NAGSIMULA NA KAMING KUMILOS ang plano eh titignan namin ang mga panaglan ng mga student ng magnum sa computer ni Ms. Lilibeth. Na curious kasi kami kung dito nga ba sa school namin ang taong nanganagalan ng Carlos Verra.
Kaya naman eh pumunta na kami sa pwesto ni Miss. Lilibeth at sinimulan nanamin ang aming unang plano.
Secret no.08: Carlos Verra - - - - - - - - ░ ▒▓▓█D
Unang kumilos si Patricia. Pumunta siya sa pwesto ni Miss. Lilibeth sa kabailang lamesa. Inis torbo niya ang pag aayos nito sa mga bagong libro.
"Miss. Lilibet pwede po bang patulong ako sa paghanap ng libro." sa malumanay na boses.
"Nako iha hindi pwede. Marami akong ginagawa ngayon." pag sasagi ni Miss.
Nagkatinginan kaming lahat buhat sa ibat ibang direksyon. Kailangan naming mapa layo si Miss sa naturang computer nito.
"Miss. Lilibeth sige na po. " pagpupumilit ni Patricia.
Medyo napangiwi si Miss. At milagrong napaoo niya ito.
Dinala ito ni Patricia sa Poetry Section. HInawakan niya ng mahigpit ang kanang bisig ni Miss para macontrol nito kahit papano ang kanyang galaw.
"Ano bang hinahanap mo Iha?" tanong ni MIss dito. habang tumutingin tingin sa mga bookshelf.
"Ahhhm.. yung kay Toronto Bascal po?" sagot naman ni Patricia an medyo nanginginig pa ang boses.
"Teka meron banon?" pagtatakang tanong ni Miss.
"Opo naman!" pataas na sagot ni Patricia.
Sa likod ni Patricia ay sumesenyas na ito. Pinapaikot nito ang kanyang kamay na ang ibig sabihin ay GO NA!!!
Palihim akong ngpunta sa computer ni Miss na nasa desk nito. Ako ang naatasan nila dahil daw sa background ko sa pag pipindot sa computer.
Sila Goldie at Michael naman ay taga look out sa kanan at kaliwa.
Pinindot kona ang mga button ng computer pinagalaw ko narin ang cursor nito. Nilagay ko sa search engine ang file name ng mga student at gotcha bigla itong lumabas.
Multi task ang ginagawa ko ng mga oras nayon. Dahil habang nakatingin ako sa computer ay sinisilayan korin sila miss at Patricia sa di kalayuan.
Nang mag oras nayon ay magandang pag kakataon dahil iisa lang ang tao bukod sa amin. Ewan ko ba pero parang sumasang ayon sa amin ang pag kakataon.
Sa pangat long pag harap ko kila Patricia ay nasanggi ko ang isang ballpen na nandoon. Umikot ikot ito sa ibaba ng lameasa at ngapagulong ghulong sa ibaba. Nag gawa ito ng ingay. Sa aking pag kakarkula ay narinig ito hanggang sa kinatatayuan ni MIss. Eh sa kasalukuyan pa naman akong nag e escan ng mga pangalan mula sa letter C.
Biglang tumingin si Miss sa direksyon ko.
"Ano yun?" wika niya.
"Nako MIss. Wala po yun." Pananakip ni Patricia. na narinig din ang ingay.
Agad akong nagtago sa ilalim ng desk ni Miss. Akma naman itong pupunta sa kinaroroonan ko para tignan kung ano ang nahulog. Pero buti nalang at biglang gumawa ng eksena si Goldie.
"MIss" wika nito. Inulit niya ang kunyaring sa kanyang nahulog na ballpen. Talagang sindya niya na sa harapan ni Miss ito ibagsak para malaman na ballpen lamang ang tanging nahulog. Agad naman itong na gets ni MIss. at sabi.
"Yan lang pala yung narinig ko." wika nito.
"Oo nga po miss yan lang yun." patong naman ni Patricia. Habang nagkakatingin naman siya at pati na si Goldie.
