MAHIMBING ANG TULOG KO ng ginigsing ako ng isang kakaibang tinig. Para siyang humihinga sa tenga ko. Ramdam ko ang konting hangin na lumalabas mula sa kanyang ilong. Alam ko ito. Dahil pareho ito ng sensesyon pag nagbubulungan kami nila Michael.
Pinaparamdaman ko lang kung ganon parin siya makalipas ang ilang minuto. Pero wala paring nagbago. Unti unti kong kinuha ang cellphone ko sa gilid. Ito ang ipang tatapat ko sa muka nitong nilalang na to pag patuloy parin siyang nasa gilid ng ulo ko. Patay pa naman ang ilaw.
Balak kong gisingin si Michael sa Kabilang kama. Pero pano kung may dalang panaksak tong nilalang na to at bigla nalang akong saksakin pag nag ingay ako. O kaya eh sakalin na lang ako bigla. Ang daya naman ohhh. Talo ako.
Unti unti kong inangat ang cell phone ko. Tinapat ko ito sa gilid ng tenga ko ng walang ginagawang ingay. Mas mabuti munang makita ko ang muka niya bago man siya makagawa ng anumang ikakamatay ko.
Pinindot ko ang menu sa bago kong touch screen na phone. Hanggang tumambad mula sa kaliwang tenga ko ang nakatalukbong na muka ng isang tao. Hindi ko mawari kung lalaki ba siya o babae. Nanlilimahid ang panakbong niya sa ulo ng dugo. Hanggang bigla nalang niya akong sinakal.
Secret no.09: Plan by Minutes - - - - - - - - ░ ▒▓▓█D
"Hoy Joshua gising!!!" pag gising sa akin n Michael.
Tagaktak ang pawis ko. Akala ko tala eh totoo na. Para kasing true to life ang lahat. Parang hindi panaginip.
"Dude ano bang nangyari?" Sabi ni Michael habang nag aalala narin.
"Sama ng panaginip ko. Taong naka talukbong. Hindi ko alam kung sino." Pag sasalysay ko kay Michael. Habang tuloy parin ang hingal ko.
"Sino naman kaya yun? Di kaya si Ashley yon?" dugtong ni Michael.
"Di ko alam. Siguro?" sabi ko naman.
Biglang ng ring ang bell big sabihin na nito na simula na ang agahan.
"Dude lika na sa baba. Wag mo nag alalahanin yun." sabi ni Michael.
"Sige sige mauna kana. Susunod nalang ako." sabi ko.
Nauna na si Michael sa baba. Ninais ko munang tumigil sandali sa kwarto. Bago pa man ako bumaba. Ewan ko ba pero isa pang misteryo nanaman ang taong nakatalukbong na yon.
"Oi bakit ang tagal mo?" tanong ni Patricia sa akin pag baba ko.
"Wala lang." Pag sisinungaling ko.
"Nako nanaginip kasi yan." pag patong ni Michael.
''Ano tungkol san?" tanong naman ni Goldie habang kumukuha ng tinapay.
"Tungkol sa taong naka talukbong ang mukha?" Sabi ko.
Napatigil si Goldie sa pag subo niyang ng tinapay sa nasabi ko. "Oh my!" tanging nasabi niya.
"Hindi kaya si Ashley yun?" tanong niya sa akin.
"Di ko alam?" sabi ko. "Hindi ko kasi mawari kug lalaki siya o babae." pag dadagdag ko.
"Yan din ang sinabi ko sa kanya." Hirit ni Michael.
"San nga pala si Rupert?' tanong ko
"Yun nandun sa bago niyang nililigawan si Rowena sa kabilang room natin." Chismis ni Patricia. saka okey narin yun dahil hindi na tayo mag sesenyasan pag nandito siya."
"Korek!' dagdag ni Goldie.
Dumating si Mrs. Patty sa dinig area. Kinamusta niya kami kung masarap ang mga niluto niya.
"Yes Ma'am!!!" sabay sabay naming sabi.
Hanggang humirit na tong si Goldie.
"Ahmmm Mrs Pat! Pwede po ba kaming sumama sa inyo sa pamamalengke mamaya." Hirit ni Patricia.
"Ahhhm sige yun lang pala eh." agad namang sagot ni Mrs. patty.
Yun kasi ang plano. Para Makapunta kami sa Carlos Verra bookstore eh kailangan naming sumama sa pamamalengke ni Mrs. Patty.
"Kaya lang po Gusto ko pang magsama ng isa." Pag hahabol ni Patricia.
"Huh! sino naman?" tanong din naman ni Mrs. patty.
"Si Joshua po!" agad na sagot nito.
X~X~X
"Yes!!!!" laking tuwa ni Patricia. "So ano na?" tanong nito habng nasa dulo nananman kami ng library.
Nilabas ni Patricia ang listahan ng bibilihin namin maya maya.
