Akala ko wala ng sasakit pa sa pagkamatay ni Auntie pero ang kaalamang tatlong taon akong niloko ni Ryan ay tila dumoble ang bigat sa aking dibdib. "I'm sorry, Aniq. Alam kong ikaw ‘yun. And I admit, plinano ko kung paano kita makukuha nang makita kitang muli during the initiation. The circumstances helped me out and I made you my slave." Umakyat ang lahat ng dugo sa ulo ko sa sinabi niyang iyon. "Bakit mo ginawa ‘yun? Dahil ba hindi ka nasiyahan sa serbisyo ko at gusto mong bumawi sa bayad mo sa akin? ‘Wag mong sabihing... Oh my God, ikaw din ba ang lalaking nanamantala sa akin sa loob ng dalawang taon?!" Guilt was written all over Ryan's face. Sinubukan niya akong hawakan pero agad akong pumiglas sa kanya. Umatras din ako palayo sa kanya. "Aniq, I'm sorry! Nagawa ko lang ‘yun kasi

