Mabilis lumipas ang mga araw. Masaya ako dahil sa bawat pagdaan nito ay lalo akong napapalapit kay Ryan. Ako na talaga ang nagluluto ng ulam namin tuwing lunch at regular na rin akong tagamasahe niya tuwing gabi. He reciprocated it by giving me an additional allowance. Pero hindi iyon ang gusto kong kapalit ng mga ginagawa ko para sa kanya. Nagsusuklay ako sa harap ng salamin ng aking dresser nang mapatingin ako sa kalendaryong nakaipit doon. Bigla akong nahilo. Nanikip din ang aking tiyan. Gusto kong masuka. Bakit ko nakaligtaang magbilang ng mga araw? How can I forget na mamayang gabi na pala kukunin ni Secret ang aking virginity?! Yup. Secret na lang ang tawag ko rito. Nawala na ang salitang love sa pangalan niya dahil ang salitang iyon ay naka-reserve na kay Ryan. Napapikit ako nang

