Ang nakakasilaw na sinag ng araw mula sa bintana ang nagpagising sa akin. Hays, Monday na naman.
Umalis na si Mommy noong Sabado pa ng hapon. She’ll contact me na lang daw. Hanggang ngayon, I’m still thinking about whether to follow my parents in Korea on Christmas break or not. Napailing ako. Hindi na nga muna ako mag-iisip nang kung ano-ano. Napapagod na ang utak ko.
“Ma’am Faye?” Tapik sa akin ni Manong Raul na nagpabalik sa ulirat ko.
“U-Uh, po?”
“Kanina ko pa po kayo tinatapik, ayos lang po ba kayo?” Tanong niya. Dahan-dahan akong napatango. “Nandito na po tayo.”
Sa kakaisip ko ng ide-desisyon ko sa sinabi ni Mom ay hindi ko na namalayan na nandito na pala kami sa West University.
“Bye po,” paalam ko na lang bago bumaba sa kotse.
Nang maaninaw ko si Hazel ay dali-dali akong tumakbo papalapit sa kaniya at kumapit sa braso niya.
“Ay, tupangina!” gulantang na aniya.
Natawa ako. “Sorry! Nasaan pala si Ella?”
“Nagchat siya sa group chat natin na hindi raw siya makakapasok kasi babantayan niya raw si Lily dahil nakaday-off daw ang mga maids nila- Sandali, nagba-backread ka ba sa group chat?” nakataas kilay na tanong niya sa akin.
“Syempre. . .” I paused. “Hindi.”
Napairap siya. “Psh, sabi na, eh. Halika na nga.”
Habang naglalakad kami patungo sa room ay may nakasalubong kaming isang babae. Nagulat na lang ako nang bigla siyang umarte na natapilok.
“Ouch! You hit me!” sigaw niya sa aming dalawa. Nagsalubong naman ang kilay ko sa pagtataka.
“Luh, pinagsasabi mo d’yan? Nasa gilid na nga lang kami tapos mababangga ka pa namin?” depensa ni Hazel. “OA lang?”
“See?” Pinakita niya sa amin ang parang tuldok na gasgas niya sa binti. “This is your fault!”
“My God! I hate drugs! Huwag mong ibintang sa amin ang katangahan mo, girl,” naasiwang ani Hazel.
“You ugly—”
Hindi na natuloy ng babae ang sasabihin niya nang sampalin siya ni Hazel. Napatakip ako sa bibig ko sa pagkabigla.
“Tignan mo nga ang mukha mo sa salamin, mas pangit ka pa sa mga patay na kuko ko. Kaya umalis ka sa harapan ko ngayon din kung ayaw mong maubos lahat ng buhok mo!” asik pa ni Hazel.
Dali-daling umalis ang babae na tila natakot sa banta ni Hazel. Nagugulat akong napabaling sa kaniya. My best friend is so brave! I’m so proud!
“Gosh! Nakakapang-init ng ulo!” singhal ni Hazel.
“Oooh! That’s so fierce!” tuwang-tuwa kong sambit.
“Yeah, right. At dapat ganoon ka rin. Be strong every time nang hindi ka nasasaktan at inaapakan ng mga tao. Mas mabuti nang alam mo kung paano lumaban kaysa umuwi ka na laging luhaan. . .” paalala niya.
Pagkatapos noon ay dumiretso na kami papasok sa classroom. Umupo na kami ni Hazel sa likod at naghintay na lang sa pagdating ng Professor namin.
“May I have your attention for a minute?” Our class president headed in front. “Announcement, guys! Next week ay start na ng practice natin para sa cheer dance at magkakaroon tayo ng program sa Wednesday para sa mga Professors natin.”
“Pero hindi natin kakayanin, kukulangin tayo sa oras. So half day lang ang practice?” Tanong ng isa naming kaklase.
“Don’t worry, wala tayong klase bukas but you’re not allowed to be absent tomorrow dahil magpa-practice tayo at may attendance. Anyone can sing or dance, okay?”
“Yes,” sabay-sabay naming sagot lahat.
Nagpasya kaming magkakaklase na pag-usapan ang plano dahil hindi na rin dumating ang Professor namin sa subject na ‘yon. Matapos ang group discussion ay nag-recess na. Napagdesisyunan namin ni Hazel na huwag na lang pumunta ng cafeteria tutal ay busog pa naman kami at baka mag-time na hindi pa rin kami nakakakain sa sobrang haba ng pila.
