“Oh, there she is! Our birthday girl, my beautiful daughter. Ayesha Faye De Leon. . .” Natuon sa akin ang atensyon ng lahat ng tao habang bumababa ako sa hagdan. Narinig ko pa 'yong iba na nagbubulungan. Nang malapit na akong makababa nang tuluyan ay inalalayan ako ni Marco. Halos mapanganga ako sa itsura niya. Ngayon ko lang rin siya napansin sa dami ng tao rito sa bahay. “And this is Marco Ramos, my daughter’s boyfriend.” Nagulat ako nang sabihin ‘yon ni Dad. Pinakilala niya sa lahat na boyfriend ko si Marco. I didn’t expect that coming. Nagsimulang magbulungan ‘yong iba, habang ’yong iba ay nagulat. “Ang gwapo ni Marco!” “Kay Faye na siya, ano!” “I know. Bagay sila!” Nagkatinginan kami ni Marco kaya ngumiti siya nang nakakaloko sa akin. “Paano ba ‘yan, bagay daw tayo, baby.”

