"Kumusta na siya?" tanong ko kay Clem sabay tingin kay Flame na tahimik na umiinom sa madilim na sulok ng bar. "Ayun, tapos na ang drama pero nagmo-moment na naman ang lolo mo." Nakatingin din ito sa aming kaibigan. "Ikaw? Kumusta na?" Ako naman ang napagbalingan niya. "I'm good," tipid kong sagot. "Yeah, you're good. Good liar." Napatitig ako rito dahil may ipinapahiwatig ang mga tinging ibinibigay niya sa akin. "I'm not a liar," I deadpanned. "Kung hindi ka sinungaling, aminin mo kung bakit ka naguguluhan." Naningkit ang mga mata kong napatingin dito. "Sino naman ang nagsabi sa’yong naguguluhan ako?" Nag-iwas ako ng tingin at ibinaling ang pansin sa shot glass na nasa kamay ko. "Ryan, we've been friends for years. Kabisado ko ang bawat galaw mo. Ultimo galaw ng bituka mo kabisado