Pagkatapos nun ay agad na akong umalis sa harapan ng desk ni Miss. Lilibeth. Sumenyas na rin ako kila Michael at Goldie. Si Patricia naman ay umalis narin. Kunyari eh hindi na siya interesado na hanapin pa ang book of poems na hinahanap niya.
X~X~X
Tanghalian. Nag tipon tipon na naman ang lahat sa hapag kainan. Syempre ako ang una nilang tinanong lahat.
"Joshua may nahanap kaba na Carlos ang pangalan?" tanong ni Patricia sa akin. Habang nakatuon pa ang kamay niya sa lamesa.
"Nako wala. Hinanap ko na ang buong letter C. May Carlos pero hindi Verra ang apilyido." pagsasalaysay ko.
Biglang nalungkot ang lahat. Habang parang semana santo ang bawat isa ay dumating naman si Rupert. syempre as always. Parang clown yung muka nito na laging nakangiti.
"Hey guys!!! parang semana santo ang mga muka ninyo?" sita nito samin.
"Kasi nakita ka namin." sabad naman ni Goldie.
"Hala bakit ako? Nag sorry na nga ako diba." pagkalungkot nitong sabi.
Dumating na si Mrs. Patty. Dala na nito ang pag kain namin na sharshadong bangus belly. At ensaladang green mango. pati yata si Mrs. Patty ay nakita ang mga busangot naming muka.
"O anong nangyari sa inyong lahat?" tanong nito.
"Wala ho." Pagsisinungaling ni Michael.
Nilapag ni Mrs. Patty ang ulam na dala dala niya sa lamesa at Pumewang.
"Alam ninyo. Hindi lang kayo ang nawalan ng kaibigan dito. Ako rin." pag sasalay say niya. "Halos pangalawang taon na niya dito sa school na ito. Na mimiss ko rin yung pag sasama niya sa akin sa palengke. Tapos nag papaalam siya sa akin na mag pupunta siya sa Carlos Verra Bookstore." wika ni Miss Patty na parang nag iimagine pa.
Nagkatinignan kaming apat. Napaisip kami. Kaya pala walang pangalan ng Carlos Verra sa files ng student sa school nato dahil hindi pala siya pangalan ng tao. Kundi pangalan ng bookstore. Oo nga naman nakalimutan ko rin na mahilig pala si Ashley sa mga libro. Pero bakit niya sinulat sa last page ng diary niya ang Carlos Verra. Ibig sabihin ba nito ay may tinitago siya buhat dito???
Napansin yata ni Rupet ang pag titinginan namin kaya naman eh todo rin ang tanong nito.
"Oiii mga classmates??? okey lang kayo?" tanong nito.
"Oo naman." sabi ni Patricia na hinahampas naman ang paa ko sa ilalim ng lamesa.
"Oo okey lang kami" sabi ko
X~X~X
Nagtipon tipon ulit kami sa library. Ito na yata ang magiging hideout namin. Este meeting place pag may mga gantong kaemportanteng pag uusap.
"So here it goes." pag puputol ni Patricia sa pag sasalita niya. "Kailangan nating makapunta sa bookstore na yon sa bayan." pabulong nitong sabi.
"The question is. Pano? Ano yun sasawayin natin ang rules ng school nato na hindi pwedeng lumabas ng walang permiso." sabi ni Goldie.
"At kung magpaalam man tayo. Sure ba na papayag si Mr. Gregory?" wika naman ni Michael.
"At anong papaalam natin. Na ag iimbistiga tayo sa pag kawala ni Ashley? Ayoko na kayang makita na manlaki pa ang mga mata niya." mas nakakatakot yun no? patong ni Patricia.
Agad nanaman ng nag isip ang lahat.
"Guy may naisip na akong plano." sabi ko.
"Ano yung?" sabay sabay silang sabi.
"Lapit kayo dito at ibubulong ko." sagot ko.
Nilapit nila isa isa ang kanilang mga tenga. Para silang mga chismosa na sabik na sabik sa chismis. At ako naman ay may mahalagang impormasyon ang pinamalita sa kanila.