“Beb, picture ka nga rito, dali!” pamimilit ni Hazel sa akin.
“Saan ba?”
“D’yan ka sa tapat ng board.”
Tatlong beses nag-flash ang camera. Inasahan kong magiging maayos ang kuha noon ngunit nang makita ko ang litrato ko ay napangiwi na lang ako sa kaniya. Mas malabo pa ang kuha niya kaysa sa chance na magka-jowa siya.
“Pasensya na ha, godbless,” biro niya saka kami natawa pareho.
Matagal pa bago ang sunod na klase namin kaya nag-scroll na lang ako sa F******k. Ang dami na namang nag pop-up na notification sa screen ng cellphone ko.
76 notifications. 25 messages.
Isa-isa kong binuksan ang notification ko at nakakaasiwang malaman na puro si Marco ang nagla-like ng mga status, post, at shares ko.
Pagkatapos ng pahirap na 76 notification na iyon, sa messages naman ako nag-focus. Pagkakita ko pa lang sa chat heads ay lalo lang nag-init ang ulo ko nang makitang nasa unahan ang pangalan noong Marco na ‘yon. Sa kaniya pa nanggaling ang karamihan sa mga messages mula pa kagabi. I opened his chats.
Marco Ramos: Hi, good evening.
Marco Ramos: Hello, Faye. Good morning.
Marco Ramos: Nag-breakfast ka na ba?
Marco Ramos: Nasa West University ka na?
Marco Ramos: Hey?
Marco Ramos: Respond to my messages, please.
As usual, I just seen his messages. Maya-maya’y bigla na naman siyang nag-chat. Uh-oh. Wala akong kawala. Kailangan ko yatang magreply.
Marco Ramos: Hey, you’re online.
Faye De Leon: What do you need, huh? Are you a stalker? I’ll report you to the police!
Then I immediately logged out my account and let out a deep sigh.
Ikaw ang gumugulo sa tahimik kong buhay.
“Oh, bakit gan’yan mukha mo? Para kang pinagsakluban ng langit at lupa, grabe makakunot-noo, beb?” Hazel jested while laughing at me.
“I’m just not in the mood.”
“Don’t me, Faye. I know you so well. Come on, spill it out.”
“Fine,” pagsuko ko. “Do you know Marco Ramos?”
“He’s popular here. But what about him, huh?” nakangiting aso niyang tanong.
“He’s pestering me. Basta, naiinis ako sa kaniya.”
“Bakit naman?”
“Maya’t-maya ang tunog ng phone ko. Kaya ayon, naglog-out ako bigla. Bahala siya sa buhay niya."
“Oh. . .” Tumatango-tango siya habang nakangisi nang nakakaloko.
“What?”
“Nothing. Baka pinagtitripan ka lang. I heard he’s a playboy busy breaking a girl’s heart. Womanizer pa at paasa. Be careful of him, beb.”
“Pake ko ba sa kaniya?” Umiwas ako ng tingin.
“Why so defensive, then?” asar pa ni Hazel.
“Hindi ko siya kilala or ka-close although nakakasalubong ko siya minsan rito sa West but we’re not even greeting nor talking to each other tapos feeling close siya,” saad ko.
“Okay. If you say so,” nakangisi pa rin niyang usisa saka bumalik sa ginagawa niya.
Napabuga ako ng hangin sa kawalan at nakapangalumbabang tumunghay sa labas ng bintana sa tabi ko. Hindi ko na lang pinansin ang nangangasar na titig ni Hazel sa akin.
Bago nagsimula ang susunod na subject namin ay nagpaalam ako sa kaniya na magre-restroom muna ako. Papasok na sana ako sa comfort room nang lumabas ang taong nasa kabila kung saan ang men’s room. Spell MALAS: F-A-Y-E!
“Hey,” he greeted me with a smile on his lips.
“Will you please stop bothering me? I told you I’ll report you-”
“Go ahead. Report me to the cops, I don’t mind.” He stared at me. “This is now my chance to finally talk to you so I’m sorry but I won’t stop bothering you. . .”
Natigilan ako nang ilang segundo. Is he crazy? Does he need something from me or what? What’s wrong with him? My gosh!
“I like it every time you get mad. See you around.”
Then he pinched my cheeks before he left. I froze in shock because of what just happened. What the heck! You crazy jerk!
I think today is my unlucky day!