Yumakap si Ryan mula sa likuran ko. "Honey, nag-eenjoy ka ba sa bakasyon natin?" malambing niyang bulong sa tenga ko habang pareho naming ninanam ang lamig ng klima ng America. Natuloy din kami rito four days ago. Saka na lang daw kami uuwi sa Martenei kapag malapit na ang pasukan. Sasamahan daw muna niya ako sa aking pag-aaral doon at pagkatapos ay dito na raw kami titira sa America para mai-turn over na sa kanya ng kanyang ama ang mga negosyo nila rito tutal isang taon ang naisakripisyo sa pag-aaral ko dahil sa pag-aalaga ko sa kanya during his recovery period. Wala namang problema sa akin dahil siya ang priority ko. Kaya nang sinabi niyang kailangan namin ng bakasyon, pumayag na akong sumama para na rin makilala ko ang pamilya niya at para na rin sa wakas ay matapos na ang galit niya s

