtipon tipon ulit kami. As usaul sa dulo nanaman kami kung saan eh kami kami lang ang pwedeng mag usap. wala ng iba. "Joshua ano yan?" Tanong ni Patricia habang nilalabas ko ang sketch ng pintuan sa panaginip ko.  "Eto yung napaginipan ko." Wika ko. "Familiar ba sa inyo ang susian na to?" Tanong ko naman sa kanila. Kinuha ni Goldie ang naturang sketch pinag masdan niyang maigi at kinarkula kung nakita naniya ito. "Alam niyo guys parang katulad siyang susian sa may attic?" Wika ni Goldie. "Patingin nga!" Sabay agaw naman ni MIchel. "Oo nga no? Di kaya eto rin yung sa may picture???" Dagdag pa nito. Mula sa mag litrato na nakuha namin sa Carlos Verras Bokstore ay kinumpara namin ang sketch ko at ang litrato ng susian. At tumpak  hawig nga ang dalawa. Medyo pangit nga lang at parang drawing ng bata ang guhit ko. Pero 90 percent na kamuka.  "See?" Sabi ni Patricia. "So ang pintuan pala na hinahanap natin ay yung sa attic?" Wika ni Goldie. "Tumpak!" Sabi ko naman. Sa malalimang pag uusap namin mula sa pintuan ng attic ay hindi namin alam na may tao pala sa liko ng bookshelve kung nasan kami naroon. Bigla itong tinuro ng nguso ni Patricia. Paa lamang ang makikita namin sa may maliit na siwang ng baba. Tila nakikinig ito sa bawat kataga na binibigkas namin. Agad si Michael kumilos. Dahan dahan siyang gumalaw at nag puntang kabilang bookshelve upang tignan kung sino iyon. Hanggang nagulat ang babae. "Oiii!" Wika ni Michael. Nagulat ang naturang babae. Nabitawan niya ang hawak hawak niyang libro sa sobrang gulat. Umalingaw ngaw mula sa buong library ang ingay. "Sino ka?" Tanong ni MIchael dito. "I'm Candice." Tanging sabi nito sabay alis. Bumalik agad si MIchael mula sa pwesto namin. Halata ang pagka curious nito sa muka. "Anong nangyari. Mukang may nahulog dun ahh?" Tanong ko. "Bago atang student ehhh Candice ang pangalan." Wika ni Michael. "Candice??? Ahhh baka yung nakita namin ni Patricia kahapon." Sabi ko naman. "Yung mahaba yung buhok na medyo wavy tapos may suot lagi na ribbon???" Dagdag ni Patricia. "Yun nga tumpak!" Sabi naman ni Michael. "Alam nyo guys medyo nawe werduhan ako sa kanya sa totoo lang." Sabad naman ni Goldie. "Bakit naman?" tanong ni Patricia. "Basta na bivibes ko na may tinatago siyang something." Wika ni Goldie habang nililigpit niya ang gamit. "So pano guys. Kylan natin pupuntahan ang attic?" Tanong ko naman sa pagka excited. "Maya na natin guys yan pag usapan pag katapos ng practise natin sa ating play." Wika ni Patricia. "Okey!" Sabi ko naman na sobra ang ngiti. Agad na kaming nagpunta ng auditorium. Dito raw gusto ni Ma'am na mag practise ngayon para mas feel na feel daw namin ang presence ng mga character. Wala pa si Ma'am nung nagpunta kami. Kaya umupo muna kami sa mga upuan na nandoon. Malaki nag buong auditorium. Dito kasi ginaganap ang mga seremony katulad ng Magnum annual award at Graduation Ceremony.  Agad nang pumasok si Ma'am Agustin. Maganda ang mga ngiti nito. Mukang hindi siya masyadong mag susungit nagong araw sa amin. Nako buti naman. Agad na kaming pumwesto nauna si Patricia sa gitna. "Okey Patricia ganyan nga with attitude!" Wika naman ni Ma'am.  