Halos hindi na ako humihinga nang paunahin ako ni Summer na pumasok sa Torture Room. Naroon sina Marcus, Flame, at Clem na halatang kanina pa naghihintay sa pagdating ko. Gusto kong humakbang paatras, tumakbo palayo at magtago sa ilalim ng hospital bed ni Ryan ngunit nagpigil ako. Alam kong kailangan ko itong harapin. Kung may dapat akong panghawakan sa ngayon ay ‘yun ang aking tapang at lakas ng loob. Hindi ako duwag. "Finally!" Clem blurted with sarcasm. Lalong bumigat ang mga paa ko. Halos hindi na ako makahakbang papunta sa kanila. Kinailangan pa akong itulak ni Summer sa kinaroroonan nila. Tumingin sa akin si Marcus na may nagbabagang mga mata. Naiihi na ako sa sobrang takot. Nanginginig na rin ang aking mga tuhod. Kakaiba talaga siyang tumingin. Parang hinahalukay ang mga lamang-lo

