BINUKSAN KO ANG UNTI UNTI ANG DOORKNOB ng nasabing bookstore. Inikot ko ang doorknob ng pakanan. CLICK! saka naman ito bumukas.
Unit unti ang pagbukas ko sa may pinto. Bling!!! umalingaw ngaw ang bell pag katama dito ng dulo ng pinto. Imposibleng wala ni isang nakarinig nito mula sa loob. Ngunit tila walang lumalabas.
"Tao po?" pag tawag ko sa loob. Ngunit wala paring lumalabas. "Patricia dun kamuna sa gilid ng pinto silipin mo kung parating na si Mrs. Patty." utos ko.
Agad naman akong sinunod ni Patricia. Agad siyang nagpunta sa may pintuan. At sumilip sa gitnang salamin nito.
Time check: 27 minutes. Pag tingin ko sa kaing relo.
Secret no. 10: Photograph and Memories. - - - - - - - - ░ ▒▓▓█D
Maliit lang ang Crlos Verra's Bookstore. HIndi ko inaasahan na ganto lang ito kaliit. Ang ini expect ko kasi ay malaki ito. Kahit mga one fourth sana ang library namin sa magnum pero I was dissapointed. Eh halos pag tingin ko sa kaliwa ko eh isang shelves lang libro ang naroon. Siguro mas malaki lang ito ng banyo namin sa magnum ang sukat nito.
Muli ay sumigaw ako sa may counter. "Tao po nag mamadali po kami!!!" sigaw ko. Habang pinapadyak ko ang aking paa sa flooring ng nasabing bookstore. Pambihira naman ohh baka mahuli kami!!!!
Sa loob ng counter ay biglang may lumabas na lalaki. Naka mask ito ng itim. Ang lakad nito sa akin ay paunti unti. Tila para akong naonood ng suspense movie na siya lang ang hinihintay ko para ako ay saksakin.
Huminto siya sa harapan ng counter at sinabi. "Anong maipag lilingkod ko sa inyo." wika nito sa marahang boses.
"N-n-n nga punta po kami dito para po magtanong kay Ashley???" pautal utal kong sabi.
Tumawa ng malakas ang lalaking naka mask nayon.... "Ha ha ha! ganun ba?" wika nito sa masayahing boses na. Tinanggal niya ang kanyang maskara at tumambad sa akin ang aayo niya.
Sa palagay ko eh mga 29 years old ito. Na medyo singkit ang mata. Na super todo ang pag smile.
"Pasensiya na at natakot ko kayo. Ako nga pala si Benson ang apo ni Carlos verra. ang may ari nitong bookstore." nakangiti nitong sabi.
Akala ko eh. Kung ano ng na encounter ko. Muka naman siyang mabait sa palagay ko kaya naman eh. Sinabi na namin ang aming sadya.
"Nadito po kami para mag tanong kung may pinaiwan po ba dito si Ashey smith???
"Teka ahhh tignan ko lang sa record namin." wika nito.
Habang tinitignan ni Benson ang mga pangalang sa record nila ay kinamusta ko si Patricia sa may pinto kung ayos siya.
Time check: 20 minutes left! sus ang bilis ng oras.
"Ayun!" bulalas ni Benson sa akin. Sumunod ka sa akin.
"Sige po." sagot ko.
Binuksan ni benson ang pintuan sa may likod ng counter. Pag silip ko dito ay may isang hagdanan papunta sa undergroung ng bookstore. Wala akong makita sa ibaba nito. Puro dilim. Akalain mo nga namn oo may ganto pa pla sa boostore na to.
Muli ay sinenyasan ko si Patricia na nasa pintuan nagbabatay. "Sandalali lang ko." senyas ko sa kanya. "mag ingat ka!" senyas naman niya sa kin.
Mahaba ang hagdanan na iyon. Napapahawak nalang ako sa pader na nakakapa ko sa kadilian ng lugar. ang tanging nagbibigay lang sa amin ng liwanag ay ang ilaw na hawak hawak ni Benson.
"Nandito na tayo." wiak niya. Pag dating namin sa baba.
"Huh eh wala naman po akong makita eh." pag rereklamo ko.
"Teka lang." wika niya.
Nag punta si Benson kalahating kilometro halos sa kinatatayuan namin at bigla niyang binuksan ang switch ng ilaw.
Agad na lumiwanag sa buong lugar. Isa pala itong malaking kwarto na ubod ng dami ng libro. ito ay may tig iisang booshelve lang sa bawat pader nito ngunit ang bawat isa ay natataglay ng taas na halos 9 feet. halos tumingala na ako sa pinaka dulo ng naaabot ng bookshelve.
"Ano nga ulit ang panglan ng kaibigan nyo?"