Habang nag eenternalize si Patricia sa gitna ng stage ay tila may nakita akong nakasilip sa may pintuan ng auditorium. Gusto ko itong sabihin sa iba ngunit. Its not a big deal sabi ko sa sarili ko. Tinuon ko nalang ulit ang sarili ko sa pag papractice namin. Going smooth naman ang lahat. Medyo magaling nadaw kami sabi ni Ma'am. Syempe ng practise kaya kami ni Patrica sa rooftop ng ilang beses na nakaya naman eh kahit papano eh nahasa na ang skill ko sa acting. Matapos ng isang oras ay nagtawag ng break si Ma'am. Ang iba ay lumabas muna ng auditorium para umihi. Pero ang iba ay ng stay ng stage para makapag pahinga kasama na kami don. "Ang galing mo na ahhh!" Sabi sakin ni Patricia ng pabigla bigla. "Sus bola!" sagot ko. "HIndi nga mas magaling kana kaysa nung sa una nating practice. Talagang na iinternalise mo na si Florante." Wika nito. "Salamat! Ikaw rin magaling." Sabi ko. Sabay ngiti. "I know!" Walang kahiya hiyang wika ni Patricia. Sabay tawa. Naka salampak lang kami sa may stage habang kamiy nag uusap. Hanggang napatingin ako sa taas. Tila gumagalaw ang stage light na nasa itaas. Nakalambitin lang ito kasama ng iba pang wire. Pero hindi ko lang ito pinansin. Sige parin kami sa tawanan at pag uusap ni Patricia. Hanggang may narinig kaming ingay na tunog. IIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIII!!!!!! na ubod ng lakas parang isang malakas na tinig na nilagay sa microphone. Hananggang muli ay napatingin ako sa taas. Mula sa kinauupuan namin ay biglang nalaglag ang isa sa mga stage light. Bigla kong niyakap si Patricia. Pinagulong gulong ko siya hanggang mahulog kami kapwa sa dulo ng stage.  Wasak ang stage light nayon. Nagmarka rin sa naturang stage ang pinsala ng pag kabgsak nito. Parang siguradong patay kaming dalawa ni Patricia pag kami ay tuluyang natamaan. Agad na nag kagulo. Biglang nag sidatingan ang mga tao sa auditorium. "Anong nangyari?" Wika ni Mr. Gregory pag dating niya. Agad na may inialis ang basag na stage light. At dahil sa pangyayaring ityon ay ma dedelay ang aming stage play dahil nga sa nasirang stage. Hindi na kami pinag klase pag katapos ng insedenteng yon. Halos nadamay ang aming buong section sa pangyayari. Pinapunta muna kami sa aming mga silid. Habang iniimbistigahan daw ang mga pangyayari.  Nagpunta na ako sa kwarto ko. Agad naman akong pinuntahan ng grupo. Parang lahat eh makikichismis sa akin. "Ohh anong meron?" Pag tataka ko. "Oii musta kayo?" Sabi nman ni Goldie. HIndi kami nakalapit sa inyo kanina eh ang daming tao!" Pagdadagdag pa nito. "Ayos naman kami." Sabi ko. "Diba Patricia???" Tanong ko sa kanya. "Oo naman. Salamat pala kanina ahh. Kung hindi dahil sayo patay na tayo ngayon." Wika niya sa malumanay na boses. "Nako wala yun." Sabi ko naman. " Pero alam niyo parang may nakita akong sumilip kanina sa auditorium eh. Habang ng paparactise tayo." Pagsasalaysay ko. "HUh sino?" Tanong naman ni Patricia. "Yan ang hindi ko alam pero parang babae?" Wika ko ulit. "So ibig sabihin ay may kinalaman itong babaeng ito sa pagbagsak ng stage light???" Pag dagdag ni MIchael. "Muka???" Sabi ko. "HIndi kaya warning yun sa atin?" Sabi naman ni Goldie. "Anong warning saan? Eh wala naman sa ating nakarinig ahhh???" Sagot ni Patricia. Nanahimik kami sandali at nag isip. "Teka teka guys! Sa palagay ko ay meron." Wika ko. sabay tingin ko kay MIchael. "O bakit ganya ka makatingin s akin." Wika ni MIchael. "Sino ba ang nakikinig sa usapan natin kanina? Walang iba kundi si Candice." Sa pabulong kong boses.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD