Note: This part happened before Ryan and Aniq went abroad. Ryan "Sir Ryan, magaling. Konting practice pa and you will be running and kicking in no time." Inabot niya sa akin ang puting towel. Tipid ko siyang nginitian nang tanggapin ko ‘yun. Agad kong pinunasan ang pawis kong mukha pati na rin ang leeg at mga balikat ko. "Mabilis ng improvement ng mga paa mo. Sinong mag-aakala na nagawa mo nang makatayo at makapaglakad ng wala pang isang taon. You have proven your determination to walk again," papuri pa rin ni Max sa akin. He is my therapist. "Ang hirap kasing maging pabigat. Sampung buwan na akong inaalagaan ng girlfriend ko. Ayoko nang pahabain pa ‘yun." Umupo na ako sa naghihintay na wheelchair. "Hindi mo pa ba ipapaalam sa kanya ang magandang balita, Sir?" "Saka na. Siguro kapag
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


