Chapter 35: Aniq

1586 Words

"Ano ba naman ‘yan?!" Naiinis kong pinalo ang braso kong dinapuan ng insekto. Pisa ang kawawang insekto at namula naman ang braso ko pero hindi ko iyon pinansin. Muli kong itunuon ang pansin ko sa apat na kalalakihang nagkukumpulan at may seryosong pinag-uusapan na ayaw nilang iparinig sa amin. Kanina pa ako naiinip. Alas nuebe na ng gabi pero mukhang wala pa silang balak pumasok sa cottage namin. Aba, halos maubos na namin ang kanta sa videoke pero ang apat na ‘yun, hindi man lang natitinag sa kanilang pag-uusap. Kaya kung kanina ay super ngisi at excited ako sa napipintong kainan namin ni Ryan, ngayon ay nakasimangot at naiinip na ako. Nawalan na ako ng mood para makipagkagatan. "Aniq, oh." Inabutan ako ni Cles ng barbeque mula sa iniihaw nila ni Francis. Kanina nga ay tumutulong pa ako

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD