NAGULAT KAMING LAHAT SA MGA LITRATO na nagmula sa libro na binigay samin ni Benson. Nag punta kasi kami sa Carlos Verra's Bookstore para magtanong tungkol kay Ashley. Ngunit mas malaki pa pala doon ang malalaman namin.
"Patingin nga ako!" wika ni Patricia habang inagaw niya ang ibang mga litrato. Bakit puro muka to ni Mr. Gregory?" tanong niya sa amin.
"Aba malay namin. Kami ba si Ashley?" pamimilosopo ni Michael.
"Heee! I mean may kinalaman ba si Mr. Gregory dito? Ano siya Reporter nag kukuha ng mga picture?" tanong nito ni Patricia sa amin.
"Maari. Hindi pa natin malinaw kung bakit pero iisa lang ang namumutawi sa isip ko." Marahan kong sabi.
"Ano yun?" tanong naman ni Goldie.
"Maaring may kinalaman si Mr. gregory sa pagkawala ni Ashley." wika ko.
Secret no. 11: Two of a kind - - - - - - - - ░ ▒▓▓█D
Biglang ng ring ang bell pag katapos namin mag usap. Kringggggg! Halos hindi naman kami mag kanda ugaga sa pag tago ng mga litrato sa loob ng libro.
"Anong oras naba?" tanong ni Patricia.
"Ahmmm mag aalas dos na." Sagot naman ni Michael.
"Oyyy baka nakakalimutan nyo may klase tayo sa english ngayon." Pag papaalala ni Patricia sa amin.
"Ayy oo nga pala! paggulat ni Michael."
Agad na kaming nagpunta sa aming claasroom. kasalukuyan ng nagtatawag ng mga pangalan si Mr. Hugo ng dumating kami.
"Buti naman at may gana pa kayong pumasok sa klase ko." wika nito habang hindi na yata maipinta ang mukha.
"Sorry sir!" sabay sabay naming sabi.
As usual nag bigay si Mr. Hugo ng long quiz sa english. Ngunit at this time ay madadali nalang. maaaga rin niya kaming pinalabas dahil may pupuntahan daw siya napaka swerte talaga namin.
"Joshua?" sigaw sa kin ni Michael pag labas namin ng kwarto.
"Bakit?" sabi ko naman pag lingon ko sa kanya.
Sumenyas siya sa akin na parang pinapapunta ako sa kwarto namin. Syempre sumenyas naman ako ng " OO sige!" sabay tingin kunyari sa ibang direksyon.
Nauna si Michael sa kwarto namin. May pinuntahan pa kasi ako at that time. May inutos kasi sa akin si Mrs. Rizza. (Teacher namin sa Science) na tulungan ko daw siyang mag buhat ng mga libro niya. Naman naman oo! Ako na ang hari ng utusan.
"May pag lilingkod pa po ba ako sa inyo?" tanong ko kay mrs. Rizza pag baba ko ng mga libro.
"Nako iho wala na. Maraming salamat ahhh!" pag papasalamat niya.
"Wala po yun!" nakangiti kong sabi.
Agad akong nag punta sa second floor dahil sigurado ay hinihintay na ako ni Michael sa kwarto. nang biglang nabunggo ko si Mr. gregory sa may hagdanan.
"Arayyy!" bulalas ko ng nabunggo ko siya.
"Ohhhh mag ingat ka!" sabi niya sa kin. Na medyo masama ang mukha.
"Nako sorrry po." pag papaumanhin ko.
"Sa susunod ay mag ingat, wag kang padalos dalos." wika niya sa akin. Sabay pag papatuloy ng pag baba niya sa hagdanan.
Hindi ko masyadong inisip ang sinabi ni Mr. Gregory sa akin. Pero parang may nais siyang sabihin. sa totoo lang eh medyo natakot ako sa kanya. lalo nat alam ko na may kinalaman siya sa pag kawala ni Ashley.
X~X~X
Kumatok ako ng tatlong beses sa kwarto namin. Senyasan namin ito. Na parang code na kung saka sakali na may pumasok na ibang tao ay alam namin. Sinundan yung dalawang katok naman sa loob ng kwarto bago ito buksan.
"Ang tagal mo naman!" wika ni Michael sabay lock ng pinto.
"May inutos pa kasi si Mrs. Rizza." sagot ko. Pero hindi ko na kinwento ang pag bunggo namin ni Mr. Gregory sa may hagdanan.
Nagulat din ako dahil hindi lang pala si Michael ang nasa kwarto. Kundi naroon din sila Goldie at Patricia.
"Nasan na yung mga picture?" wika ni Patricia.
"teka lang!" sabi ko.
Agad kong kinuha ang drawer ko sa may ilalim ng higaan ko. Mula dito ay nilabas ko ang libro na binigay ni Benson.
"Yan!!!" wiks naman ni Patricia habang binubuksan niya ang libro at nilalabas ang mga litrato.
Hindi pa kasi namin masyadong nakita ang ibang mga litrato. Dahil narin sa pag ring ng bell kanina. At sabihin na nating time pressure.
"Guys tignan nyo to." wika ni Patricia.
Dun lang namin napanmsin na hindi lang pala Picture ni Mr. Gregory ang naroon. Kundi picture din ng isang taong nakaitim.
"Sino yan?" tanong ni Goldie sa pagtataka.
"Aba malay ko. Puro itim ehhh." Sagot naman ni Patricia.
"Hindi kaya multo yan?" wika naman ni Michael.
"Multo ka dyan? Pagmamataray ni Goldie.
May mga litrato rin ng mga lugar. Ngunit isa lang ang katangi tanging litrato na nagisip kami ng todo. Ang picture ng isang susian ng susi.
"Ano yan?" tanong ulit ni Goldie.
"Sa palagay ko eh. Susian ng susi yan. Kaya lang ang tanong kung saang pinto yan?" pag dadagdag ko.
"Nako halos isang daang pinto pa naman ang narito sa Mgnum alangan namang tignan natin lahat yon. Nako sigurado aabutan tayo ng siyam siyam." wika ni Michael.
Mariin kong tinignan ang lahat ng litrato ng may napansin pa akong iba.
"Guys tignan ninyo. Ilan ba ang camera ni ashley?" seryoso kong tanong.
"Ang alam ko eh. Isa lang." sagot naman ni Patricia.
"Pero bakit ganun parang dalawang camera ang ginamit. Yung isa eh may date tapos yung iba ay wala." pag sasalaysay ko.
"Oo nga no?" pag sang ayon nila sa akin.
Kung ganun eh. Isa pa ang nabuo ko sa isipan ko. Hindi lang si ashley ang kumuha ng mga litratong iyon. Kung hindi dalawa sila. Ang tanong sino pa yung isa?