PARANG MAS LALO KAMING NAGULUHAN sa mga impormasyong nasagap namin sa mga litratong iyon. Una ang mga picture ni Mr. Gregory, Ano yun may kinalaman ba talaga siya sa pagkawala ni Ashley o baka may iba pa siyang sikreto. Sunod ang picture ng susian nayon. Ang hirap kayang isa isahin ang mga pintuan dito. Pano pa kaya kung ang hinahanap naming susian ay yung pintuang bawal namin puntahan. At ang pangatlo kung bakit may date yung ibang picture. Samantalang wala naman yung iba. Tama kaya ang aking sipantaha na may ka partner si Ashley sa pag kuha ng mga litrato?
Nakakalat ang mga litrato sa sahig. Para mas ma eksamin namin ito ng mabuti ng biglang mag yabag kaming narinig.
"sino yun?" wikan ni Goldie.
"Shhhh! Sabi nmaan ni Patricia.
Agad akong ng volunteer. Nag punta ako sa harapan ng pinto para tignan ang tao na naroon. Dahan dahan kong binuksan ang doorknob ng pinto ng walang ingay. Habang binubuksan ko ito ay nakita ko sa may siwang ng pintuan na tila may tao. Kaya naman eh mas lalo akong na excite na buksan ito.
"CLICK!" tunog ng pintuan na ang ibig sabihin ay bukas na ito. Hanggang walang habas kong biglang binuksan ang pintuan.
Secret no.12: The New Mate - - - - - - - - ░ ▒▓▓█D
Agad kong binuksan ang pintuan. Ngunit nakatunog yata ito at biglang tumakbo. Bigla ko itong hinabol. Nakita kopa ang paa nito na nasa dulo na ng mahabang corridor ng nakita ko.
"Tigil!" sigaw ko sa kanya. Ngunit hindi niya ako pinakinggan takbo parin siya ng takbo. Hanggang pag kaliwa ko ay bigla kong nabangga si Rupert na may dala dalang mga bola ng basketball.
"Aray" bulalas nito. ang mga bola ng basketball na hawak niya ay nag kagulong gulong sa may hagdanan.
"Pasensya na!" pag papaumanhin ko.
"Bakit naman kasi. Tumtakbo ka?" wika niya habang napapahawak sa tagiliran nito. Napalakas yata ang pag bunggo ko.
"May hinahabol lang ako na tao." Pag sasalay say ko.
"Sinong tao?" Tanong niya sa akin.
Ngunit syempre muli ay hindi ko nalang inilaborate kay Rupert ang nangyari. Ang tanging nasabi ko ay ." hayaan mo nayon. Wala yon."
Agad akong bumalik sa may kwarto. Lahat sila ay excited kung sino ang sumisilip nayon.
"Oi Joshua sino yun?" Tanong agad sa akin ni Patricia.
"wala di ko naabutan!" Agad kong sagot.
"Sino kaya yun?" wika naman ni Rupert habang inaayos ang salamain niya sa mata.
"Basta guys. Simula ngayon ay todo ingat na tayo." Paalala ko nalang sa kanila.
Dahil ngayon ay patindi na ng patindi ang mga nangyayayri dito. kaya dapat eh doble ang pag iingat.
X~X~X
Pag punta namin sa aming Filipino class ay ginulat kami ng isang balita. Mag kakaroon daw kami ng play. At ang gagawin namin ay ang Florante at Laura. Punyemas mapapasabak na naman ako sa actinga nito ahhh. Wala pa naman akong ka gusto gusto sa mga gantong gawain.
Si Mrs. Agustin ang pumili na sa tingin niya daw ay swak na swak sa mga tauhan. At ang inyong lingkod ang napiling Florante. at Si Patricia naman ay ang Laura. Punyamas ohhhh!
Bibigyan kami ni Mrs. Agustin ng mga photo copy ng mga dialog. Dyos por miyo!
"Laura Laura ang aking iniirog!" wika ko na sa medyo napalakas na boses.
"Joshua lambutan mo naman." wika ni Mirs. Agustin.
"Opo!" saaby kamit sa ulo.
Nag tawanan ang buong klase. langya naman ohhh. Napasabak nanaman ako.
Natapos na ang practise namin ng bigla koiang puntahan ni Patricia.
"O bakit mang aasar ka?" wika ko na naka busangot ang mukha.
"Hindi. Gusto mo turuan kita sa acting mag practise tayo mamaya." wika niya sa akin.
Nung una eh medyo nahihiya pa ako. Pero omoo narin ako dahil. Para din naman sa grade ko ito.
Nagpunta ako sa rooftop ng school. Eksaktong alas singko ng hapon. Hindi na masyadong mainit non at mahangin kaya naman eh mas magandang mag practise pag gantong oras.
"Ganto lang yan. Kailangan ay lambutan mo nag dila mo." wika niya.
"Pano? Ganto ba? Laura Laura aking iniirog!" sa malumanay na boses.
"Pwede narin pero medyo matigas pa ng konti." wika niya.
Hinawakan ni patricia ang mga labi kotkunyari eh minamasahe niya para daw mag responce ang mga mussle ko sa bibig at mabigkas ko ang mga letrsa ng malumanay.
Habang ghinagawa niya yon ay napatingin ako sa mga mata niya. Mas maganda pala si Patricia ng malapitan. Nakakahalina.
"O bakit?" wika niya na medyo na awkward din yata sa kin.
"Nako wala!" sabi ko naman.
Agad ni Patricia na tinanggal ang kamay niya sa bibig ko. At tumalikod. "Lika na sa baba. Bukas na ulit tayo mag patuloy." wika niya.
"O sige!" sabi ko naman.
Dahan dahan kaming bumaba. habang bumababa kami ay tinitignan ko si Patricia. Para itong napipi. Hindi nag sasalita. Ewan ko ba kung anong nagawa ko.
"Patricia okey ka lang?" tanong ko sa kanya.
"Huh? oo nman!" agad niyang sabi.
Nag nasa baba na kami ay bigla naman kaming binungad ni Mr. Gregory. Agad kaming gumalang sa kanya. Niyuko namin ang aming ulo.
"Ano hong meron?" Tanong ni Patricia.
"May darating." Sagot ni Mr Gregory.
Wala pang isang minuto ng biglang may dumating na kotse. Magara ito. Halos pang mayaman ang style.
Unti unti ay bumukas ang pintuan nito at may lumabas na isang babae. Hinintay namin ni Patricia kung sino ang babaeng ito. Hanggang nasilayan namin ang kanyang buong itsura.
Unti unti siyang lumapit sa may pintuan ng Magnun Dorm. At biglang sinabo ni Mr. Gregory.
Welcome po sa aming Dorm. Ms. Candice.