"We should've taken the car." Sinimangutan ako ni Ryan habang hinihila ko siya papunta sa mga hilera ng bus. Umakyat kami sa isang bus na may karatulang Dau. "Ano ka ba? Andito na nga tayo, nagrereklamo ka pa. Sakay na." Nagpatiuna na akong sumakay sa bus. Agad naman akong nakakita ng bakanteng upuan para sa amin ni Ryan. Umupo na ako roon sa may bintana. Tumabi siya sa akin na nanghahaba pa rin ang nguso. "’Wag ka na ngang sumimangot dyan. Aircon naman itong sinakyan natin kaya magiging kumportable naman tayo rito. Ayaw mo ba niyon, hindi ka mapapagod. Ayoko kasing mapagod ka. At maganda nga ito, mayayakap kita habang nasa biyahe tayo kaya 'wag ka nang sumimangot dyan," pang-uuto ko sa kanya. "Wala tayong privacy. I was planning pa naman to make love with you in my c---" Agad kong