"Teka teka? Bakit ba natin dapat malaman kung ano ang mga dapat bilihin ni Mrs. Patty?" tanong ni Michael.
"Para malaman natin kung gaano tayo dapat tumagal sa bookstore." sabi ko. "akin na ang listahan?" utos ko.
Nilatag ko sa table ang naturang listahan.
"Kunyari." sabi ko. "Itong Petchay. sabihin na nating 5 minutes bago si Mrs. patty makakuha o makapili. Ngayon idadag dag natin yan sa oras na itatagal natin sa bookstore kung saka sakali." pag sasalay say ko.
"Ahhh ganun pala yun." pag hanga ni Michael.
"Teka sino naba dito ang nakaputa na ng palengke?" tanong ko naman.
"Ako!" sabi ni Goldie na over over ang self confidence. "kaya lang isang beses lang." sabi pa nito.
"okey nayon . Atleast may idea na tayo.'' Pahabol ko.
Kinompute na nqmin lahat ng bibilihin. May carrots , petchay, hotdog, at kung ano ano pa. Haggang umabot sa 30 minutes lahat ang tagal nang oras ang nakuha namin.
"So 30 minutes lang lahat???" sabad ni Patricia.
"Estimated pa lang yan kasi naman eh sa isang tindahan for example tatlong ingredients agad ang bibilihin. Saka tabi tabi lang naman ang mga suki dun ni Mrs. Patty" Pag sasalaysay naman ni Goldie.
"Sa totoo lang mahaba haba na ang 30 minutes ahhh. Teka gano ba kalayo ang Carlos Verra?" tanong ko ulit.
"Alam ko eh sa kabilang kanto pa yun ng palaengke so mga 5 minutes bago pa makarating don." sabi ni patricia.
"Nu bayan!!! paunti ng paunti ang oras ahhh." bulalas ni Michael.
"Hindi okey na yan. basta bilisan na lang natin ang kilos mamaya." sabay tingin ko kay Goldie.
"Oo." Agad naman niyang sabi.
Nilapag ni Goldie ang kamay niya sa gitna ng lamesa. At isa isa naman kaming nagsipatong dito.
"kaya natin to." pahabol ko pa.
X~X~X
Nagpunta na kami ng bayan. HInatid kami ni Mang Nestor. Halos isang oras din ang byahe. Gubat na gubat ang dating. Talaga namang siyam siyan pag nilakad mo. Siguro aabtan kami nito hanggang hapon.
Mas nag liwanag na sa akin ang lahat. Nung una ko kasing punta dito eh gabi kaya naman eh parang nakakatakot. Pero ngayon eh kakaiba. Buhay na buhay ang kalakalan dito. Malaying malayo sa kababalaghan na namumutawi sa Magnum.
Unang bumaba ng sasakyan si Mrs. Patty dala dala nito ang isang malaking basket. Mukang nadagdagan yat ang mga pamimilihin niya ahhh. Pabor naman sa side namin dahil mas matagal rin kami sa bookstore.
"Malayo paba dito yung palengke?" tanong ko kay Patricia pag kababa namin.
"Mga isang kilometro pa." sagot niya sa akin.
" Ahhhh sige."
Ako lang pala at si Patricia ang sumama. Ayaw ni Goldie good luck na lang daw sa amin.
Nag simula na kaming mag lakad. Wala pa kami sa mismong palengke pero marami na ang mga vendor na nagtitinda sa gilid ng kalye.
Sumenyas na sa akin si Patricia. bigla na akong kumilos. "ARRRAYYY!" sigaw ko. habang kunyari eh may nangyari sa paa ko.
"O bakit?" tanong ni Mrs. Patty sa kin.
"Di kopo alam pero biglang sumakit yung paa ko." Alibi ko.
"Nako sige magpahinga ka muna diyan." Sabi ni Mrs. patty. "Lika na Patricia." yaya nito.
"Ahhhmm. Sasamahan ko po muna si Jsohua dito." Sabad ni Patricia.
"Ganun ba. pano bato?" Sabi niMrs Patty habang napapakamot ng ulo. "O sige pero babalikan ko kaagad kayo dito ahhh." sabi niya sabay alis.
Sinundan namin ng tingin si Mrs. Patty hanggang mawala ito sa aming paningin.
"Ano joshua Lika na?" sabay kindat sa akin ni Patricia.
"Sige" sabi ko naman.
Kumaripas kami ng takbo papunta sa nasabing shop. halos ilipad na kami ng hangin sa sobrang bilis.
"Time check: 28 minutes." sabi ko.
Hinihingal pa kami ng kami ay napapad sa pintuan ng naturang Carlos Vergara Bookshop. Nakalagay pa sa sign board nito ang kumininang na pangalan ng Bookstore.
"Ano pasok na tayo" wika ni Patricia na tila hinahapo pa ng hingal.
"lika na!" sabi ko naman.