Tuesday na at ngayon din ang practice namin para sa program bukas. Then next week, practice naman for cheerdance. Another busy day.
"Okay. In one, two, three. . ." anang choreographer.
Kasalukuyan kaming nasa dancing room dahil napag-usapan ng lahat na sayaw na lang ang ipe-present para bukas at napili naming sayaw ay Despacito.
"Good job, guys. Let's give our best tomorrow!" wika ng class president.
"Yes, pres!" sagot naming lahat.
At dahil tapos na ang practice namin ay nanood na lang kami sa mga estudyanteng sumasayaw sa hall.
"Gusto mo?"
"Naknang!"
Halos mapatalon ako sa gulat dahil sa biglaang pagsulpot ng taong nasa harapan ko ngayon. Napabuntong hininga ako. Siya na naman.
"Take this." Inilahad niya ang kamay sa akin.
Yes, you read it right. Si Marco Ramos na naman. Inaalok niya ako ng pagkain. Kailan ba siya mawawala sa paningin ko? Akala niya ba nakalimutan ko na ang ginawa niya sa akin noong nakaraan? Hah, asa siya!
"No, thanks," iritable kong tugon saka siya tinalikuran.
"Okay, then," aniya sabay lagpas sa akin.
Oh-kay? What was that?
***
Nakatambay kami ngayon nina Ella at Hazel sa Cafeteria. Napagpasyahan naming kumain dahil sa gutom at pagod na rin siguro sa practice.
"Anong gusto niyo, girls?" nakangiting tanong sa amin ni Ella habang namimili sa menu.
"Frappe lang sa akin, beb," I replied.
"Cheesecake and Frappe din," ani Hazel.
"Okay, treat ko!" saad ni Ella.
Nagkatinginan kami bigla ni Hazel. Napapansin ko rin na napakajolly niya ngayon although jolly naman siya palagi, pero parang iba. Parang may something na gusto niyang sabihin sa amin or what.
"May sakit ka ba, beb?" Hazel asked.
"Wala. Kailan ba ako hindi nanlibre?"
"Uh. . . kahapon!" natatawang ani Hazel.
"Syempre, absent ako." Natawa na rin si Ella.
"Wala bang something, beb? Spill it out," I asked out of curiosity.
"Mom and Dad are coming home next week to watch our cheerdance! I'm just happy, that's why."
Bahagyang napawi ang ngiti sa labi ko. Naalala ko sila Mom and Dad. Ang tagal pa bago ang pag-uwi nila. Hindi ko rin sigurado kung susunod pa ba ako sa kanila sa Korea o hindi na. Ngumiti na lang ako muli nang mapansin nilang natahimik ako.
"Mamaya na ang daldalan, mag-order ka na at kumain na tayo. Nagugutom na ako," pambabasag ni Hazel sa katahimikan.
Nag-order na si Ella. Maya-maya pa ay dumating na rin ang tray na may cheesecake, frappe, at chocolate cake. Basta talaga sa pagkain, nagkakasundo kaming tatlo. Pare-pareho kaming food lover, mahilig din kaming magbasa ng novels at lalong-lalo na ang magselfie.
Pagkatapos naming kumain ay bumalik na rin kami kaagad sa room. Matapos ang ilang discussions ng mga professor tungkol sa program ay nag-uwian na rin.
"See you both tomorrow!" Ella shouted.
"See you!" I waved my hand.
"Bye, girls," paalam ni Hazel.
Pagkapasok ko sa kotse ay nagpahinga na ako. Mabuti na lang at walang traffic ngayon kaya mabilis lang kaming nakauwi.
Nang makarating sa bahay ay umakyat kaagad ako sa room ko. Nagbihis lang ako ng pambahay then I started to browse online.
Habang nags-scroll ako sa newsfeed ay biglang nahinto 'yon sa picture ni Marco. He changed his profile picture.
Marco Ramos updated his profile picture. 2 mins ago.
178 likes 29 comments.
Wow. Famous, huh?
Nagulantang na lang ako nang biglang mag-hang ang cellphone ko kaya napindot ang like button sa profile niya. Akmang tatanggalin ko na pero biglang namatay ang phone ko.
Bakit ngayon pa talaga?
I immediately get my laptop then logged in. Sa sobrang kayabangan niya ay baka isipin niya na kaya ko ni-like 'yong profile picture niya ay dahil like ko siya. Tsk!
Hinanap ko muli ang account niya at inalis ang like doon. Sa wakas, nakahinga na ako nang maluwag. Nang bigla na lang siyang magchat ay nasapo ko ang noo ko. Kailan ba ako titigilan ng lalaking ito for good?
