Pumaling ang mukha ko dahil sa malakas na sampal galing kay Clem pagkatapos kong ikuwento sa kanya ang lahat ng nangyari bago maaksidente si Ryan. "You f*****g b***h. How could you wish for his death?! Alam kong galit ka pero hindi ko inasahan na magagawa mong utusan siyang mamatay na! Sinabi ko sa’yong hanapin mo ang puso ni Ryan pero ngayong hawak mo na, dinurog mo pang lalo. How could you be so heartless, Aniq?" galit na panunumbat sa akin ni Clem. "I-i'm sor-ry..." Napaluha ko. My face stings. Her words sting. But they couldn't surpass the pain and fear I am feeling right now. "Your sorry could not turn back time, Angelique," buong pagkasuklam niyang sabi. Napahagulgol ako sa pag-iyak at pagsisising aking dinaranas. Tama si Clem. Kahit ilang milyong sorry pa ang sabihin ko, hind

