Narito kami ngayon sa La Union para raw mag-celebrate ng unang monthsary namin. At hindi ako ang nagpumilit na mag-celebrate, ha? ‘Yung boyfriend kong astig ang bigla na lang pumasok sa kuwarto ko at sinabing maghanda ako ng mga babaunin kong damit for our two day trip para raw mag-celebrate. See? Ako lang pala ang kailangan ni Ryan para maging malambing ang hinayupak. Nakakapanibago nga, eh. Arogante, gago, antipatiko, walanghiya at kung anu-ano pang masasamang salita ang pag-uugaling meron siya noon. Pero ngayon, nadiskubre kong meron din pala siyang magagandang pag-uugali. Malambing, maaalahanin, mapagbiro at maalaga din pala siya. Nakakalunod nga ng puso ‘yung pagbabago ng pakikitungo niya sa akin. Though minsan, I find him weird kasi may mga oras na nakatunganga lang siya sa isang tab