"Ashey Smith po!'' agad ko namang sagot.
Kinuha ni Benson ang isang hagdanan at inakyat ang nasa gitnang bookshelve. Marahan niyang tinignan ang mga title ng libro. "Yes ito nga!" bulalas niya. Kinuha niya ang librong iyon at tuluyan ng bumaba.
"Ashley Smith from Magnum Academy tama ba?" tanong ni Benson sa akin.
"Opo yan nga!!!" excited kong sabi.
"Matagal natong binigay ni Ashley dito. Ibigay ko ko raw to sa nararapat." sabay tingin niya sa akin.
Anong nararapat ibig sabihin ba nito eh. Im the chosen one. Ha ha! parang super hero lang ahhh!
Agad na akong pumanik sa may taas. Habang hawak hawak ko ang libro na iyon sa aking kamay. Ngunit pag taas ko ay wala na si Patricia. Langya sa na kaya nag punta yun???
X~X~X
"Patricia lika na" sigaw ko ngunit walang sumasagot." bigla akong ninerbiyos. Pano kaya kung si Paricia naman ang nawawala at dinukot. Anong sasabihin kong alibi. Nakoooo!
Ng biglang "Booo!!!" sa likod ko. Langya talaga tong si Patricia ohhh. Nagagawa pang mag joke sa mga gantong sitwasyon.
"Lika na! sabi kosa kanya."
Time check 5 minutes left.
Agad kaming kumaripas ng takbo. Halos sa kabilang kanto pa kami pupunta. Halos 5 minuts din ang layo. Kung tatakbuhn langya oo! Ano to partay p*****n. Ano kaya kug lumipad nalang kami.
"Dali Patricia dali!!!" sigaw ko habang tumatakbo. Si Patricia naman ay mahina sa mga gantong takbuhan talaga nga naman oo!!! baka ma late pa kami nito.
May part pa na himinto so Patricia dahil napapagod na raw siya. "teka teka!" wika nito na napasandal na sa pader at hinihingal. Ang kamay nito ay nakahawak na sa dib dib niya. Nako naman ohh anak mayaman kasi. Buti nalang ako DUKHA!!! sanay sa lakaran at takbuhan.
Pag dating namin sa palengke ay buti nalang eh wala pa si Mrs. Patty siya naman yata ang na late. Umupo ako sa mismong spot kung san ako ng drama kanina. Si Patricia din ay pumorma na.
"Oyyy ano ayos lang kayo?" wika nito sa amin. Habang hawak hawak ang basket na punong gulay. Kinuha ko ang naturang basket at gayon din si Patricia.
"Aba magaling na ang paa mo joshua???" pag tatakang tanong nito.
"Ayy Oho!' sabi ko naman.
"O siya. samahan nyo pa ako at may bibilihin pa ako sa loob." sabi niya.
X~X~X
Pagdating namin sa Magnum eh. Agad kaming nag tipon tipon ng grupo sa dulo ng Library. lahat ay halatang excited sa balitang masasagap namin. Ngunit ano naman kaya ang sikreto ng librong ito kung saka sakali?
Mula sa aking Jacket ay nilabas ko ang librong binigay sa amin ni Benson.
Hindi naman ito kalakihan ngunit may aking kapal. Naka sealed pa ito ng makapal na masking tape. mukang ayaw sa aming ipabasa.
"Ano yan libro o another diary?" Pabirong tanong ni Michael.
"Para siyang book of witch!" sabi naman ni Patricia. "Oi ahh super duper ang pagod ko diyan ahhh bago namin makuha yan. Talo ko pa ang sumali sa running sa olympics." Dagdag pa nito.
Nagtawanan ang lahat. At nakalimutan namin na nasa libray pala kami.
"SHHHH!" sabay sabay ng mga tao na nandoon.
Tumahimik kaming apat. At pinag patuloy ang pag digest sa naiiwang clue ni Ashley ang librong ito.
Dahan dahan kong tinanggal ang masking tape ng naturang libro. At dahan dahan ko tong binuksan. Sa unang page nito ay blanko. Kulay itim lamang.
"Nako ahh baka until the end banko nanaman!" wika ni Goldie.
Binuklat ko ulit ang mga pages nito. At nabigla kami dahil sa gitna pala nito ay parang may naka ukit na sikretong lalagyana. Para bang sinadyang lagyan ito para malagyan ng gamit.
"Ano yan?' tanong ni Patricia.
Ang laman nito ay mga nakataklob na mga litrato. Halos 40 photos din yun. Nang itoy among tignan ng malapitan ay nagulat ulit kami dahil. Karamihan sa mga litratong ito ay kuha ng mga muka ni Mr. Gregory.
Ang dean ng Magnum Academy!