“All right, class. At dahil malapit nang magtapos ang klase niyo, we’re having an educational trip tomorrow. Sa California, bale a week tayong mag-stay doon. Malayo pero ganoon talaga, minsan lang tayo mabigyan ng ganitong opportunity sa ibang bansa at wala naman tayong kahit anong babayaran. You’re not required to wear your school uniforms but please wear your ID. Kapag sumama kayo, may plus ang grades niyo. Pero ‘yong mga hindi sasama at hinding papayagang sumama, I understand. I’ll just give you a project,” ani Professor. “Dismiss.” “Uy, California raw!” “Hala, ang layo.” “Sasama kayo?” React ng ilan sa mga kaklase namin. Nilingon ko sina Hazel at Ella. “Beb, sasama ka?” Tanong ni Hazel sa akin. “Kung para sa grades naman, why not? saka travel din ‘yon,” sagot ko. “Ikaw, Ella?”