Marco Ramos: Hi, Faye.
Faye De Leon: You again? I'm gonna block you!
Marco Ramos: Don't.
Pipindutin ko sana ang block button nang bigla akong tinamaan ng konsensya. Napatitig ako nang ilang segundo sa chat niya. Am I being too harsh on him? Wala naman siyang masamang ginawa sa akin. Napasinghap ako at nagtype ng reply.
Faye De Leon: Fine. I won't block you.
Marco Ramos: Thank you. By the way, hindi ba bukas na 'yong program? Ano napili niyong i-present?
Faye De Leon: Yeah, dancing.
Marco Ramos: Are you good at dancing?
Faye De Leon: I don't know.
Marco Ramos: Let's see. I will watch you dance tomorrow.
Nanlaki ang mata ko. I was about to reply but I noticed that he's already offline a minute ago.
What the heck?
***
Kinabukasan ay naghanda na kami para sa program. Am I ready? Napatitig ako sa kawalan nang muli kong maalala ang huling chat ni Marco kahapon.
I will watch you dance tomorrow. . .
"Bakit niya naman ako panonoorin?" mahinang sambit ko sa sarili ko. "Ano naman? Bakit affected ako? Panonoorin lang naman, ha?"
Ayaw ko!
Aish, nababaliw na yata ako. Pati sarili ko ay kinakausap ko na.
"Hoy, problema mo?" Tanong ni Hazel nang mapansing hindi ako mapakali.
"Anong oras ba start ng program?" pag-iiba ko ng topic.
"Mags-start na daw. Taray! Ikaw nasa unahan mamaya."
"Si president na lang kaya sa unahan?" kabado kong pakiusap.
"At bakit, aber? Mahihirapan tayong mag-adjust kapag ginulo pa ang formation. Ikaw na sa unahan, magaling ka naman, beb."
"Nahihiya ako." Napaiwas ako ng tingin.
"Keri mo 'yan! Lahat naman tayo sasayaw, sa unahan ka lang talaga nakapuwesto. Kaya natin ito, okay? Fighting!" pag-eencourage ni Hazel. Napasinghap na lang ako.
Nagsimula na ang program. Ang iba ay sumayaw, ang iba kumanta, ang iba naman ay nag-spoken word poetry. At ngayon naman ay kami na ang pupunta sa stage.
"Now, let's call on another section from building A! They will dance, too. Let's give them a round of applause," anang emcee.
Hindi pa kami nagsisimulang sumayaw ay sobrang ingay na sa paligid. Napangiti ako. Ang tataas ng energy nila.
Nasa gitna na kami ng kanta. Nagpahinga muna ako sa backstage dahil wala pa doon ang part ko. Pagkatalikod ko ay natigilan ako sa gulat nang makita ang taong nakatayo sa harap ko ngayon at nakatitig sa akin.
"Goodluck." He smiled at me then he pinched my cheeks again before he left.
Naiwan akong nakatulala roon. What the? He got that habit of pinching my cheeks, huh?
Nang matapos kaming sumayaw, ang lahat ng tao sa bleachers ay nagsitayuan at pare-parehong humiyaw at pumalakpak.
"Ang galing nila!"
"Woooh! More, more, more!"
"Da best!"
Napangiti ako nang bahagya sa mga naririnig kong comments at puri nila. I'm just so proud that. . . I did it, we did it!
***
Naunang nagpunta sa room ang mga kaklase ko samantala ako ay nagpaalam na magpapalit saglit ng damit. Patungo na sana ako sa locker upang kuhain ang extra t-shirt ko nang makasalubong ko na naman ang taong kinaiinisan ko.
"Congratulations, Faye," bati ni Marco at ngumiti.
"Thanks," matipid kong saad.
"You did great. I'm proud of you. . ."
"I... I gotta go. Bye!" nagmamadaling paalam ko.
Kaagad akong nag-walk out kahit hindi pa ako nakakapagpalit. Ang hirap na mag-stay doon. Nakakailang ang atmosphere dahil kami lang dalawa ang nandoon. Dali-dali akong tumungo sa room at sinalubong ang mga kaklase ko.
"Congratulations, guys!" The president exclaimed in joy. "Job well done! Let's thank our choreo and also Faye because she's the one who picked our song. It was matched perfectly with our dance steps."
"Thank you, Faye!" My classmates said.
"Wala 'yon, ano ba kayo. Nanalo tayo kasi nagkaisa tayong lahat at pinaghirapan talaga natin." I smiled.
"Yey! Group hug!"
Success. . . That's the result of unity and hardwork.